Chapter 22 (Ang Katotohanan)

42 2 0
                                    

Eli's POV

Maaga akong nagising dahil lunes na naman, as usual may pasok.

Nagpaalam sa'kin si Dylan na hindi raw siya papasok dahil sobrang sakit ng ulo niya.

Iniwanan ko na lang siya ng pagkain para kapag nagutom siya. Ayaw niya kasi magpadala sa ospital dahil gastos lang daw.

Papasok na 'ko ng gate ng Auxerre nang makasabay ko si Lucas.

"Hey, Eli. How's life? Saan nga pala si Dylan?"

"Okay naman, Luke. Wala si Dylan 'e, 'di papasok. Masama kasi pakiramdam niya"

"I see. Baka hindi okay sa kanya na magsabay tayo?"

"Baliw. Syempre okay lang, magkaibigan naman tayo, 'di ba?"

Pagkasabi ko ng magkaibigan lang kami, biglang nalungkot ang mukha niya at nawala ang ngiti niya.

"Oo naman" sagot niya nang hindi ako tinitingnan sa mata.

Hindi ko na siya sinagot pa dahil nakita ko si Allynah na nakatingin sa'kin.

Anong problema ng babaeng 'yon?!

Kalma lang, Eli. Kalma lang! Ikaw talaga, away lagi ang hanap! Hahahahaha!

Hindi ko siya pinansin. Masyado akong maganda para pansinin siya.

"Hi, Ally" bati ni Lucas nang madaanan namin si Allynah.

Close sila?!

"Hello, Luke" sagot naman ni Ally.

"Close kayo?" Tanong ko kay Lucas kasi na-curious ako bigla.

"Hmm yup. Ex-girlfriend kasi siya ng half-brother ko"

Half-brother? Sino naman? Tsaka wala akong kilalang ex niya before kasi ang alam ko, NBSB siya. Siguro itinago niya sa'kin. Grabe talaga siya.

"Huh? Sino naman? 'E wala akong kilalang ex niya dati kasi nga NBSB 'yan"

"So, magkakilala rin kayo?" Tanong niya.

"Teka, ako una nangtanong 'e. Sino nga?"

"Si Harrison Tyler. Kapatid ko siya sa ina"

Nagulat ako nang sabihin niyang kapatid ni Lucas si Harry sa ina. Ang taong pinakakinasusuklaman ko!

"Si Harry?! Half-brother mo 'yun?!"

"Oo, kilala mo rin?!"

Napatahimik na lang ako at hindi sinagot ang tanong niya.

"Oh, bakit ka nanahimik?"

"Ex ko siya. Siya rin ang aking most hated person, sila ni Allynah"

"Fck. No. I mean, what a small world! Ang half-brother ko, ex-boyfriend mo? Nice. Hahaha"

"Anong nice do'n?! Siya lang naman ang dahilan kung bakit nasira ang friendship namin ni Allynah! Nice?!"

"Woah. Calm down, Eli. But, how?!"

"Ally and I were best friends for almost 6 years. Dati pa naman talaga, crush na niya si Harry pero kasi ako 'yung niligawan ni Harry. We broke up because he cheated on me. Tapos nung wala na kami, saka sila umeksena ng best friend ko. Masakit sa'kin hindi dahil may nararamdaman pa 'ko kay Harry nung nalaman ko 'yon pero kasi best friend ko siya. Hindi man lang niya 'ko nirespeto bilang tao. Hindi niya na nirespeto 'yung pagkakaibigan namin. Tinapon lang niya nang ganon-ganon na lang dahil sa lalaking 'yun. Tinalo niya ako 'e. Ang sakit pa rin pala kasi hindi rin biro mawalan ng kaibigan na parang kapatid mo na"

The Guy From The Time MachineWhere stories live. Discover now