Chapter 1

289 12 1
                                    

Eli's POV

"Elizabeth Beatrice! Tanghali na! Bumangon ka na riyan!" sigaw ng aking bungangera pero mahal kong ina.

"Ano? May balak ka pa bang pumasok o matutulog ka na lang dyan?!" walang tigil niyang sigaw. Nakakarindi!

Unang araw ko nga pala ngayon bilang isang kolehiyala sa Auxerre Academy. Pangalan pa lang pang-sosyal na 'no? Ayoko naman talaga mag-aral do'n dahil doon din mag-aaral ang ex kong si Harry. Pero anong magagawa ko? Scholar lang naman ako at wala akong karapatan mag-demand dahil una, hindi ako maganda. Pangalawa, hindi pa rin ako maganda. At pangatlo, hindi talaga ako maganda para mag-inarte. Kaya wala akong choice kundi pumasok doon at mag-aral nang mabuti para mapatunayan ko naman sa kanilang karapat-dapat ako para sa scholarship na 'yon at para mapatunayan sa Harry na 'yon na kahit hindi man ako 'yung tipong pangrampa, 'e may mararating naman ako sa buhay ko, 'no!

Naglalakad ako sa hallway nang biglang may humila sa braso ko. Pagtingin ko, ang walang kwenta ko palang ex na si Harrison Tyler. Tunog mayaman, ano? Anak lang naman siya ng pinakamayamang businessman sa bansa na si Mr. Ben Tyler. Well, wala pa rin akong pake sa kaniya.

"Eli, we need to talk!" sabi ng damuhong Harry.

"Bitawan mo nga ako, Harrison!" Palaban kong sabi. Akala niya natatakot ako sa kaniya porque anak-mayaman siya?!

"What do you want me to do para kausapin mo na 'ko? Ang tagal na kitang sinusuyo, oh!" Aba! Siya pa galit? Ay kagaling!

"Bakit, sinabi ko bang suyuin mo 'ko, ha?! Diba hindi naman?!" Oha! Palaban ang lola niyo!

"Eli, I'm begging you. Mag-usap tayo. Please?"

"Pwede ba, Harry mamaya na lang? Kakasimula lang ng pasukan, dadali ka na ng ganyan! Tsaka pwede ba? Nandito ako para mag-aral, hindi para makipag-landian!" Sorry, pa-hard to get ang lola niyo.

"Landian agad?! Hindi ba pwedeng I just want to clear things out lang?!" Tingnan niyo, siya pa talaga galit! Kapal ha!

"Ano pa bang kailangan mong linawin, ha? 'E malinaw pa sa plastik-labo na you cheated on me kaya ayaw na kitang kausapin! Gets mo? Kung oo, you better go and stop ruining my day!" Saka ako nag-walk out. Anong akala niya, siya lang marunong mag-english?!

"Hoy, bruha!" Pagtawag ng bessy ko.

"Ay! Palaka ka! Bruha ka! Aatakihin naman ako sa puso sa'yo 'e!" Nagulat talaga ako to the nth power! Mwahahaha!

"Nakita ko si Harry kanina. Hindi pa rin siya nagbabago, freniwa. Gwapo pa rin siya! Hihi!"

Kinikilig pa ang gaga. Ultimate crush niya kasi si Harry. Pero gano'n talaga ang buhay, mga malalandi ang nagwawagi. Mwahahaha! Kaya ayon, si Avery ang nagwagi. 'Yung taong iningatan ko ng mahabang taon, mawawala agad sa hindi inaasahang pagkakataon. Masakit pa rin pala. Hindi pa rin naghihilom ang sugat ng kahapon. Napapahaba na chika ko. Balik tayo sa freniwa ko. (Freniwa- short term for friend and beshiwa hehe)

"Gwapo nga, manloloko naman. Wala rin."

"Ang aga naman magmaasim nito!"

"E paano 'yang Harry na 'yan! Agang-aga at first day na first day, binubwiset ako! Kinukulit niya 'kong makipag-usap sa kaniya nang maayos. Para ano? Para ayusin 'yung nasira naming relasyon? Hindi na uy! Manigas siya!"

"Wow, besh! Ikaw ba talaga 'yan?! Arte ha!"

"Bwiset ka! Dyan ka na, papasok na 'ko sa room ko. Kita na lang tayo mamaya! Mwa!"

"Sige, freniwa! Bye!"

Pagkatapos ng klase, nagpasya akong bumili muna ng milktea sa DesTEAny sa tapat ng Auxerre para magpalamig muna dahil mainit pa rin ulo ko dahil nakita ko na naman si Harry na nakangiti sa'kin kaya inirapan ko siya. Hindi naman siya chix para ngitian ko rin, 'no! Lul!

Naglalakad na 'ko papunta sa terminal ng jeep para makauwi nang biglang may tumigil na sports car sa tapat ko. Bumungad sa'kin ang mukha ng ex kong manloloko kaya uminit na naman ang ulo ko. Ayaw talaga akong tigilan ng damuhong 'to! Gusto yata talagang makatikim ng sapak neto!

"Eli, hatid na kita."

"Thanks but no thanks. Si Avery na lang ang ihatid mo!"

"Sige na, Eli para makapag-usap na rin tayo." Aba ang kapal din talaga!

"At sinong may sabi sa'yong gusto kong makipag-usap sa'yo? Kapal mo rin, eno?!" Ginigigil talaga ako ng damuhong 'to!

"Hindi kita titigilan hangga't 'di mo 'ko kinakausap, Eli!"

"Ah, hindi? Gusto mong tadyakan ko 'tong sports car mo?! Gusto mo?!" Tatadyakan ko talaga 'to, makita niya!

"Sige, hindi na. Bukas na lang." sabay ngisi ng damuho.

"Sige, kung gusto mong magka-ube yang kaliwang mata mo!" Sasapakin ko talaga 'to kapag hindi tumigil. May lahi pa man din kaming boksingero sabi ng nanay ko. Hindi ko nga lang alam kung totoo. Baka imbento lang niya para mema-sabi. Hakhak! Azar!

Sabay patakbo nang mabilis ang damuho. Takot din! Letse!

Nakauwi na 'ko sa bahay. Pagkauwing-pagkauwi ko pa lang, inutusan na agad ako ni nanay na pumunta sa bodega namin at kuhanin ang vacuum cleaner. Tarush!

Nilibot ko ang paningin ko sa lumang bodega na kadugtong ng inuupahan naming bahay ngayon. Napakalaki talaga ng bodegang 'to. Ang laki rin kasi ng bahay. Swerte namin dahil pinaupahan lang ng mura kasi may sabi-sabi rito na may multo raw sa bahay na 'to 'e simula nung dumating kami rito, wala naman kaming nararamdaman o nakikita. Imbento 'yung mga 'yon, azar!

Kukuhanin ko na sana ang vacuum pero napabaling ang tingin ko sa isang kakaibang bagay dito sa loob ng bodega. Malaking orasan ito na ewan, hindi ko maipaliwanag. Sinubukan kong kuhanin pero ang bigat.

Inuna ko munang kuhanin ang vacuum dahil nag-iinit na ang puwit ng aking inang galit na galit na dahil ang tagal ko.

Binalikan ko ang malaking orasan saka ito binuhat. Ayos 'to para may orasan na 'ko sa kwarto ko. Hehe.

Ipinuwesto ko na ito sa tabi ng higaan ko para kapag late na 'ko gumising, 'e kita ko ang oras. Whahaha! So bright mo talaga, Elizabeth Beatrice!

Ang laking orasan neto aba! Pinupunasan ko ang orasan kasi sobrang maalikabok! Nakakahika. May nakita akong button kaya agad ko itong pinindot. Laking gulat ko nang may lumiwanag na sobrang nakakasilaw.

Niluwa ng liwanag ang napakagwapong nilalang!

"S-sino ka?! A-anong ginagawa mo rito?!"

The Guy From The Time MachineWhere stories live. Discover now