Maagang nagising si Dylan. Naabutan ko siyang nakatingin sa kawalan at tila malalim ang iniisip.
"Dylan" pagtawag ko.
Agad naman siyang lumingon at bumati.
"Magandang umaga" bati niya. Agad naman siyang lumapit sa'kin.
"Magandang umaga rin. Ano, handa ka na ba?"
"Handa na. Ngunit, heto ba ang isusuot ko?"
Ay oo nga! Simula nung dumating siya rito, hindi pa siya nagpapalit ng damit. Ni hindi nga yata 'to naliligo pa. Pero, hindi siya mabaho at hindi nabaho. Ba't ganun? Unfair! Mwahaha!
"Oo nga pala. Saglit lang, hihiram lang ako sa tropa kong lalaki ng damit. Dyan ka lang ha? 'Wag kang aalis!"
Tumango naman siya bilang sagot.
Pumunta ako kay Caloy para manghiram ng damit na pwede niyang suotin.
"Caloy! Caloy! Tao po" Nakakahiya agang-aga nambubulahaw ako.
Agad naman binuksan ni Caloy ang pinto.
"Oh, Elingot! Bakit?"
"Caloy, pahiram naman ng damit, oh. 'Yung pamporma sana. Hehe"
"Huh? Para saan? Tsaka para kanino?"
"Ah eh kasi ano... may ano kami... may play kami 'e ang ganap ko, tibo. 'E wala naman akong damit na panlalaki"
"Ah ganon ba. Sige, Eli ikukuha lang kita. Pumasok ka na muna"
"Hindi sige, Caloy. Okay lang. Hintayin na lang kita rito"
"Sige, ikaw bahala. Sandali lang"
Mga ilang minuto pa, ay dumating na si Caloy. May dala siyang 3/4 sleeve polo shirt, jeans na black at saka top-sider shoes.
"Eto, Eli. Okay na ba 'to?" Ipinakita niya ang mga dala niya.
"Oo, Caloy. Maraming salamat. Balik ko na lang pagkalaba ko. Hehe."
"Sige, Eli. Walang anuman"
Agad na akong nagpaalam kay Caloy at umuwi para maibigay na kay Dylan ang kanyang isusuot.
"Heto na, Dylan. Maligo ka na at magbihis para makaalis na tayo"
"Sige. Sandali lamang"
Ilang minuto ang hinintay ko. Ang tagal naman kumilos no'n. Male-late na 'ko.
Maya-maya lang ay bumukas na ang pintuan ng kwarto at agad siyang lumabas. Napanga-nga ako nang makita siya. Napakagwapo niya lalo sa suot niya. Biglang nag-init ang pisngi ko. Pasaway 'tong pisngi ko. Wala lang 'to. Nagulat lang ako. Hindi ko siya crush 'no!
"Ayos lang ba? Hindi ba't hindi maganda tingnan?"
"Huh? Anong hindi? Bagay nga 'e. Ang gwapo mo lalo tingnan." Hala! Ano ba 'yan, Elizabeth Beatrice! Ang kire mo talaga!
"Salamat" sagot niya. Teka, tama ba 'yong nakita ko? Ngumiti siya nang slight?!
Tumalikod agad siya kaya hindi ko nakita. Huhu.
Kasalukuyan na kaming naglalakad papasok sa Auxerre. Hindi naman siya sinita ng guard kasi busy kalalaro ng mobile legends. Ay kagaling!
Bigla siyang nagsalita.
"Dito ka nag-aaral?" Hindi makapaniwala niyang tanong.
"Oo, bakit?"
"Wala" sagot niya.
"Scholar lang kasi ako dito kaya dito ako nakapag-aral. 'E halos kalahating milyon ang inaabot ng tuition dito. Nakakamatay para sa'ming mahihirap lang."
YOU ARE READING
The Guy From The Time Machine
מדע בדיוניPaano kung ang taong mahal mo ay nanggaling sa nakaraan at oras at panahon ang tangi niyong kalaban? Ano ang kaya mong isugal para sa pagmamahal? Ano ang kaya mong ibigay para sa iyong minamahal? Author's note: Ang inyong mababasa ay pawang likha la...