Chapter 16

34 3 0
                                    

Eli's POV

Umayos na ang pakiramdam ni Dylan kaya nagpasya kaming bumalik na sa room.

Pagpasok namin, agad kong nakita si Lucas na nakatingin sa amin. Umiwas siya ng tingin. Kita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya.

"Eli ko" pagtawag ni Dylan.

Tumingin ako sa kanya.

"Bakit, Dylan ko?"

"I love you"

Napangiti ako sa sinabi niya.

"I love you too"

"Wag kang mawawala, ha?"

"Oo naman"

Dismissal time na.

Biglang lumapit si Lucas kay Dylan.

"Huwag mo siyang sasaktan, ha?! Masama akong kalaban pagdating sa taong mahal ko"

"Hinding-hindi. 'Wag kang mag-alala"

"Siguraduhin mo lang, wala akong sinasanto pag nasasaktan ang mahal ko"

"Mas hindi kita sasantuhin kapag nilapitan mo pa ang Eli ko"

"Tama na, Lucas, Dylan!" Pag-awat ko.

Umalis na si Lucas.

"Hindi kita hahayaang makuha ng iba, Eli ko"

"Ako rin naman, Dylan ko"

"May na-miss ako"

"Ano, 'yun?"

"Hmm tara sa parke?"

"Gusto mo sa iba naman tayo pumunta para masaya? Hehe"

"Kahit saan, mahal ko. Basta kasama ka"

Ang lawak ng ngiti ni Dylan. Nakakahawa.

"Kahit nga sa bahay lang, okay na 'ko. At least, kasama kita ro'n"

"Sus! 'E dun ka na nga sa Kylie na 'yun nakatira!"

Bigla akong napasimangot. Totoo naman 'e. Kinuha niya mga gamit niya at doon dinala. Akala niya 'di ko sila nakitang sabay pumasok? 'E nilingon nga niya 'ko! Bwiset!

Tinawanan pa 'ko ng ulupong na 'to!

"Sabi ko nga ay uuwi na 'ko"

"Hindi! Dun ka na!"

"Pinamimigay mo na 'ko?"

Biglang naging seryoso ang mukha niya. Hahahaha! Ang cute.

"Hindi. Sabi ko, dun ka na tumira pero sa akin ka"

Hindi napigilan ni Dylan ang mapangiti. Ang cute talaga ng mahal ko'ng 'to. Nakaka-in love lalo.

"Magpapaalam na ako sa kanya na uuwi na sa'yo"

"Samahan na kita para siguradong wala siyang gagawin sa'yo"

"Hahaha. At ano naman ang maaaring gawin sa'kin ni Kylie? At isa pa, mabait na kaibigan 'yun"

"Sus. Kaibigan agad? Kakakilala lang?"

"Oo, inalagaan niya 'ko nung nawalan ako ng malay kaya kaibigan ko na siya"

"Sabagay, siya nga may sabi sa'kin na na sa clinic ka"

Ginulo niya lang buhok ko. Kahit kailan talaga 'tong lalaking 'to!

Papunta na kami dun sa bahay nung Kylie kung saan siya tumutuloy.

Nag-door bell ako at ilang segundo lang, lumabas na siya.

The Guy From The Time MachineWhere stories live. Discover now