Eli's POV
Ang ganda ng gising ko. Napakasaya ng puso ko. Walang sakit, walang masyadong inaalala at walang problema— oops! Maliban pala sa hindi pa pwedeng umuwi si Dylan dito dahil nandito sila nanay at si Elisse. Huhu.
"Good morning, nanay. Good morning, Elisse!" Bati ko sa kanila. Nginitian naman ako ng nanay ko. Kahit naman lagi akong kinukurot sa singit at binabatukan ng nanay ko, close naman kami nito at mahal na mahal ko 'tong nanay kong 'to. Maraming sinakripisyo si nanay para lang sa'min ni Elisse. The best 'tong nanay kong 'to 'e. Superwoman ng buhay ko. Hihi.
Nagulat ako kasi biglang sumigaw si Elisse.
"Ate! Sino 'yung Dylan? Nagtext sa'yo"
Sa sobrang gulat at kaba ko, napatakbo ako saka hinablot sa kanya ang phone ko.
'Yung tingin niya, parang kinikilig na nang-aasar. Bwiset! Huhu.
"Sino 'yan, ate ha? Ayie. Boyfriend mo 'no?"
"Ano 'yang boyfriend-boyfriend na 'yan, ha?!"
"Nay, si ate may boy—"
Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil tinakpan ko ang bibig niya.
"A-ah n-nay kaklase ko po 'yun. Nagtatanong lang kung may assignment. Hehe"
"Sus. Kaklase raw!"
"Manahimik ka dyan! Malalagot ka sa'kin" bulong ko sa kanya.
"Tumigil dyan sa boyfriend-boyfriend na 'yan! Hindi naman 'yan makakatulong sa inyo. Sasaktan lang kayo ng mga 'yan! Akala niyo ba? Kapag nadisgrasya kayo ng mga 'yan, hindi kayo pananagutan ng mga 'yan! Bagkus, iiwanan ka lang at hahayaang buhayin mag-isa ang anak niyo!"
Agang-aga, g na g agad ang nanay ko. Pero, hindi ko naman masisisi ang inay. Siya ang bumuhay sa'min magkapatid. Siya ang nagtaguyod sa'min ng ilang taon. Simula naman talaga nang isilang ako, wala na akong tatay. Hindi ko siya kilala. Mayaman daw kasi ang tatay ko at katulong lang sa kanila ang nanay ko. Si nanay daw talaga ang mahal ng tatay ko pero hindi siya nagawang ipaglaban ng itay dahil tutol sa kanila ang mga magulang ng tatay ko. Ipinakasal daw sa iba ang tatay ko. Ang mali ng tatay ko, hindi niya kami nagawang ipaglaban. Alam niyang may anak siya sa nanay ko pero wala siyang ginawa ni sustento man lang. Galit ako sa kanya, oo. Pero ganun pa man, gusto ko siyang makilala. Marami akong tanong na gusto ko, siya lang ang sumagot.
Alam ko naman ang limitasyon ko. At isa pa, mabait si Dylan. Alam niya ang tama at mali. Ganoon din naman ako. Nakakakonsensya nga lang dahil hindi alam ng nanay ko. Hays.
"Aga niyo naman magmaasim, nay" pang-aasar ko.
"Anong pagmamaasim nalalaman mo? Totoo ang sinasabi ko kaya kung may boyfriend man kayong dalawa, sinasabi ko sa inyo, hiwalayan niyo 'yan agad kung ayaw niyong pagpupupukpukin ko 'yang mga 'yan ng buko sa ulo! Hindi 'yan makakatulong! Wala 'yang maitutulong na maganda sa inyo! Wala 'yang—"
Hindi na natapos ang sasabihin ni nanay dahil nagsalita ako.
"Ah! Nay, kailan nga po pala balik niyo sa probinsya?"
"Bakit baga atat na atat kang pauwiin kami ng kapatid mo?"
"Hala si nanay! Atat na atat agad pauwiin kayo? 'Di ba pwedeng nagtatanong lang?"
"Naku! Naku! Sumasagot ka pa dyan! Uuwi rin kami bukas, 'wag kang mag-alala"
"Sasagot naman pala, gusto pa nagagalit siya" bulong ko.
YOU ARE READING
The Guy From The Time Machine
Ciencia FicciónPaano kung ang taong mahal mo ay nanggaling sa nakaraan at oras at panahon ang tangi niyong kalaban? Ano ang kaya mong isugal para sa pagmamahal? Ano ang kaya mong ibigay para sa iyong minamahal? Author's note: Ang inyong mababasa ay pawang likha la...