Chapter 24

25 1 0
                                    

Eli's POV

Isang linggo na ang lumipas simula nang maghiwalay kami ni Dylan. Ang sakit sakit pa rin. Siya lagi ang na sa isip ko. Siya lagi ang hinahanap ko. Hindi ko na ulit siya nakita pa simula noon. Hindi ko alam kung saan siya tumutuloy ngayon. Nag-aalala lang ako baka kung na paano na siya.

Ayaw pa rin mag-sink in sa utak ko na wala na kami. Hindi pa rin ako makapaniwala na aabot kami sa ganito, na malalaman ko 'yung katotohanan na daang taon ang tanda niya sa'kin, na nabuhay siya sa nakaraan at napunta lang siya dito sa present dahil sa isang time machine na nilikha ng kanyang ama na isang scientist na si George Peterson. Pinag-aaralan lang namin siya noong high school ako tapos ngayon, may darating na lalaki sa buhay ko na magpaparamdam sa'kin na totoo ang pag-ibig pero iiwan din ako dahil hindi kami pwede at take note, ama pa niya ang scientist na 'yon.

Na sa ground ako nang lapitan ako ni Lucas.

"Ang lungkot naman ng mga mata mo" sabi niya nang nakatingin sa malayo.

Tinabihan niya 'ko.

"There's a lot of reasons to be happy. Sarap kaya maging masaya, try mo"

"Ikaw na lang, ikaw naka-isip 'e" pagbibiro ko.

"Sungit naman nito"

Hindi ko siya pinansin.

"I'm here. I will never let you feel you're alone. Smile!"

Niyakap ko siya nang mahigpit na mahigpit.

Pagmulat ko, nakita ko si Dylan na nakatingin sa'min mula sa malayo. Mas lalo akong nasaktan.

Dylan, I'm sorry. Huling beses kitang sinaktan, niyakap ko rin si Lucas. Patawarin mo 'ko.

Tumakbo siya palayo nang umiiyak.

"Eli, are you okay?"

Napapahikbi na ako sa pag-iyak. Hindi ko mapigilan.

"Sorry, naalala ko lang si Dylan"

"Forget everything about him. He caused you so much pain you don't really deserve"

"Hindi siya kayang kalimutan ng puso ko, Luke. Sorry"

"Time heals all wounds, Eli"

Pagkatapos no'n, nagpaalam na 'kong uuwi na.

Dylan's POV

I saw her hugging someone else. It hurts so much. I can't help myself but to cry.

Lalapitan ko sana siya dahil nakita ko siyang mag-isa pero bigla siyang nilapitan ni Lucas kaya napatigil ako sa kinatatayuan ko at pinanood lamang sila. Niyakap ni Eli si Lucas na labis ikinasakit ng aking damdamin.

Bumalik ako sa campus para hanapin si Kylie.

Siya ang tumulong sa akin na magkaroon ng matitirahan pansamantala. May pera naman ako ngunit siya ang humanap ng aking malilipatan malapit sa kanila.

Akmang lalapitan ko na sana si Kylie nang makita ko si Eli. Oo, nakita ko ang babaeng pinakamamahal ko nang malapitan.

"Eli..." pagtawag ko sa kaniya nang malumanay.

Lalayo na sana siya ngunit hinabol ko siya.

"Eli, pwede ba tayong mag-usap?"

Narito kami sa parke kung saan kami nagsimula. Kung saan kami unang bumuo ng mga magaganda at masasayang alaala.

Hindi siya nag-sasalita. Tiningnan ko siya pero nakatingin lang siya sa lawa.

"Eli"

Tumingin siya sa'kin.

"Maari ko ba'ng hingiin sandali ang oras mo? Kahit ngayon lang. Kahit sa huling sandali na masisilayan ko ang napakaamo mong mukha"

"Anong ibig mo sabihin, Dylan?"

"Magpapakalayu-layo na ako, Eli. Para hindi na kita masaktan pa at hindi na rin lalong madurog ang puso ko"

"Dylan, hindi mo naman kailangang gawin 'to. Mahal kita, Dylan. Mahal na mahal. Titiisin ko lahat ng sakit. Please, hayaan mo 'kong mahalin ka pa lalo. Kahit masaktan ako sa pag-alis mo kasi Dylan, ikaw lang naman ang gusto kong makasama at mahalin nang ganito. Please"

Niyakap ko siya nang mahigpit. Parehas kaming umiiyak.

"Eli..."

"Please, Dylan. Please"

Nginitian ko siya.

"Handa ka ba talaga?"

Nagulat siya sa tanong ko.

"Oo, Dylan ko. Handa akong masaktan. 'Wag ka lang mawala sa'kin. Ang selfish pakinggan pero totoo, mahal ko"

"I love you, Eli ko" nginitian ko siya.

"I love you so much, Dylan ko"

Sobra 'yung tuwa niya. Niyakap niya ako nang mahigpit na mahigpit. Sinuway ko ang lola Kikay ko 'wag lang masaktan ang babaeng pinakamamahal ko. Handa rin akong masaktan para sa kaniya.

"So, uuwi ka na ba ulit sa bahay?"

"Hindi pa, Eli ko. Kukuhanin ko na muna ang mga gamit ko malapit sa bahay nila Kylie"

Biglang sumimangot ang mukha ni Eli nang banggitin ko ang pangalan ni Kylie.

"Ah okay"

"Siya kasi ang tumulong sa'kin na makahanap ng bagong malilipatan 'e"

"Okay"

"Sabihin mo na rin dyan sa Lucas na iyan
na tayo ulit at hindi na tayo maghihiwalay"P

"Dyan din sa Kylie na 'yan"

Hinatid ko na muna si Eli sa bahay at saka umuwi na.

Lola Kikay, patawarin mo 'ko kung susuway ako sa kagustuhan mo 'wag lang masaktan ang pinakamamahal ko.

Nagtungo na ako sa aking tinutuluyan at nagpaalam kay Kylie.

"Ky, thank you so much for everything you've done for me. You are such a good friend"

Niyakap ko siya dahil napakabuti niyang kaibigan.

"As long as you're happy, Dylan Grey. Thank you for coming into my life and also for being such a good friend too"

"I'm gonna miss you, my handsome neighbour"

Napatawa ako sa sinabi niya.

"Bolera ka talaga, parang si Eli ko"

"Sige na, baka ma-compare mo pa 'ko ulit sa kanya"

"Ikaw talaga"

Kumaway ako sa kaniya bilang hudyat na ako'y aalis na.

Dumiretso na ako sa tinutuluyan ko at balak kong kinabukasan nang umuwi kay Eli.

The Guy From The Time MachineWhere stories live. Discover now