Eli's POV
Maaga akong nagising kasi nga wala na sila nanay dito kaya as usual, ako na ang gagawa lahat ng gawaing-bahay dito. Huhu.
"Magandang umaga" bati niya. Ang aga naman gumising neto.
"Magandang umaga rin, gwapong nilalang— este Dylan! Hehe"
"Ano ang bagay na iyan?"
"Huh? Alin?"
Tinuro niya ang cellphone ko. Hetong pangkaskas ng yelo na telepono? Whahahaha!
"Heto? Cellphone. Hindi mo alam o sadyang iPhone na ang alam mo at hindi ang de-keypad?" Napalakas ang tawa ko kaya biglang kumunot ang noo niya.
"Hindi ko alam ang mga sinasabi mo. Hindi ko alam ang bagay na iyan"
Kung sa bagay, 'e dyan nga siya galing sa malaking orasan na 'yan. Magtataka pa ba ako kung hindi niya alam pati ang cellphone?
"Kung naaalala ko lang ang lahat, masasagot ko lahat ng katanungan mo. Hindi ko na kailangan pang ulit-ulitin" Hala! Na-offend ko yata siya! Huhu. Ang sungit niya talaga. Agang-aga ang init ng puwit.
"Sorry naman. Kung sa bagay, mas nakakapagtaka kung bakit diyan ka sa malaking orasan na 'yan galing" sambit ko. Pampalubag-loob lang, na-offend ko 'e. Hahaha!
Nakasimangot lang siya at hindi pinansin ang sinabi ko.
"Huy, sorry na!" Panunuyo ko. Ang cute niya magtampo, seriously. Hihi. Ang landi na naman ng lamang-loob ko. Hahahaha!
"Ayos lamang. Nauunawaan ko." Ay tampo pa rin!
"Usap na lang tayo ulit. Kailangan ko nang pumasok. Male-late na 'ko! May pagkain naman dyan, kumain ka na lang kapag nagutom ka. Sige na. Bye"
Nandito na 'ko sa Auxerre Academy. Hinihintay ko 'yung kaibigan kong bruha na si Allynah Rose Enriquez. Mayaman siya pero hindi siya tulad ng iba na maarte, pasosyal, matapobre and so on. Siya 'yung tipong maamo ang mukha pero kalog. Siya rin 'yung may crush kay Harry pero ako ang niligawan niya. Ang dahilan? Dahil mas gusto raw ng mokong na 'yon ang simple, walang arte sa katawan at matalino. Sus! Ang sabihin niya, mas gusto niya 'yung mabilis mahulog at mauto! Tarantado siya! And speaking of the devil, papunta siya sa kinauupan ko kaya agad akong tumayo at lumakad paalis.
"Eli, wait!" Sabi ng damuho.
"Wait wait mo mukha mo! Unggoy!" Agang-aga, uminit agad ulo ko.
"Eli, please! Don't go or else!"
Tumakbo na 'ko para hindi na ako mahabol ng damuho na 'yon! Wala na akong pake sa sinasabi niya.
"Don't go your face! Dumbass!"
Tumigil na siya kahahabol. Napagod din ang gago. Tanaw ko na rito sa kinatatayuan ko ang freniwa ko kaya agad ko siyang pinuntahan.
"Ally!" Pagtawag ko.
"Freniwa, kanina pa kitang hinahanap. Teka, sinong hinahabol ni Harry, ikaw?"
"Oo. Ayaw niya 'kong tigilan. Kahapon pa siya! Bwiset!"
"Chill lang, fren! Ayaw mo ba nun? Hinahabol-habol ka ni Harry ko?"
"Well, I don't! Kung makikipag-usap lang siya para makipagbalikan, 'wag na lang! Hindi naman ako tanga para magpaloko nang paulit-ulit." Sabi ko nang may kirot sa puso.
"Why don't you give him a chance na magpaliwanag? Kahit 'yun lang. Wala naman mawawala 'e." bigla akong napatigil sa sinabi niya.
"Bahala na. Pero 'wag muna ngayon kasi may mahalaga akong sasabihin sa'yo. Just keep it a secret na lang"
YOU ARE READING
The Guy From The Time Machine
Science FictionPaano kung ang taong mahal mo ay nanggaling sa nakaraan at oras at panahon ang tangi niyong kalaban? Ano ang kaya mong isugal para sa pagmamahal? Ano ang kaya mong ibigay para sa iyong minamahal? Author's note: Ang inyong mababasa ay pawang likha la...