Dylan's POV
Kinaumagahan ay nagpaalam ako kay Eli na maglalakad lamang dahil ramdam kong tila bumabagsak ang aking katawan.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nalalaman ni Eli ang tungkol sa mga pasa ko sa katawan.
Ayaw kong mas lalo pa siyang mag-alala at makadagdag pa sa kaniyang mga isipin.
Alam ko'ng hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya ang mga nalaman niya.
Hindi ko namalayang malayo na pala ang nalakad ko.
Tumigil muna ako sandali upang magpahinga. Naikot ang aking paningin. Tila ako'y mawawalan ng malay.
Hahakbang na sana akong muli nang bigla akong matumba.
Pagmulat ko'ng muli ay nagtaka ako dahil na sa isang silid na 'ko.
Napakasakit ng ulo ko. Parang binibiyak.
"Thank God, you're awake! My gosh, Dylan!"
"Kylie, ikaw ba ang nagdala sa'kin dito?"
"Yup. I was driving alone when I saw you. You were unconscious and your nose was bleeding. I panicked so I brought you in the nearest hospital".
"Thank you, Kylie"
Dumating ang doktor. Tila kinakabahan ako sa kaniyang sasabihin.
"How's your feeling now?"
"Okay lang po, doc"
"Hmm... Tapatin na kita, hijo. I've done many tests at lahat 'yon, lumalabas ay positive ka sa Leukemia. You have stage 3 blood cancer, hijo. I suggest, magpa-chemotherapy ka, stay physically active and follow a healthy diet"
Ano ang kaniyang sinabi?! Hindi ko maintindihan.
"Oh my, God! Doc, are you sure with that?! I mean, do something para gumaling siya. Please"
"Tulad ng sabi ko, he needs to undergo chemotherapy. Excuse me"
"Kylie, anong mayroon? Hindi ko maintindihan"
"Dylan, you have blood cancer. It can kill you..."
Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin dahil kasalukuyan siyang umiiyak.
Pwede ko'ng ikamatay?! Hindi. Hindi pwede ito!
"Anong pwede nating gawin para gumaling ako, Kylie?"
"Marami, Dylan. We'll do everything para gumaling ka. You need to tell Eli about your condition"
"Hindi. Hindi niya dapat malaman ang tungkol dito. Lalo lang siyang mag-aalala at masasaktan siya panigurado"
"Pero hindi mo pwedeng ilihim 'to nang matagal sa kaniya, Dy. She'll find it soon..."
"Respect my decision, Kylie. Sobra na ang lungkot na nararamdaman niya at ayaw ko na 'yon dagdagan"
"Is it because of my dad and what happened yesterday? Can you tell me what's really going on with them?"
"Hindi, dahil usapang pampamilya 'yan at labas na ako d'yan. Wala ako sa sitwasyon para sabihin lahat sa'yo. Ipagpaumanhin mo, kaibigan".
"You need a lot of money for your condition. It can cost a million or higit pa. Sasagutin ko ang hospital bill mo, everything you need para sa pagpapagaling mo kapalit ng nalalaman mo"
"Pero Kylie..."
"Hindi malalaman ni Eli. I'll keep it to myself. I promise, Dy. Please..."
Aaminin ko. Wala akong pampagamot sa letseng sakit na 'to. Ni hindi ko nga alam paano ako nakakuha ng ganitong klase ng sakit.
YOU ARE READING
The Guy From The Time Machine
خيال علميPaano kung ang taong mahal mo ay nanggaling sa nakaraan at oras at panahon ang tangi niyong kalaban? Ano ang kaya mong isugal para sa pagmamahal? Ano ang kaya mong ibigay para sa iyong minamahal? Author's note: Ang inyong mababasa ay pawang likha la...