Chapter 34

5 1 0
                                    

Eli's POV

Tatlong araw na simula nang umuwi si Dylan galing ospital. Hanggang ngayon ay wala pa ring pagbabago sa kondisyon niya. Pakiramdam ko nga ay lalo pa'ng lumalala.

Wala ako'ng magawa kung hindi ang maawa na lang at alagaan siya. Hindi ko alam kung paano pa siya gagaling o kung gagaling pa ba.

Napakasakit isipin na hindi na siya gagaling. Huwag naman sana. Kailangan ko pa siya. Kailangan ko siya.

Naghanda na ako ng makakain ni Dylan. Hindi na niya kayang kumain nang marami. Minsan nga ay tatlong subo pa lang, ayaw na niya.

Mas halata ngayon ang pangangayayat ng katawan ni Dylan. Ang dating matipunong katawan, napalitan ng payat na pangangatawan.

Halata sa kaniyang mukha ang pagkabawas ng kaniyang timbang. Ang mga pasa niya sa katawan ay mas dumami pa.

Madalas ako'ng umiiyak dahil sa sinapit ni Dylan. Hindi ganito ang pinangarap ko'ng buhay para sa aming dalawa.

Habang naghahanda ay nag-chat ako kay Elisse.

"Elisse, may sasabihin ako sa inyo pero 'wag sana kayong mabibigla"

"Ano 'yon, ate?"

"May cancer si Dylan. Ayaw ko'ng isipin na sasaglit ko na lang siyang makakasama pero tinatatagan ko ang loob ko para na rin sa kaniya"

"Ano?! Ate, totoo ba 'yan?! Kung gano'n, kailangan 'to malaman ng nanay. Sasabihin ko sa kaniya agad. Nakakabigla at nakakalungkot naman, ate. Napakabuting tao ni Kuya Dylan"

Hindi ko napigilan ang sarili ko at napaiyak na 'ko. Tama si Elisse. Napakabuti nga ng Kuya Dylan niya. Hindi dapat nangyayari ito sa kaniya.

"Ikaw na ang bahala magsabi kay nanay, ha?"

"Opo, ate. Bibisita kami d'yan pero baka ilang araw pa siguro dahil busy pa dito. Pakisabi kay Kuya Dylan na magpagaling siya"

"Oo, sige. Sasabihin ko"

Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ng nanay kapag nalaman niya. Sigurado ako'ng sobrang malulungkot 'yon. Tinuring na niya si Dylan na parang tunay niyang anak kaya magiging mabigat din ito para sa kaniya at kay Elisse.

Maya-maya ay nag-chat si Kylie. Kinukumusta niya si Dylan.

"Hi, sissy! How's Dy? I hope he feels better now"

"Sana nga okay na pakiramdam niya pero kasi sa nakikita ko, lalo siyang nanghihina. Hindi ko na alam ang gagawin, Kylie. Nahihirapan ako sa tuwing nakikita ko siyang dumadaing sa sakit"

"I know how difficult it is for you, sissy. But please be strong for Dylan. Everything will be fine, oki?"

"Salamat, Kylie. Kailan ka pala bibisita?"

"Maybe tomorrow, sis. I'll message you, huh?"

"Sige. Matutuwa si Dylan kapag nakita ka"

"I'll be right back, sis. Mwa!"

Laking pasasalamat ko'ng nariyan si Kylie para sa amin ni Dylan. Hindi pa alam nila nanay na alam na ni Kylie. Gusto ko'ng sabihin sa kaniya pero siguro hindi pa ito ang tamang panahon. Saka na kapag nagawi sila rito sa Maynila.

Nagpunta na ako sa kuwarto para pakainin si Dylan.

Nakita ko siyang mahimbing na natutulog. Mas madalas siyang tulog ngayon para makapahinga siya.

Akma ko na sana siyang gigisingin nang marinig ko siyang magsalita.

"Lola Kikay..."

Tinawag niya ang kaniyang lola na mula pa sa nakaraan.

The Guy From The Time MachineWhere stories live. Discover now