Chapter 13

41 3 0
                                    

Eli's POV

Lunes na naman. Parang ayaw ko'ng pumasok ngayon. Hindi pa ako handang makita sila. Kung pwede nga lang hindi pumasok, ginawa ko na. Pero hindi pwede dahil may activity sa Auxerre.

"Magandang umaga" bungad ni Dylan.

Ngiting-ngiti siyang bumati sa'kin. Good mood ang tukmol ngayon, ah.

"Good morning din, Dylan" nakangiti ko ring bati sa kanya.

"Pwede ba tayo'ng hindi dumalo sa activity at pumunta na lang sa Star City ulit o sa parke?"

Napakamot siya sa ulo dahil sa tanong niya. Pati ako natawa.

"Kung pwede nga lang, 'e. Ayaw ko rin naman um-attend sa activity kasi hindi pa ako handang makita ang best— este ex-bestfriend ko"

Totoo naman 'e, ex-bestfriend ko na siya dahil sa ginawa niya. Sana man lang kasi nirespeto niya 'ko. Kahit hindi na bilang kaibigan kung hindi bilang tao na may buhay at nararamdaman.

"Tingnan ko lang kung may mukha pa'ng ihaharap 'yung gagong 'yun" nakangisi niyang sabi.

"Bakit?"

"Wala"

Ang bilis naman mawala sa mood ng lalaking 'to.

"Ano nga ginawa mo?"

"Binasag ko lang naman ang kaniyang mukha"

"Bakit mo ginawa 'yun?"

"Kasi paulit-ulit ka na niyang sinasaktan at pinaiiyak"

Natahimik ako sa sinabi niya.

"He deserves that kind of pain! Kulang pa 'yon sa lahat ng kasalanan niya sa'yo"

Pagkatapos niyang sabihin 'yun, tinalikuran na niya ako saka lumakad palayo.

Nandito na kami sa Auxerre. Math Camp ang activity namin ngayon. Sa activity na 'to, kailangan ng 20 groups with 20 members. 'Yung Math Club officers, sila ang naghati-hati sa'min.

Hindi ko ka-grupo si Dylan. Paano na 'yun? Sinong kasama no'n?

Nagulat ako, magka-grupo kami ni Lucas at ni Ally.

Sinasabi ko na nga ba 'e! Kaya ayaw kong um-attend.

Wala si Harry. Tama nga siguro ang sinabi ni Dylan, wala nang mukhang ihaharap 'yung gago na 'yon!

Nilapitan ako ni Lucas.

"Groupmates pala tayo. Nice" nakangiti niyang sabi.

Nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin si Dylan kaya tiningnan ko siya. Umiwas lang siya ng tingin. Problema na naman kaya nun?

"Oo nga, Lucas" nginitian ko rin naman siya.

Lumipas ang isang maghapon. Bonfire na ang sunod. Lahat kami nakapalibot sa apoy. Nakabilog kumbaga.

Gusto kong lapitan si Dylan kasi naaawa ako sa kanya. Halata kasing hindi siya nage-enjoy.

Tumabi sa'kin si Lucas.

"Tabi tayo, ha? Wala nang vacant seat 'e"

"Oo, sige okay lang"

"Hindi naman ba magagalit ang boyfriend mo?"

Oo nga pala, ang alam niya, boyfriend ko si Dylan. Tiningnan ko siya, ang sama ng tingin niya. Iniwas lang niya ang tingin niya sa'kin. Kinakausap naman siya ni Hannah.

"Ah, Lucas. Hindi ko nga pala boyfriend si Dylan. Nagpanggap lang kami para tigilan na 'ko ni Harry, 'yung ex ko"

"Totoo?! I mean, akala ko totoo. Kasi the way he looks at you, the way he holds your hand, and the way he smiles at you, parang totoo. Nice" sabi niya. 'E ba't mukhang ang saya pa niya?

The Guy From The Time MachineWhere stories live. Discover now