Dylan's POV
Maaga akong nagising para makapaghanda sa aking unang araw sa Auxerre Academy. Sinilip ko ang silid ni Eli ngunit nakasarado ito. Napakatagal kumilos ng babaeng iyon. Mahuhuli na kami sa klase.
Kinatok ko ang pinto ng kanyang silid. Sumagot naman siya.
"Sandali lang naman!" Siya pa itong galit?
Pero sa katunayan, malaki ang pasasalamat ko sa babaeng ito dahil sa kanya ako napunta— ang ibig kong sabihin, siya ang nakapagpalabas sa akin sa malaking orasan na iyon at nakapagpagising sa akin dahil sa mahaba kong pagtulog. Mabait naman ang babaeng ito ngunit napakalakas ng boses, parang palengkera.
"Tara na" sambit niya.
Mas maganda siyang pagmasdan kapag naka-uniporme siya. Hindi siya mukhang palengkera at nagmukha siyang tao.
"Ano, nagagandahan ka sakin 'no?!" Ang kapal naman ng bunganga ng babaeng ito.
Nakatitig pala ako sa kanya. Nakakahiya.
"Hindi. Mukha bang pinagpapantasyahan kita?!" Pagsusungit ko.
"Agang-aga, ang sungit mo! 'E malay ko ba, titig na titig ka sa'kin 'e" pagpapaliwanag niya.
"Napagtanto ko lang naman na kapag uniporme ang iyong suot, hindi ka mukhang madungis" pagbibiro ko.
"Aba! Sumosobra ka na ah!"
Paglapit niya sa'kin ay natalisod siya kaya napahawak siya sa mga balikat ko. Ang ganda ng kanyang mga mata. Parang nagniningning ang mga ito.
"Ano?! Napapasarap ka yata sa pagkapit?" Sambit ko habang nakatitig pa rin sa kanya.
"N-natalisod a-ako e-e!" Sagot niya. Haha. Kinakabahan siya. Nakakatawa.
"Halika na nga at mahuhuli na tayo! Unang araw ko pa man din sa eskwelahan"
Eli's POV
Kasalukuyan na kaming naglalakad papasok ni Dylan. Nakakainis! Nakakahiya! Grabe 'yung nangyari kanina. Bwiset talaga 'tong lalaking 'to! Bwiset! Simula pag-alis sa bahay hanggang ngayon, hindi kami nag-uusap o nagkikibuan. Ang awkward kaya! Tsaka bwiset pa rin ako 'no!
At iyan na naman ang mahihitad na mga babaeng ito! Ang lalagkit ng tingin kay Dylan! Iba ka talaga, tsong!
Pero bakit gano'n? Bigla akong nainis. Ewan. Dahil 'yon siguro sa nangyari kanina. Oo, Eli! Tama ka!
"Hi, handsome!" Bati ng isang garapata— este ng isang babae kay Dylan. Agang-aga, landi agad, 'teh?! Wiw.
Hindi pinansin ni Dylan 'yung garapata! Whahaha!
"Freniwa!" Pagtawag ni Ally.
"Hi, freniwa!"
"May bago raw estudyante dito ah?"
"Ayan na nga si Dylan"
"Hindi, iba pa. Dalawa silang transferee na ngayon din ang start ng pasok"
"Huh? Sino naman?"
"Lucas Montecillo raw. Gwapo nga raw tsaka anak ni Senator Montecillo"
"Totoo?! Ayos 'yun! Hehe"
"Osya dyan ka na puntahan ko lang si..." hindi niya tinuloy ang sasabihin niya.
"S-si H-hannah... may tatapusin lang kaming homework. Sige na, bye" homework? Groupwork 'yon panigurado! Whahaha!
Abala ako sa pagcecellphone dahil may nag-like ng dp ko. Nice! 10 likes na hihi. Sa sobrang abala ko, hindi ko namalayan na may mabubunggo ako.
YOU ARE READING
The Guy From The Time Machine
Science FictionPaano kung ang taong mahal mo ay nanggaling sa nakaraan at oras at panahon ang tangi niyong kalaban? Ano ang kaya mong isugal para sa pagmamahal? Ano ang kaya mong ibigay para sa iyong minamahal? Author's note: Ang inyong mababasa ay pawang likha la...