Chapter 10

45 4 0
                                    

Eli's POV

Ang tagal naman ni Dylan, gutom na 'ko. Huhu.

Tanaw ko na siya na parating na at may dalang tacos. Alam niya talaga ang favorite ko. Hihi. Pero nakasimangot siya. Parang sumabak sa giyera 'yung lalaking 'yun.

Pagdating niya, agad niyang iniabot sa'kin 'yung tacos nang walang sinabi kahit na ano.

"Huy, anong nangyari sa'yo? Ba't nakabusangot na naman 'yang mukha mo?" Tanong ko. Ang moody talaga neto, kalalaking tao 'e!

"Wala. Kumain ka na lang dyan!"

"Sungit mo naman. Labag yata sa loob mo 'e, oh 'eto na!" Inabot ko sa kanya pero hindi niya 'ko pinansin.

Ano na naman ba'ng problema ng lalaking 'to? Ang hirap intindihin, ha!

Buong klase, ang tahimik lang niya at nakakunot ang noo. Mukhang malalim din ang iniisip. Baka tungkol din sa naaninag niya. 'E bakit hindi niya ako pinayagan kaninang bumili sa canteen? Ewan ko sa kanya! Ang moody niya!

Dumating na ang uwian pero wala pa rin siya sa mood.

"Pupunta pa ba tayo sa parkville? Parang nakakatamad yata kapag ganyan hitsura mo" tanong ko. Bigla namang nawala 'yung kunot sa noo niya.

"Oo, tara na" Aba! Makahila naman 'to, wagas!

"Ano ba talagang problema, Lalake?!"

"Tingnan mo, gusto mo'ng pumunta tayo sa parke nang masaya tapos ngayon, uungkatin mo pa at itatanong kung anong problema"

"So, meron nga?"

"Wala nga. Ang kulit mo naman" aba! At ako pa 'tong makulit?

Ilang minuto kaming nakatitig lang sa lawa. Pasulyap ko siyang tinitingnan para makita kung nakasimangot siya nang bigla siyang nagsalita na labis kong ikinagulat.

"Sabi ko na nga ba, nag-gwapuhan ka sa akin 'e" wow ha! Kapal!

"Hoy! Kahit kailan talaga ang feelingero mo! Hindi 'no!" Pagdedepensa ko.

"E bakit mo 'ko tinitingnan?"

"Tinitingnan ko lang naman kung nakasimangot ka pa rin! Napaka mo talaga!"

"Bakit guilty ka? Aminin mo na lang" Ngumiti na siya. Ayan na!

"Feelingero ka talaga!"

"Bakit, hindi ba ako magandang lalaki?" Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko kaya napapikit ako.

"Kung ako feelingero, ikaw naman assumera. Hindi kita hahalikan 'no! Hahahahahahaha!"

Bwiset! Bwiset! Bwiset ka talagang lalaki ka! Argh!!! Biglang nag-init 'yung pisngi ko.

"Nagulat lang ako sa ginawa mo! Grabe ka naman magsalita!" Tumayo na 'ko kasi naiinis ako sa kanya! Sobra, to the nth power!

Hinawakan niya ang kamay ko saka hinila paupo. Nilapit na naman niya ang mukha niya. Pero this time, hindi na ako napapikit. Mahirap na at baka masabihan na naman na assumera. Bwiset na lalaki ka!

"Bakit ka aalis kung totoo naman ang sinasabi mo? Pinatunayan mo lang na guilty ka" pang-aasar niya.

Tinulak ko siya saka ako nagsalita.

"E kasi naiinis ako kaya ako aalis! Bwiset!" Tumayo na ako saka ako naglakad nang mabilis.

Hinila niya 'ko nang malakas kaya napadikit ako sa kanya. 'Yung kamay naman niya napahawak sa likod ko.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ako makapag-react. Ang alam ko lang, mabilis ang tibok ng puso ko at nanlalambot ang mga tuhod ko.

"Ano, aalis ka pa?!" bulong niya.

The Guy From The Time MachineWhere stories live. Discover now