Eli's POV
Hindi ko alam ang gagawin ko nang makita ko si Dylan na mahimatay habang dumudugo ang ilong.
Iyak lang ako nang iyak habang binubuhat siya sa kwarto niya.
Dylan, ano ba talagang nangyayari sa'yo? Mababaliw ako sa kaiisip kung ano talaga ang nangyayari sa kaniya.
Habang tinititigan siya, hindi ko maiwasang hindi maiyak. Hindi naman siya ganito dati.
Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay.
Hinawakan ko ang kamay niya saka siya kinausap.
"Dylan, sabihin mo sa'king normal lang 'yan. Sabihin mo'ng dahil lang 'yan sa pagkabuhay mo ng ilang taon" umiiyak ko'ng sabi.
Tumungo ako habang umiiyak pa rin nang biglang magsalita si Dylan.
"Eli ko..."
Agad akong humarap sa kaniya.
"Dylan, ano ba talagang nangyayari sa'yo? Bakit dumudugo ang ilong mo at nawalan ka ng malay?"
"Huwag mo na akong alalahanin. Napagod lang ako kanina"
"Anong napagod?! Ilang beses na dumudugo ilong mo, Dylan. Hindi 'yan pagod lang!" Nagpa-panic ko'ng sagot.
"Eli, huminahon ka. Sinabi ko naman sa'yong dahil lang ito sa matagal na panahong naririto ako"
"Unti-unti ka na ba'ng binabawi ng Lola Kikay mo? Unti-unti ka na ba'ng ibinabalik sa kung saan ka dapat naroroon?"
Napahagulgol na 'ko sa sobrang pag-iyak.
"Hindi, Eli. May dahilan ang lahat. Sa ngayon ay hindi pa natin natutuklasan pero darating din ang panahon na malalaman natin ang nangyayari sa'kin"
"Dylan... Please, 'wag mo 'kong iiwan. Hindi ko kaya" pagmamakaawa ko.
"Hangga't kaya ko ay mananatili ako sa piling mo, Eli ko. Hindi ako aalis hangga't maaari"
"Alam ko'ng darating din tayo d'yan pero sana naman, 'wag ngayon. Few more years pa sana" sambit ko habang humahagulgol.
Pinilit ako'ng yakapin ni Dylan kahit hirap siyang bumangon.
"Tahan na... Magiging maayos din ang lahat. Mawawala rin 'to, Eli"
"Pero paano? Nararamdaman ko'ng bumabagsak ang katawan mo. Malimit ko'ng nakikita ang pagdurugo ng ilong mo. Magpa-check up tayo, Dylan. Please"
"Hindi. Huwag, Eli... Hindi na kailangan"
"Pero Dylan..."
"Kapag sinabi ko'ng hindi... Hindi, Eli! Huwag nang makulit. Pakiusap. Kailangan ko pa ng kaunting pahinga. Iwan mo na muna ako saglit"
Pinagbigyan ko siya sa gusto niya. Hindi ko na siya kinulit pa dahil alam ko'ng magmamatigas lang din naman siya.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi na ako nakakapag-isip nang maayos. Nakakabaliw!
Nagtungo na ako sa kusina para asikasuhin ang makakain ni Dylan.
Habang nag-aasikaso ay hindi ko napigilang umiyak.
Binalot ako ng sobrang takot. Takot na takot ako sa kung anuman ang maaring mangyari. Hindi ko kayang mawala si Dylan. Siya ang kaisa-isang lalaking sobra ko'ng minahal. Siya ang gusto ko'ng pakasalan kahit alam ko'ng malabong mangyari 'yon. Ang sakit-sakit naman.
Pagpasok ko sa kwarto niya ay nakatalikod siya.
"Dylan... Kumain ka na muna para may lakas ka"
Humarap siya sa'kin.
YOU ARE READING
The Guy From The Time Machine
Science FictionPaano kung ang taong mahal mo ay nanggaling sa nakaraan at oras at panahon ang tangi niyong kalaban? Ano ang kaya mong isugal para sa pagmamahal? Ano ang kaya mong ibigay para sa iyong minamahal? Author's note: Ang inyong mababasa ay pawang likha la...