Dylan's POV
Halos gumuho ang aking mundo nang makita sina Eli at Lucas na magkayakap. Hindi ko kayang makita siyang hawak ng iba kaya nagpasya akong umalis na lamang sa Auxerre at sa bahay ni Eli.
Hindi ko alam kung paano pa ako mabubuhay kung wala siya. Hindi ko alam kung paano pa ako ngingiti kung alam kong may nagmamay-ari na sa kanya. Masakit. Sa pagkakataong ito, hindi ko na muna hinihiling na bumalik agad ang aking alaala. Gusto ko ang ganitong mundo. 'Yung kami lang muna ni Eli. 'Yung kami lang sana ni Eli ang bida sa sarili naming istorya. Pero hindi. Dahil 'yung aking wonderwoman, may superman na iba.
Mahal na mahal kita, Eli. Mahal na mahal. Hindi dahil maganda ka kung hindi ikaw lamang ang nagpakita sa'kin ng kabusilakan ng puso. Ikaw lamang ang nagpasaya sa'kin at nagparamdam na ako'y mahalaga.
Mahal ko, patawarin mo 'ko hindi dahil binitawan kita, kung 'di dahil hinayaan kitang maging masaya sa iba. Hindi kita nagawang ipaglaban dahil wala akong panghahawakan na kapag naipanalo kita, sa'kin ka talaga. Mahirap na ipaglaban ang taong hindi gustong ipaglaban siya. At higit sa lahat, mahirap ipaglaban ang taong may mahal na iba.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Patuloy pa rin ako naglalakad ngayon. Biglang sumakit ang aking ulo. Parang binibiyak. Sobrang sakit.
Eli's POV
Hinatid ako ni Lucas pauwi. Hindi na sana ako papayag pero nagpumilit siya. Pagdating ko, wala sa bahay si Dylan. Hinanap ko siya sa bodega, ngunit wala siya roon.
Dylan, na saan ka na ba?
Kasalanan ko 'to. Sinaktan ko ang kaisa-isang taong kaya akong pasayahin kahit sa simpleng bagay lang. Naiiyak na naman ako.
Kapag may nangyaring hindi maganda kay Dylan, hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Dahil sa pagiging selfish ko, hindi ko ipinaglaban ang tunay na nararamdaman ko.
10:45 pm na, wala pa rin si Dylan. Wala akong ibang ginawa kung 'di umiyak lang. Tinawagan ko siya pero patay ata ang cellphone niya.
Dylan's POV
Nagising ako na narito sa isang magarang bahay. Na saan ako? Ang natatandaan ko lang ay sumakit ang aking ulo at... nawalan pala ako ng malay.
Sino ang nagdala sa akin dito?
"Gising ka na pala" sambit ng isang babae.
Nilingon ko siya. Mukhang pamilyar ang kaniyang mukha. Pakiramdam ko ay nakita ko na siya.
"Ikaw ba ang nagdala sa'kin dito?"
"Oo. Muntikan ka nang mabangga ni Mang Lito, driver namin. Bigla kang nawalan ng malay. How's your feeling right now?" Nakangiti niyang sabi.
"Maraming salamat. Pasensya rin sa abalang aking nagawa"
"Wala 'yun. Don't worry, hindi ako nagpapabayad. Hahaha. Anyway, Kylie Gaile Montenegro. You can call me, Kylie if you want"
"Dylan, right?" Dagdag niya.
Tumango ako bilang sagot. Bakit niya ako kilala?
"Paano mo ako nakilala?"
"Sino namang hindi makakakilala sa heartthrob ng Auxerre?" Nakangisi niyang tanong.
"So, sa Auxerre ka rin?"
"Yup. Saan ka nga pala nakatira?"
Sasabihin ko ba na kina Eli? O hindi?
Si Eli. Panigurado hinahanap ako no'n. Kumusta na kaya siya?
"Sa isang kaibigan"
"So, saan nga? Hahaha"
"Kina Eli Santiago. Doon muna ako hangga't hindi pa bumabalik ang aking alaala"
"So, may amnesia ka?! Paano kayo nagkakilala and saan?"
"Mahabang istorya. May hindi kami pagkakaunawaan kaya hindi ko alam kung saan ako uuwi"
"You can stay here if you want habang hindi pa bumabalik memory mo. Na sa business trip sila mom and dad, wala rin akong kasama. Wala rin naman kasi akong kapatid"
"Hindi na, masyado nang nakakaabala"
"Hindi 'no. Okay lang talaga"
"Mapilit ka pero sige"
"Hindi ka halatang may amnesia. You look so happy every time I see you"
Hindi ko siya sinagot. Naalala ko na naman si Eli.
"Eli... Eli... ah! 'Yung girl na lagi mong kasama?" Tanong ulit niya.
Ang daldal naman niya. Hay nako.
"Oo"
"I see"
"Uuwi muna ako. Kukuhanin ko ang mga gamit ko kila Eli. Hindi ka ba papasok?"
"No. Kapag pumasok ako, wala kang kasama dito. Tara na"
"Ha?"
"Sasamahan ka namin ni Mang Lito, of course. Hindi ka na makakatanggi kaya let's go!"
Eli's POV
Hindi pa rin umuuwi si Dylan. Sobrang nag-aalala na ako. Balak ko sanang hindi pumasok para hanapin siya pero hindi pwede, may quiz kami sa Chemistry.
Nandito na ako sa Auxerre. Nakita ko si Lucas na papalapit sa'kin.
"Hey, Eli. Good morning" bati niya sa'kin habang nakangiti.
"Good morning din, Lucas. Hmm Luke, nakita mo ba si Dylan? Kahapon pa kasi siya hindi umuuwi. Nag-aalala na 'ko"
"Umuuwi?! Sa inyo ba siya nakatira?!"
"Huh? Hindi. Ang ibig kong sabihin, sa kanila. Hindi pa siya umuuwi sa kanila, oo"
"Ah. Hmm no, Eli. Hindi ko siya nakita"
Na saan na kaya 'yun? Hindi naman niya sa ulo ang buong Q.C. Baka napaano na 'yun. Huwag naman sana.
"Sige, Luke. Hahanapin ko lang si Dylan"
Paalis na sana ako pero bigla niya akong hinatak palapit sa kanya.
"Eli, thank you. Thank you so much for giving me a chance to prove myself to you"
Niyakap niya ako pagkasabi niya no'n.
"Wala 'yun, Luke. Sige. Bye"
Kumaway naman siya bilang sagot.
Pagpasok ko ng room, agad ko siyang hinanap pero wala siya. Bigla na namang kumirot ang puso ko.
Hinanap ko sa canteen, pero wala pa rin. Bigla kong naalala tuwing sabay kaming magmemerienda. Binibilhan niya lagi ako ng favorite kong tacos.
Palabas na sana ako ng canteen nang bigla kong makita si Ally. Mag-isa. Na saan na kaya si Harry? Papasok pa kaya 'yun dito? Well, I don't care about them.
Ngingitian sana niya 'ko pero umiwas ako ng tingin. Wow. Parang walang nangyari ah. Parang walang ginawa sa'kin.
Lalo kong na-miss si Dylan. Siya ang naging karamay ko nang malaman ko ang tungkol kay Ally at Harry. Siya 'yung nagpangiti sa'kin nung mga panahong pakiramdam ko, pasan ko ang daigdig.
Hindi ko pala kaya ang wala siya. Hindi ko kaya na hindi siya makita. Hindi ko kayang wala ang presensya niya. Dylan, balik ka na, oh. Mag-uusap pa tayo. Huhuhu.
Nakauwi na ako't lahat, wala pa rin si Dylan. Sinubukan kong silipin ang kwarto ni Elisse na ginagamit niya. Ang linis ng kwarto. Binuksan ko ang cabinet, pero wala na ro'n ang mga damit ni Dylan maging ang mga gamit niya. Ibig sabihin, umuwi na si Dylan. Umuwi siya para kuhanin ang mga gamit niya. Ang sakit. Tuluyan na niya 'kong iniwan. Tuluyan na siyang umalis. Pero, saan siya tumutuloy? Na saan ka na, Dylan?
YOU ARE READING
The Guy From The Time Machine
Science-FictionPaano kung ang taong mahal mo ay nanggaling sa nakaraan at oras at panahon ang tangi niyong kalaban? Ano ang kaya mong isugal para sa pagmamahal? Ano ang kaya mong ibigay para sa iyong minamahal? Author's note: Ang inyong mababasa ay pawang likha la...