Chapter 11

34 2 0
                                    

Dylan's POV

Kung saan-saan ko hinanap si Eli. Hindi ko siya makita. Ipinagtatanong ko na siya sa mga tao ngunit nabigo lang ako.

Kanina pa ako nagsisisigaw para lamang mahanap siya.

Na saan ka na ba, Eli? Magpakita ka na sa'kin.

Napagod na ako katatakbo kaya nagpahinga muna ako sa isang upuan sa likod ng parke.

Nakatungo lang ako at nakatingin sa ibaba ko. Napaangat na lamang ang ulo ko nang may narinig akong iyak ng babae mula sa isang pamilyar na boses.

Hinanap ko kung saan nagmumula ang iyak. Bigla akong natuwa nang makita ko si Eli na nakaupo sa palaruan.

Agad ko siyang nilapitan at tinabihan.

"Narito ka lamang pala. Mababaliw na ako kahahanap sa'yo" sambit ko.

Umiiyak lamang siya at hindi ako pinansin.

Tumayo ako at humarap sa kanya.

"Halika na. Uuwi na tayo"

"Mauna ka na. Dito na muna ako"

Umupo ako sa harap niya at tiningnan siya.

"Ang pangit mo umiyak" pagbibiro ko.

Sinamaan niya lamang ako ng tingin.

"Tumahan ka na. Wala nang magagawa ang pag-iyak mo. Nangyari na"

"Bakit kasi sa dinami-rami, kaibigan ko pa?! Hindi lang basta kaibigan 'e, matalik na kaibigan!"

"Patawarin mo 'ko"

Aaminin ko kung ano ang natunghayan ko kanina.

"Saan?"

"Ang tunay na dahilan kung bakit ayaw kita pasamahin sa canteen ay dahil nakita ko silang magkasama. Ayaw kong makita mo dahil gusto kong makasama ka nang masaya rito sa parke. Kaya rin ako natagalan ay dahil kinompronta ko si Harry. Binalaan ko na siya ngunit hindi siya nakinig. He deserves that kind of pain! Kulang pa iyon. Gusto kong basagin ang kaniyang mukha! At isa pa, sinabi ko sa kanya na walang namamagitan sa'tin at nagpapanggap lang tayo para tigilan ka na niya"

"Ibig sabihin kanina mo pa alam?"

"Oo. Patawarin mo 'ko"

"Wala kang kasalanan, Dylan. Naiintindihan ko naman"

"Parte ng buhay ang masaktan. Hindi ka tao kung hindi ka makakaramdam ng kahit na anong sakit sa puso mo kung ganoon. Hayaan mo na lang ang panahon ang maghilom ng mga sugat sa puso mo. Ngumiti ka lang tulad ng ginagawa ko"

"Ilang beses na 'kong nasaktan. Bata pa lang ako, nasaktan na 'ko ng kaisa-isang lalaki sa buhay ko. Siya ang unang nanakit sa'kin bago pa si Harry"

"Bakit? Anong nangyari?"

"Iniwan niya kaming tatlo para lang sa bago niyang pamilya. Galit ako sa kanya, oo. Pero hindi maaalis sa'kin na gusto ko siyang makita at makausap. Gusto ko siyang tanungin kung bakit niya kami iniwan. Kung bakit hindi niya tinupad ang mga pangako niya sa'kin na hindi niya kami iiwan, na hindi niya kami ipagpapalit. Siya ang kauna-unahang nangako sa'kin at siya rin ang kauna-unahang bumali ng mga ito"

"Everything happens for a reason. Sometimes, painful things can teach us lessons that we didn't think we needed to know"

"I know that everything happens for a reason. But sometimes, I wish I knew what that reason was. Sana alam ko, 'di ba?"

Umiiyak pa rin siya kaya hinayaan ko na muna.

Parang may nagtutulak sa'kin na yakapin ko siya. So I did.

The Guy From The Time MachineWhere stories live. Discover now