Chapter 28

5 1 0
                                    

Dylan's POV

Maaga akong gumising dahil ngayon ang araw na magkikita kami ni Kylie para sa pagpunta ng ospital.

Agad akong nagtungo sa kinaroroonan ni Eli para magpaalam.

"Good morning, Eli ko. Ngayon ang araw ng pagkikita namin ng aking kaibigan. Hayaan mo at babalik ako ka agad kapag natapos na kami" bungad ko.

"Morning, Dylan. Mag-ingat kayo, ha?"

Ramdam ko pa rin ang tampo ni Eli. Halata sa kaniyang mukha at kung paano niya 'ko tignan.

"Hanggang ngayon pa rin ba ay masama ang iyong loob, mahal ko?"

"Hindi na. Sadyang nalulungkot pa rin ako pero lilipas din 'to. Bilisan mo na at baka kanina ka pa hinihintay ni Kylie"

"Si Kylie, ang iyong kapatid. Gusto mo ba siya makita?"

"Hindi na. Para saan pa? Hindi naman niya alam na kapatid niya 'ko, 'di ba?"

Oo nga pala. Ang alam ni Eli ay walang alam si Kylie. Bigla naman akong nakaramdam ng lungkot dahil pakiramdam ko ay trinaydor ko ang babaeng pinakamamahal ko.

Tumango na lamang ako bilang sagot.

"Oo nga pala... Balak ko rin maghanap ng work ngayon"

"Saan?"

"Bahala na. Chat na lang kita kapag nakauwi na 'ko or pauwi na"

"Sige, Eli. Mag-iingat ka, ha?"

Tumango lamang siya.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magsisinungaling sa aking kasintahan. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko lolokohin si Eli. Paano kapag nabisto niya ang aking lihim? Panigurado akong masasaktan siya. Kailangan ko'ng gumaling agad para matapos na ito.

Biglang pumasok sa isip ko si Lola Kikay. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako mananatili sa panahong ito. Hindi ko alam kung kailan ko maitatama ang aking pagkakamali noon. Kailangan ko'ng makabalik sa panahong nabubuhay pa ang aking ama at ina. Baka sakaling mas maganda ang patutunguhan ng aming pamilya.

"Dylan, okay ka lang?"

Ang tagal ko palang nakatulala.

"Oo, Eli. May iniisip lang. Aalis na rin ako, ha?"

"Saan ba kayo magkikita? Susunduin ka ba niya?"

"Oo, Eli... Diyan sa kanto niya ako susunduin. Aalis na ako, ha?"

"Ingat"

Nginitian ko lamang siya.

Agad akong nagpunta sa kanto para doon na lamang maghintay kay Kylie.

Ilang minuto ang lumipas at dumating na siya.

"Good morning, Dy!" Pagbati niya.

"Magandang umaga rin, Kylie"

Sumakay na ako sa kaniyang magarang sasakyan.

"So, how's my sister?"

"Maayos naman ngayon kumpara kagabi pero ramdam ko pa rin ang lungkot na nadarama niya. Nagsabi rin siyang maghahanap ng trabaho ngayon. Sa totoo lang, Kylie... Sobra akong nakokonsensiya pero alam ko'ng mabuti rin ang kahihinatnan nito at para na rin sa aming dalawa"

"You're right! I'm pretty sure, she will understand you for not telling her your condition for now. Time will come, Dy"

"At alam ko'ng darating din ang panahon na kailangan niyo'ng magkita at mag-usap"

"Dad is not okay pa rin. Alam ko'ng iniisip niya pa rin ang mom ni Eli and si Eli. Alam ko'ng ramdam niyang anak niya si Eli"

"Gagawa ba tayo ng paraan para magkausap sila?"

The Guy From The Time MachineWhere stories live. Discover now