Dylan's POV
Anong koneksyon ng panaginip ko sa nakaraan ko? Nakita ko ro'n ang malaking orasan kung saan ako galing. May isang lalaking pumipigil sa'kin na pindutin ang orasan. Hanggang doon lang ang aking panaginip dahil bigla akong nagising dahil kinakatok na ni Eli ang pinto ng silid ko.
"Kanina pa kita kinakatok. Tulog-mantika ka na naman, Dylan!"
"Kung hindi mo ako binulabog, buo sana panaginip ko ngayon"
"Aba! Sinisisi mo pa 'ko 'e ikaw na nga 'tong ginigising dyan dahil male-late na tayo!"
"Mala-late?! Sabado ngayon, Eli! Ano ka ba naman?!"
"Hala! Oo nga! Ang tanga ko! Sorry sorry akala ko friday lang. Huhu"
Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Eto naman! Sorry na nga 'e. Tungkol saan ba panaginip mo?"
"Hindi ko alam kung may koneksyon ba 'yun o makakatulong 'yun para bumalik na ang alaala ko. Nakita ko ang malaking orasan, Eli. May isang lalaking pumipigil sa'kin na pindutin ko ang malaking orasan. Hanggang do'n lang ang panaginip ko dahil kinatok mo naman ako"
"Sorry naman! Baka naman wala lang. Huwag mo na intindihin 'yun"
"Siguro nga. Anong gagawin natin ngayon? Walang pasok. Punta tayo sa parke?"
"Ayaw ko na muna bumalik do'n, Dylan. Sorry"
"Punta na lang tayo doon sa malaking pa-bilog na umiikot"
Ano ba tawag do'n?
"Huh? Saan?"
"Doon sa Star City"
"Ah! Ferris wheel 'yun. Hahahaha!"
"Punta tayo?"
"Oo ba! Pero dito na tayo kumain kasi mahal ang bilihin don. Alam mo na, para makatipid tayo"
Your wish is my command, Eli. Aking prinsesa.
Eli's POV
Kumain na muna kami saka naligo para maaga kami makarating do'n ni Dylan.
Pagpasok namin, tumakbo si Dylan sa may ferris wheel. Manghang-mangha siya nang makita niya iyon nang malapitan.
"Sasakay ba tayo rito, Eli?" Tuwang-tuwa niyang sabi.
"Oo, pero mamaya pa kasi hindi pa bukas. Doon muna tayo sa loob maglilibot-libot."
Pagpasok namin do'n, pinagkaguluhan agad si Dylan. Maraming nagpapa-picture sa kanya. Gusto ko sana silang pagbawalan kaso naisip ko, wala naman akong karapatan kaya hinayaan ko na lang.
Pinagbigyan ni Dylan 'yung iba. 'Yung iba, hindi.
Tumakbo na si Dylan papunta sa'kin. Naiinis ako na hindi ko maintindihan.
"Eli!" Pagtawag niya.
"Bakit nandito ka agad? Maraming nagpapa-picture sa'yo do'n, ah?"
"Uunahin ko pa ba sila kaysa sa'yo? Tsaka baka mawala ka sa paningin ko, hindi ko kaya"
"Ano?"
"H-hindi k-ko kayang umuwi mag-isa, ibig kong sabihin"
"Hindi. Ayos lang. Hihintayin ko kayong matapos. Enjoy"
"Sinabi ko nang ayoko, Eli. So stop!"
Nagulat ako dahil napasigaw siya.
Pinipigilan ko ang luha ko pero pasaway sila at bigla silang tumulo kaya tumalikod ako kay Dylan para hindi niya makita.
YOU ARE READING
The Guy From The Time Machine
Ficção CientíficaPaano kung ang taong mahal mo ay nanggaling sa nakaraan at oras at panahon ang tangi niyong kalaban? Ano ang kaya mong isugal para sa pagmamahal? Ano ang kaya mong ibigay para sa iyong minamahal? Author's note: Ang inyong mababasa ay pawang likha la...