Eli's POV
Ngayon ang pa-tatlong araw ni Dylan sa ospital. At hanggang ngayon ay hindi pa rin siya gumigising.
Sobra na ang takot na nadarama ko. Para ako'ng mababaliw kaiisip kay Dylan.
Tanggap ko naman na kukuhanin siya sa'kin pero hindi ko matanggap na nalalapit na 'yon.
Marami pa kaming gustong gawin ni Dylan nang magkasama. Marami pa kaming pangarap para sa aming dalawa. Bakit naman ganito kasakit?
Nag-aayos ako ng gamit nang biglang pumasok si Kylie.
"How's Dylan? Gumising na ba siya?"
"Hindi pa rin, Kylie. Sobra na 'kong natatakot sa mga nangyayari"
"Stay strong, sissy! Kayang-kaya ni Dylan labanan ang sakit niya"
Hindi ko alam ang isasagot kay Kylie dahil sa totoo lang, pinanghihinaan na 'ko ng loob.
Niyakap ako ni Kylie para pagaanin ang loob ko.
"Everything is going to be fine, sissy. I'm here. We're in this together!"
"Thank you, Kylie. Kung wala ka, baka hindi ko kayanin"
"Ilalaban natin si Dylan, ha?"
Tumango ako bilang sagot.
Tumingin ako kay Dylan at nakita ko'ng gumalaw ang kanang hinliliit niya.
"Kylie, si Dylan!"
Agad din siyang napatingin kay Dylan at nakita niya ri'ng gumalaw ang kaniyang daliri.
"Wait for me. I'll call the doctor" ani ni Kylie.
Agad ako'ng lumapit kay Dylan.
"Dylan ko, nandito na 'ko. Hindi na ulit kita ipagtatabuyan. Hindi na 'ko galit sa'yo, mahal ko" ani ko habang umiiyak.
Maya-maya pa ay dumating na ang doctor.
After niyang i-check si Dylan ay lumapit siya sa'min.
"He's awake but I'm sorry to tell you this. Kumalat na ang cancer cells sa buong katawan niya. Mahina na ang kaniyang katawan. Just spend the rest of the days with him. 'Yan lang ang maipapayo ko for now. I have to go"
Para ako'ng binuhusan ng malamig na tubig pagkatapos ko'ng marinig 'yon.
Ano raw?! Spend the rest of the days with him? Pinaganda niya lang pero para na niyang tinaningan ang buhay ni Dylan!
Hindi ko na kinaya ang nararamdaman ko kaya napahagulgol na ako sa sobrang sakit ng nararamdaman.
Niyakap ulit ako ni Kylie nang walang kahit na anong sinabi.
"Eli ko..."
Muli ko'ng narinig ang boses ng lalaking pinakamamahal ko.
Agad ako'ng lumapit kay Dylan.
"Dylan, gising ka na!" Tuwang-tuwa ko'ng sabi.
Pagkasabi ko niyan ay muli ako'ng napaiyak.
"Uwi na tayo, Eli ko. Ayaw ko na rito"
"Oo, Dylan. Uuwi na tayo. Magsasama tayo'ng muli sa bahay natin"
"I'll fix everything para makalabas na si Dylan. Excuse me..."
"Kylie, sandali"
"Bakit, Dylan?"
"Maraming salamat sa lahat ng tulong mo sa akin. Habambuhay ko'ng tatanawin ang utang na loob na ito, Kylie"
"Huwag mo na isipin 'yon, Dylan. Ang isipin mo ngayon ay ang paglabas mo at ang paggaling mo"
"Hindi na ako gagaling, Kylie"
YOU ARE READING
The Guy From The Time Machine
Science FictionPaano kung ang taong mahal mo ay nanggaling sa nakaraan at oras at panahon ang tangi niyong kalaban? Ano ang kaya mong isugal para sa pagmamahal? Ano ang kaya mong ibigay para sa iyong minamahal? Author's note: Ang inyong mababasa ay pawang likha la...