Dylan's POV
Mula nang ako'y paalisin ni Eli sa kaniyang bahay ay hindi na kami nagkausap pa'ng muli.
Hindi na muna ako nagpakita sa kaniya dahil alam ko'ng masakit ang nagawa ko. Gusto ko siyang bigyan ng sapat na oras para makapag-isip nang ayos.
Ayaw ko na muna siyang kulitin at baka hindi pa niya ako lalong mapatawad.
Wala ako'ng ibang matatakbuhan maliban kay Kylie kaya muli niyang binuksan ang pintuan ng kaniyang bahay para sa akin.
Nang ako'y dumating ay wala ang kaniyang mga magulang. Na sa business trip daw ng ilang linggo kaya hindi rin nagdalawang-isip si Kylie na ako'y patuluyin.
Malaki talaga ang pasasalamat ko kay Kylie. Napakabuti niyang kaibigan. Hindi ko alam kung paano makababawi sa kaniya.
Natatakot ako'ng hindi na magawang bumawi pa kapag kinuha na ako ng Lola Kikay.
At tungkol sa aking kalagayan... Ramdam ko ang panghihina ng aking katawan. Kung minsan ay bigla na lamang ako'ng natutumba.
Apat na araw na rin mula nang umalis ako sa bahay nila Eli. Napakalungkot. Ito na yata ang pinakamalungkot na apat na araw ng buhay ko.
"Dylan, let's eat" ani ni Kylie nang kumatok sa pintuan ng silid.
"Hintayin mo ako, mahal ko'ng kaibigan at palabas na ako" sagot ko.
Agad din naman ako'ng nagtungo sa dining area para makakain na.
Nakatitig lang sa akin si Kylie at hindi umiimik.
Ilang segundo pa at nagsalita na rin siya.
"Dylan, you look pale. Are you okay?"
"Oo naman, Kylie. "
"I'm worried about you, Dy"
"Ayos lamang ako. Huwag mo ako intindihin"
"Are you sure you don't want me to bring you to the hospital?"
"Hindi na kailangan, Kylie. Handa ako sa anunang mangyayari"
"Kami, hindi. Paano si Eli? Paano ang parents mo? Dylan, paano naman ako?"
"Wala na akong mga magulang. Si Eli at ikaw na lang ang mayroon ako, Kylie"
"It would be painful for us, Dy. Ngayon pa nga lang..."
"Magiging handa ka rin, Kylie. Ikaw na ang bahala sa kapatid mo. Parati mo'ng ipaaalala sa kaniya kung gaano ko siya kamahal"
"Dylan, stop. I'm not ready for that to happen. Let's eat"
"Pasensya na, Kylie"
Pagkatapos namin kumain ay nagpahinga ako sa area kung saan may malaking paliguan. Swimming pool daw ang tawag turo ni Kylie.
Hindi ko namalayang sumunod pala si Kylie.
"What do you want to do? Or would you like to go somewhere? Baka super bored ka na here" tanong ni Kylie.
"Ayos na ako rito, Kylie. Nalilibang naman ako kahit papaano" sagot ko.
"It's up to you, Dy"
"Maraming salamat, Kylie. Salamat sa lahat ng tulong na nagawa mo para sa akin. Hindi ko alam kung paano pa ako makababawi sa'yo"
"Anything for you, Dylan. Don't mind it. Hindi ako naniningil"
"Napakabuti mo sa akin"
"Dahil mabuti ka rin sa'kin"
Nagulat ako sa paghawak niya sa aking kamay.
"When the time has come that you need to leave this world, I want you to remember me not just as a friend who always there for you but also someone who's loving you secretly"
"Kylie, h-hindi k-ko maintindihan..."
Ngumiti siya habang may pumatak na luha mula sa kaniyang mga mata.
"I love you since the first time I met you, Dylan. I know it was wrong to fall in love with you but I can't control myself loving you every single day. It's painful to think that you are already in love with someone else but I stayed as a good friend even if it's killing me inside. I stayed as a friend who supports you while loving you from afar. And I'm really sorry for this, Dylan. I'm sorry"
Patuloy ang kaniyang pag-iyak. Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga sinabi niya.
Nalungkot ako para sa kaniya dahil wala ako'ng magawa para matulungan siya sa ganiyang klaseng suliranin.
Pero mas nalungkot ako dahil hindi ko pwedeng suklian ang nararamdaman niya dahil una sa lahat, may mahal ako'ng iba. At pangalawa, kaibigan lamang ang tingin ko sa kaniya.
Hindi ko alam ang aking sasabihin. Ayaw ko'ng mas masaktan ko pa siya.
"Kylie, patawarin mo ako pero hindi ko masusuklian ang pagmamahal na kailangan mo. Mahal kita pero bilang kaibigan ko at hanggang doon lamang iyon"
"I know, Dy. I knew it from the first time. You don't have to worry about me, okay? I'm alright. What's not okay is your health condition. What I want for now is your healing. That's what I want. And please don't avoid me, Dy. Please"
"Hindi ko gagawin 'yon, Kylie. Tahan na"
Niyakap ko siya dahil lumalakas ang kaniyang pag-iyak. Kailangan ko siyang yakapin para gumaan ang kaniyang pakiramdam.
Lubos ang aking nararamdamang pagka-awa kay Kylie. Hindi ako ang tamang tao para sa kaniya at kailangan niyang makita iyon. Nabubulag siya sa pagmamahal niya sa akin. Hindi ko gustong mangyari iyon.
"Kylie, mas mainam siguro kung aalis na ako sa bahay mo para hindi ka na lalong mahirapan"
"No, Dylan. You don't have to do that. I told you I'm okay, right? You told me you won't avoid me"
"Mas mahihirapan ka'ng kalimutan ang nararamdaman mo para sa akin kung patuloy mo akong mamahalin"
"Mawawala rin 'to but please stay here"
"Magpapahinga na muna ako, Kylie. Ikaw rin dahil kailangan mo ng pahinga"
Akmang tatayo na ako nang makaramdam ako ng pagkasuka.
"Dylan, what's wrong?"
"Kylie nasu..."
Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil tuluyan na ako'ng sumuka... ng dugo.
"Oh my gosh, Dylan! Yaya! Yaya help me!"
Pagkatapos ko'ng magsuka ay bigla ako'ng natumba.
"Dylan, no! Wake up, Dylan! Please!"
YOU ARE READING
The Guy From The Time Machine
Science FictionPaano kung ang taong mahal mo ay nanggaling sa nakaraan at oras at panahon ang tangi niyong kalaban? Ano ang kaya mong isugal para sa pagmamahal? Ano ang kaya mong ibigay para sa iyong minamahal? Author's note: Ang inyong mababasa ay pawang likha la...