Dylan's POV
Ang ganda ng aking gising. Ang ganda ng umaga ko. Ang sarap sa pakiramdam dahil nasilayan ko ang panibagong umagang naghihintay. Si Eli kaya, ganoon din?
Nakahanda na ako. Hinihintay ko na lang siyang lumabas sa kanyang silid. Napakatagal talaga kahit kailan.
Maya-maya ay lumabas na siya. Matamis na ngiti agad ang kanyang bungad. Mas maganda pa sa umaga.
"Kanina ka pa? Sorry, hinanap ko pa kasi neck tie ko"
"Oo. Wala namang bago ro'n. Magandang umaga" pagbati ko sa kanya.
"Good morning din" ngumiti na naman siya. Ngiti na halos nakakatunaw ng puso.
"Sabay na tayo kumain" pagaanyaya ko.
"Hindi ka pa ba kumakain?!" Gulat niyang tanong.
"Hinihintay kita. Sabay na tayo"
Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na kami sa Auxerre Academy.
Halos lahat ng kababaihan ay nakangiti na naman sa akin at kumakaway. Hindi ko na lang sila pinapansin. Bagkus ay inakbayan ko si Eli para hindi kami mahalatang nagpapanggap lang.
Dumating na si Lucas kaya sumabay siya sa amin. Tumabi siya kay Eli kaya pinalipat ko si Eli sa kaliwa ko.
"Good morning Eli and Dylan. Ang ganda ata ng gising niyo?"
"Mas maganda kung wala ka rito" bulong ko.
"Huh?" Sabay nilang sabi.
"Oo, maganda. Matamis na ngiti ba naman niya ang bubungad sa'yo, hindi ba't gaganda talaga ang gising mo? Palusot ko.
"Oo nga naman. Sige, mauna na 'ko. See you na lang sa room"
Hindi na namin siya pinansin. Hindi na rin siya pinansin ni Eli dahil pinigilan ko siya. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako kapag kinakausap ng Lucas na 'yon si Eli o nginingitian man lang. Siguro dahil ayaw ko lang siyang mapalapit sa kahit na kaninong lalaki para hindi na ulit siya masaktan. Siguro nga.
Nagtataka ako dahil ilang araw nang hindi nagpapakita si Allynah kay Eli. May alitan ba sa pagitan nilang dalawa?
"Pansin ko na hindi na kayo nagkikita o nagkakasama ni Ally. Nag-away ba kayo?" Tanong ko.
"Hindi 'no. Baka busy lang 'yung bruhang 'yon"
"Siguro"
Nakita namin si Harry na waring may hinahanap sa direksyon namin. Sinong hinahanap no'n?
Umalis na siya palayo nang makita niyang pinagmamasdan ko siya.
"Nakita ko si Harry, may hinahanap siya sa direksyon natin" sabi ko sa kanya.
"Sino naman hahanapin no'n? Ako?"
"Hindi. Kita ka naman niya, bakit ka pa hahanapin? Sana ay lumapit na lang siya kung gano'n."
"Ang talino mo talaga, baby pugo" Napangiti ako sa sinabi niya. Naalala ko ang nangyari kahapon.
"Babalik tayo sa parke mamaya, ha mommy pugo?"
Napatawa siya sa sinabi ko.
"Oo naman, baby pugo"
"Saan naman tayo kakain?"
"Basta doon sa ang pagkain ay hindi galing sa pugo, baka maawa ka na naman" pang-aasar niya.
"Baliw ka talaga" sambit ko kasabay ng paggulo ng buhok niya.
Nainis siya nung una sa ginawa ko pero tumawa siya kinalaunan.
Eli's POV
Perstaym niyang ginulo ang buhok ko nang nakatawa kaya labis ko itong ikinatuwa. Ibang-iba na talaga siya ngayon kumpara sa Dylan noong una kaming nagkakilala. Hindi na siya nagsusungit. Ay! Minsan na lang pala magsungit tsaka lagi na siyang nakangiti at nakatawa. Ang laking pasasalamat ko tuloy sa parkville na 'yon! Hahahaha!
YOU ARE READING
The Guy From The Time Machine
Science FictionPaano kung ang taong mahal mo ay nanggaling sa nakaraan at oras at panahon ang tangi niyong kalaban? Ano ang kaya mong isugal para sa pagmamahal? Ano ang kaya mong ibigay para sa iyong minamahal? Author's note: Ang inyong mababasa ay pawang likha la...