Eli's POV
Dismissal time na. Papunta na kami ni Dylan sa bahay. Grabe 'yung kaba ko. Si Dylan naman, hindi maipinta ang mukha. Halatang kinakabahan siya.
"Huy. Ano, okay ka lang?"
"Oo. Si Dylan pa ba? Matatag si Dylan" nakangiti niyang sabi.
Ang cute talaga ng bebe kong 'to. Enebe keshe. Mwahahaha!
Malapit na kami. Parehas na kaming kinakabahan ni Dylan.
Ito na. Ito na talaga. Inhale, Eli. Exhale.
Kumatok na 'ko. Ang lamig ng kamay ni Dylan. Grabe na kaba namin.
Pinagbuksan kami ni nanay ng pinto. Nagulat siya nang makita si Dylan.
Nagulat hindi dahil sa takot kundi nagwapuhan kay Dylan.
"Ay sino iyang gwapong kasama mo, Elizabeth?!"
Titig na titig siya kay Dylan. Ngiting-ngiti si nanay.
"Nay, si Dylan po... boyfriend ko"
"Weh?!"
"Nay, oo nga po. Boyfriend ko po si Dylan. Kasintahan, jowa, syota"
"Alam ko! 'E ba't ganito kagwapo iyang batang iyan? Halika pasok"
Akala ko magagalit si nanay. Bakit ganun? Iba talaga charisma ni Dylan. Pati nanay ko ba naman?! Hahahahaha!
"Akala ko ba, nay ayaw mong magboyfriend kami?"
"Oo nga 'no! Hoy, Elizabeth Beatrice! 'Di ba sinabi ko na sa'yong huwag ka muna mag-boyfriend?!"
Nagulat kami nang magmano si Dylan kay nanay. Tuwang-tuwa ang reaksyon ni nanay nang gawin ito ni Dylan.
"Ay napakabait naman palang bata nito oh. Ang gwapo-gwapo pa!"
Sa loob-loob ko, tuwang-tuwa ako.
Nginitian ni Dylan si nanay. Ngumiti rin si nanay.
"Mahal ko po ang inyong anak, Ma'am. Ipinapangako ko po na hinding-hindi ko sasaktan o paiiyakin ang inyong anak. Huwag po kayong mag-alala, alam po namin ang aming limitasyon. Mas pinahahalagahan po namin ang aming pag-aaral"
Halos mapaiyak ako sa sinabi ni Dylan kay nanay.
"Totoo ba 'yan, hijo? Alam mo naman sigurong hindi buo ang aming pamilya. Ayaw kong mag-boyfriend muna ang aking mga anak dahil ayaw ko silang matulad sa akin. Ayaw kong masaktan sila dahil ako talaga ang makakalaban kung sino man ang mananakit sa kanila"
"Panghahawakan ko po iyang sinabi ninyo. Itinuturing ko po siyang prinsesa"
"Mabuti kung ganoon. Ayaw ko sana talaga ngunit nakita ko kung paano mo ako igalang. Natuwa ako sa'yo. Napakabait mong bata"
Niyakap ni Dylan si nanay. Shookt ako sa ginawa niya.
"Salamat po, ma'am"
"Tawagin mo na lang akong nanay, mukha naman akong titser sa ma'am ay"
Nagtawanan kami. Ako naman ang sunod na yumakap kay nanay.
"Nay, salamat po sa tiwala"
"Ikaw ha, 'wag munang magpapabun—"
Pinigilan ko na agad ang sasabihin ni nanay dahil nakakahiya kay Dylan.
"Opo, opo. Tulad ng sinabi ni Dylan, alam namin limitasyon po namin, nay"
"Mabuti kung ganoon. Halina, kumain na muna kayo. Nagluto ako"
Lumabas ng kwarto si Elisse.
Titig na titig siya kay Dylan. Nginitian din siya ni Dylan.
YOU ARE READING
The Guy From The Time Machine
Fiksi IlmiahPaano kung ang taong mahal mo ay nanggaling sa nakaraan at oras at panahon ang tangi niyong kalaban? Ano ang kaya mong isugal para sa pagmamahal? Ano ang kaya mong ibigay para sa iyong minamahal? Author's note: Ang inyong mababasa ay pawang likha la...