Filamrie's povs:
"How's your first day of school, Hija?" Napatingin ako kay Tita Hilda at saka pilit na ngumiti nang maalala ko nun ang first day ko with that cocky student whose name is Yvan.
It's been three days, since that encountered happened, at ang bastos na lalaki ay winarningan lang at hindi inexpel sa school.
Kase naman malakas ang kapit niya dahil sa anak lang naman siya ng dean, at may shares dito sa University.
Kaya pala nagagawa nito ang gusto, bukod dito sa school ay sobrang yaman din pala ng pamilya nila, iyong ama nito ay isang bilyoner pa, na nababalita sa newspapers at television.
"Ayos naman po." Sagot ko habang ginagalaw ang straw sa juice ko.
Tumango naman si Tita bago sumubo sa pagkain niya. Nagkasalubong kami kanina sa hallway at saktong lunch break kaya inaya niya ako dito sa labas, malapit lang ito sa University.
"May problema ka ba, Hija? Mukhang malayo ang iniisip mo?" Agad akong napailing kay Tita at saka pilit na naman ngumiti.
Kahit ang totoo ay wala talaga ako sa mood ngayon, always nga pala akong wala sa mood habang nasa loob ako ng classroom ko.
Sino ba naman ang hindi kung may demonyong umaaligid sa paligid ko? Gumagawa talaga ito ng paraan para asarin ako o galitin, na ang tanging nagagawa ko na lang ay pakalmahin ang sarili ko, dahil sa ayokong maalis sa dream school ko, kahit na lagpas na sa limitasyon ko ang ginagawa ng hinayupak na iyon.
"Ah—wala po, Tita. Tara po?" Aya ko at tapos na din naman kaming kumain, binilisan ko lang ang paglamon ko kase kanina pa tapos na kumain si Tita Hilda.
Lumabas na kami ng restaurant at tumawid ng kalsada papunta sa gate nf university. Naunang lumakad si Tita kasunod ako dahil sinisilid ko pa sa bag ang wallet ko. Nang bigla akong mapahiyaw dahil sa isang kotse na sumagitsit sa gilid, sobrang lapit nito sa pwesto ko at nais pa yata akong bundulin ng kotse.
"Excuse me! Tumingin ka nga sa dinaadanan mo! Muntik mo na akong sagasaan!" Galit kong sabi nang makalapit ako sa kotse, kinalampag ko ang crystal na bintana nito nang unti-unti iyon bumababa.
"Tumingin ka kase sa dinadaanan mo, miss beautiful." Nagimbal ako sa boses at mukha na biglang bumungad sa akin. Naningkit sa inis ang mukha ko na lalo nitong kinangisi.
"Pedestrian lane ang dinadaanan ko kaya ikaw dapat ang mag-adjust! Walang modo—
"Hija! diyos ko! Ayos ka lang ba?" Litaw na pag-aalala sa akin ni Tita habang sinusuri niya ang katawan ko, bago ito bumaling sa kotse. "Hijo naman, sa susunod mag-ingat ka sa pagmamaneho. Paano na lang kung makasagasa ka at makapatay ng tao? Hindi mo na maibabalik pa ang taong pinatay mo kaya tingnan mo ang dinadaanan mo." Pangaral ni Tita.
Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya habang sinusuri pa din ang kabuuan ko. Siya ang tumatayong nanay ko dahil sa ulilang lubos na din ako, iniwan na ako ng magulang ko.
"Sorry, Ma'am! Nakakasilaw po kase ang kagandahan ni Ma'am Filamrie. Pero sa susunod mag-iingat na ako, lalo na sa kaniya." Hinging paumanhin nito, pero pakiramdam ko ay plastic lamang ang pinapakita nitong galang kay Tita, kung sa akin ay tatawanan lang ako nito. Napakabastos talaga ng lalaking ito.
"Sige na at pumasok na tayo sa loob ng university kase nakakatawag na tayo ng pansin dito." Iginaya na ako ni Tita at nakita ko nga na nakatingin na sa amin ang ilang mga ususero.
"Salamat po, Tita. Huwag po kayong mag-alala kase ayos lang po talaga ako." Pagpakalma kong sabi para tumigil na siya sa pag-alala sa akin. Inihatid pa niya ako dito sa classroom ko at panay ang tanong niya kung ayos lang ba talaga ako.
"Sigurado ka ba na hindi ka na pupunta sa clinic o magpapatingin ng blood pressure mo, baka tumaas ang pressure mo dala ng pagkabigla." Mahina akong tumawa sa naging sinabi niya, magaling din palang magpabiro si Tita Hilda, kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko.
"Tita naman, ang bata ko pa po para highblooden, ikaw kaya ang magpatingin ng blood pressure mo sa clinic, kase sobra ang pag-aalala mo sa akin, baka mahigh blood ka niyan sa loob ng klase mo." Ngumiti din siya at napailing na lang sa biro ko.
Nagpaalam na din siya at ako naman ay nagpunta muna ng restroom para iayos ang sarili ko, may oras pa naman ako sa next batch ng klase ko. Pumasok ako sa loob at inayos ang sarili ko. May iilan ding mga estudyante ang nandito at inaayos din ang mga sarili nila, more on applying make-up and lipstick.
"Hi, miss Filamrie!" Kaway sa akin ng katabi kong estudyante, nginitian ko naman siya at mga kasama niya. "Diba po ikaw 'yong teacher na balita namin ay binubully lagi ni Yvan?" Patuloy nito na pilit ko lang kinangiti.
Akma akong magsasalita nang bumukas ang pinto at iniluwa doon ang apat na mga babaeng estudyante. They're wearing short skirt above the knee that revealing their legs. Hindi ko din gusto ang pagpqpakita nila ng kanilang cleavage, lalo na ang isang estudyante na mukhang masama pa ang pagkakatitig sa akin.
"Siya po ang long time girlfriend ni Yvan, but now ex-girlfriend na...." Bulong sa akin ng kausap kong student. Naguluhan naman ako kung bakit niya pa iyon sinabi sa akin. Wala naman akong pakialam sa lalaking iyon at lalong walang paki sa lovelife nito. We're not that close.
"Ikaw ba ang bagong binubully ni Yvan?" Sambit nung babae at hinagod pa ako ng mapangbusga nitong titig. "Walang taste ang lalaking iyon at matanda pa ang pinatulan. Manang na manang kompara naman sa 'kin na mayaman at maganda!" Nagpanting ang tenga ko sa panlalait nito, ngunit kinalma ko lang ang sarili.
Mabilis kong inayos ang sarili at kinuha na ang bag ko para lumabas ng comfort room, pero agad akong hinarangan ng estudyante tinarayan ako, nakataas pa ang mga kilay nito.
"Excuse me? May klase pa ako kaya please let me out." Hindi ako nagpatinag sa klase ng tingin nito. Pagkaraan ay tumagilid para makadaan ako, pero nasa labas pa lang ako ng pinto nang magsalita ito.
"Hindi ikaw ang klase ng babae na seseryusuhin ni Yvan. Bitch!"
-MAYAMBAY-
BINABASA MO ANG
Possessive Men #:3- Yvan's Possession
General FictionOn her first day of school, Filamrie got bullied by her male student named, Yvan Wayne Suarez. But what if he do that just to get her attention, whether she like it or not? And there's also a mysterious guy wearing a black cap who was assaulted her...