Filamrie's povs:
"Class, I need tree male volunteers to help me assist you all—"
"I'm in." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita ang boses na iyon. He was sitting at the last part of the chair of this bus while raising his hand. He again intently stared at me with his posture.
"I'm in too!" Taas kamay naman ng kaibigan nitong si Rocky.
"I'm in three!" Nakakalokong ngisi naman ni Willy. Magkatabi lang sila ng upuan at may nakakalokong ngisi ang dalawa habang palipat-lipat ang tingin nila sa amin ni Yvan.
I sigh before nodded. Kung bakit kase dito pa ako inasign sa section na ito. Hindi ko alam kung nagakataon lang ba o sinadya talaga ng tadhana na magkasama kami sa camping na ito. This school camping hold every year after the first semester done.
May mga kasama naman kaming mga authority na gagabayan ang kaligtaasan ng bawat staffs and students na sumama dito sa camping. Tanging business course related lamang ang kasali sa camping na ito.
"Okay. Thank you for volunteering with me." Sabi ko at kahit na ayaw ko ay lumapit ako sa pwesto nila para ipaliwanag kung ano ang dapat na gawin nila oras na makarating kami sa camping site, which is sa Ilocos Norte. Medyo mahabang byahe ito. Umuusad na din ang bus kanina pang alas sais ng umaga para maagang makarating doon sa site.
"Miss, dito ka na maupo!" Biglang pag-alis ni Willy sa tabi ni Yvan nang makarating ako sa pwesto nila.
Tumayo din si Rocky para lumipat ng upo sa tabi ni Lucy. Habang si Willy ay doon naupo sa bakanteng upuan na sa tabi ni Sonia. Halos lahat ng upuan ay okupado na dahil madami sila sa section na ito, kaya no choice ako kundi ang maupo sa tabi niya na tanging bakante lang.
"Thank you." Ngiti kong pagtugon sa dalawa na tumango naman pero hindi mawala-wala ang mga nanunukso nilang pagngisi. Umiling ako at akmang uupo sa tabi niya nang umusog siya at hilahin ako paupo sa tabi niya, sa gilid ng bintana.
"Ayokong mahulog ka diyan sa gilid. Mas ligtas ka kapag dito sa tabi ko." Bulong nito na agad kong sinamaan ng tingin. Ngumisi lang ito sabay sandal ng ulo nito sa upuan at pinikit ang mga mata. I was staring at him with full of admiration on my eyes.
He is wearing his casual clothes. It's simple yet expensive, from his polo down to his shoes. Anything he wear are suits on him and he can manage to wear it like a model. Even his disheveled hair is look like him a bad boy, at napakagwapo pa din niya tingnan. Wala talagang maipipintas sa lalaking ito. He's totally a real man.
"Baka matunaw ako sa ginagawa mo." Dumilat siya at halos mapalundag ako sa gulat nang mahuli niya akong nakatitig sa kaniya. Mabilis kong naiwas ang tingin, uminit din ng husto itong mga pisngi ko sa hiya habang nakatanaw ako dito sa dinadaanan namin.
Medyo mahaba pa ang byahe na aabutin ng dalawang oras, kaya mahaba din na makakatabi ko ang lalaking ito dito. Ang bawat students ay may kaniya -kaniyang ginagawa dito sa loob ng bus. Iyong iba ay may sariling mundo habang nakikinig sa kanilang headset, ang iba ay grupong nag-uusap habang nagtatawanan, ang iba ay kumakain ng curls, at ang karamihan sa mga students ay abala sa mga cellphones nila. Habang ang apat na katabi namin sa katapat na upuan nito ay nagtutuksuhan, na animo'y kinikilig sa isa't-isa.
There's something between on this two couple.
Nakapikit naman muli ang katabi kong lalaki. Iniwas ko na ang tingin ko at binaling sa labas, dahil sa alas tres ng madaling araw ako nagising kanina ay medyo inaantok pa ako. Tumagilid ako para isandal ang ulo ko sa upuan bago ko pinikit ang mga mata. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulog nang manuot sa sistema ko ang pabango na iyon.
I opened my eyes to realize that I'm now leaning on his shoulder, and I saw him holding his phone, and when he saw me awake—he immediately put it back to his pants pocket. Bigla akong napaayos ng upo at saka sinamaan ito ng tingin. Tumatakbo pa din ang bus at hindi ko alam kung ilang oras pa kami dadating sa camping site. Nakita ko na umiidlip na din ang halos lahat ng students dito sa loob.
"V-vinevideohan mo ba ako, ha?" Nagkibit balikat lang ito sa tanong ko at umiwas ng tingin pero nahuli ko ang pagngisi sa labi nito. Napaawang ang labi ko sa inis sa inakto nito.
"Pahiram nga ng cellphone mo at titingin lang ako baka kung anong kalokohan na naman ang ginawa mo."Paglahad ng kamay ko pero hindi ako nito pinansin, sa halip ay sumandal muli ito sa upuan at pinikit ang mga mata nito. Aba't! Walanghiya talaga ang lalaking ito ah!
"Hindi mo talaga idedelete ang video?" Ulit ko sa mahina at kalmang boses. Baka kase kung bigla na lang akong mainis ay sipain ko na talaga ito palabas ng pinto ay sobrang nakakahiya kapag nagkataon.
"I'm tired. Keep quiet." He said before his head reclined on my shoulder. I'm shocked and ready to push him but I was pause when I heard him snore.
"Y-yvan! Umayos ka nga ng upo." Mahina kong tinulak ang ulo nito dahil baka makahalata ang mga kaklase nito na may namamagitan sa aming dalawa. Kahit na hindi naman masyadong kita itong huling pwesto na kinauupuan namin.
But still, once a speculation spread, it might easily think that it was true. Ang chismis ay ganoon na kadaling paniwalaan ngayon. Kaya dapat naman ay alalahanin ng lalaking ito kung ano ang mangyayari sa aming dalawa kapag may nakahalata na may something nangyayari sa amin.
"Keep quiet, or else, I'll kiss you." Natuod naman ako sa binulong nito.
Napairap ako bago umayos ng upo at tinuon na lang sa labas ang pansin.
Pansin ko na papaakyat na itong dinadaanan namin dahil nakikita ko ang patag na kalupaan at karagatan sa gilid nitong highway, habang sa unahan naman ay magandang burol. Tiyak malapit na kami sa camping site."Wow!.. Nakakamangha naman ang kagandahan ng mga tanawin dito..." Bulong ko habang pikit matang nakangiti sa mga tanawin. Kahit air-conditioned itong bus ay pakiramdam ko ay feel na feel ko ang simoy ng malamig na hangin sa labas.
But I was pause by his husky voice murmuring beside me.
"Mas nakakamangha ang kagandahan mo, baby."
-MAYAMBAY-
BINABASA MO ANG
Possessive Men #:3- Yvan's Possession
General FictionOn her first day of school, Filamrie got bullied by her male student named, Yvan Wayne Suarez. But what if he do that just to get her attention, whether she like it or not? And there's also a mysterious guy wearing a black cap who was assaulted her...