Filamrie's povs:
"Aalis na ba ako pagkatapos kong kumain?" Tanong nito na kinatigil ko sa pagkain. Super late dinner kaya egg at hotdog na lang ang niluto ko para mabilisan, noodles na lang din para may mainit na sabaw kami.
"Dito ka na lang matulog—diyan sa bangko." Diin ko nang biglang napangisi ang mukha nito.
"Okay." Binilisan na nito ang pagsubo na kinailing ko at nagpatuloy na din sa pagkain ko. Pagkatapos ay ako na din ang naghugas ng pinggan habang ito naman ay nagpunta ng sala para buksan ang tv ko, comfortable pa itong naupo at narinig ko na basketball ang pinapanood nito.
Iyong t-shirt ko na suot nito ngayon ay naging fit lang sa kaniya—parang mawawarak na nga.
"Kukuha lang ako ng matutulugan mo." Paalam ko nang matapos kong hugasan ang mga plato. Saglit ako nitong hinagod bago tumango.
May extra akong unan at kumot kaya iyon ang dinala ko palabas, pero tiyak hindi ito kakasya sa bangko sa tangkad nito kompara sa sofa ko.
"Heto. Matulog ka na at bukas may klase ka pa." Suway ko kase focus na focus ito sa pinapanood nito.
"Ooh! Aahh! P-please... Faster!"
Nagulantang ako nang marinig ang nakakangilong ungol mula sa pinapanood nito.
"Yvan Wayne Suarez! Ano iyang pinapanood mo? Patayin mo ang tv!" Bulalas kong bulyaw na kinaangat nito ng tingin sabay ngisi sa akin.
"Masama bang manood ng porn bago matulog?" Ala inosente nitong sabi na kinadilat ng mga mata ko sa inis.
"Matulog ka na kung ayaw mong kaladkarin kita palabas ng bahay ko!" Inihagis ko na lang basta ang kumot at unan sa mukha nito na agad naman nitong nasalo. Ako na ang kumuha ng remote at saka pinatay ang tv.
"Nagpapainit pa ako, e. Ang lamig kaya!" Tuksong ngisi na naman nito na pinandilatan ko. Sinasadya nito, e.
"Matulog ka na. Bastos mo talaga!" Bulyaw ko at mabilis na pumasok sa loob ng kwarto ko. Dinig na dinig ko pa ang halakhak nito. Argh, kainis.
Tinuyo ko muna ang buhok ko bago mahiga at saka umusal ng maikling panalangin bago ko pinikit ang mga mata ko, kahit hindi ako comfortable na may kasamang bastos na lalaki sa pamamahay ko. Sinigurado ko din na nakalock talaga ang pinto ko.
Pabaling-baling ako sa higaan ko ng kalahating minuto bago ako tuluyan na dinala sa karimlan. Napadilat ang mga mata ko nang biglang kumulog ng malakas, parang nasa bubong lang iyon. Malakas pa din ang buhos ng ulan at tiyak ako na babaha na naman dito sa lugar na ito.
Hindi ba nagising si Yvan sa kulog? Bumangon na lang ako para tingnan siya at pati na din ang labas baka kase pinasok na ng tubig ang bahay ko. Sinuot ko ang tsinelas bago ako lumabas. Nakita ko si Yvan sa sofa na maayos namang natutulog kaya sinuri ko ang buong paligid at maayos naman, kahit medyo madilim dito ay kabisado ko naman ang bahay ko.
Hindi pa naman nakapasok ang tubig dito sa loob kaya akma na akong babalik sa kwarto ko nang marinig kong umuungol si Yvan. Kakaibang ungol at hindi maharot kaya nilapitan ko siya, ganoon na lang ang pagkabahala ko nang makitang namumula ang mukha nito at pawisan ang noo at leeg nito.
"Y-yvan!" Dumukwang ako para damhin ng palad ko ang noo nito, napasinghap ako nang sobrang init ng noo nito—nilalagnat ito! Jusko!
Nataranta ako pero kinalma din ang sarili. He is my responsibility, so I'm the one to take care of him. Dahil kung hindi siya nagpakabasa sa ulan para hanapin ako ay hindi ito mangyayari sa kaniya. But I'm very thankful that he was there on time to saved me.
Nalaglag ang umot at unan nito dahil siguro pabaling-baling ito kaya inayos ko muna iyon sa katawan niya bago ako nag-init ng maligamgam na tubig. Isinalin ko iyon sa palanggana bago ako kumuha ng towel at dinala iyon sa kaniya. Binasa ko ang towel at piniga bago ako lumuhod sa gilid niya. Pinunasan ko ang noo nito, leeg at ang namamawis nitong dibdib.
Umuungol lang ito sa bawat pagpunas ko sa katawan nito. Hindi humuhupa ang init sa katawan nito na lalong nagpabahala sa akin. Wala na kase akong gamot sa medicine kit ko at lalong wala ng mabibilhan dahil sa malakas na ulan.
Akma akong tatayo para sana magluto ng sopas nang may kumabig sa braso ko. Na out of balance ako kaya tumama ang mukha ko sa leeg nito, napaungol ito na kinaangat ng tingin ko. Namumungay ang mga mata nitong nakatitig sa akin.
"F-filamrie... ang init ng pakiramdam ko..." Paos ang boses nito.
"I-im sorry... Dahil sa akin nilalagnat ka, Yvan." Nais pumiyok ng boses ko. Umangat ang palad nito para haplusin ang pisngi ko, tumaas iyon sa gilid ng mata ko. Naluluha na pala ako.
"I'm fine. Gagaling din naman ako." Ngumiti ito pero umiling ako.
"Hindi ka naman lalagnatin kung hindi dahil sa akin, eh. Kasalanan ko at nagkataon na ubos na ang gamot ko para sa lagnat! Baka bukas tumirik na ang mga mata mo dahil hindi ka nakainom ng gamot!" Napaiyak na ako kaya nakikita nito ang mga luha ko. Tumawa naman ito ng mahina.
"G-gagaling naman ako kung nais mo." Natigilan ako sa sinabi nito. Nakatitig sa akin ang mapupungay nitong mga mata.
"W-wala nga akong gamot. Pero ipagluluto kita ng sopas." Sambit ko.
"No. I don't want to eat." Pag-iling nito na kinataka ko.
"Eh, anong gusto mong gawin ko?"
"I want you to kiss me." Nagimbal ako sa sinabi nito. Napaupo tuloy ako sa sahig at sinamaan na lang ng tingin.
"Kahit nilalagnat ka na nagawa mo pa talagang magbiro, no? Nagdedeliryo na nga ang utak mo—hmp!"
Hinila niya ako at saka hinalikan na kinalaki ng mga mata ko. Kay init ng labi nito na gumagalaw sa labi ko. Nakatukod ang mga kamay ko sa hubad nitong dibdib habang nagpupumilit na makapasok ang dila nito sa loob ng bibig ko.
"I want you so much, baby..."
-MAYAMBAY-
BINABASA MO ANG
Possessive Men #:3- Yvan's Possession
Ficción GeneralOn her first day of school, Filamrie got bullied by her male student named, Yvan Wayne Suarez. But what if he do that just to get her attention, whether she like it or not? And there's also a mysterious guy wearing a black cap who was assaulted her...