Filamrie's povs:
"Bakit naman kase nagpakalasing ka." Sambit ko habang hinuhubad ang sapatos at medyas nito, pagkatapos ay inayos ko ang pagkakahiga nito sa kama bago kinumutan. He passed out after he kissed me.
Napabuntong -hininga ako bago lumabas ng silid para kumuha ng maligamgam na tubig at bimpo. Bumalik din ako sa kwarto ko na dala ang isang palanggana. Nilagay ko iyon sa side table bago ibabad ang bimpo at pigain. Tumagilid ako ng upo dito at saka ko sinimulan ang pagpunas sa mukha nito, kasunod sa leeg at huli ay sa mga braso nito. His breath is still ragged but he's in deep sleep.
Nang matapos ako ay tinitigan ko muna siya bago lumabas ng silid habang bitbit palabas ang palanggana. Tiningnan ko muna ang pinto sa main door bago bumalik ng silid ko para kumuha ng isang unan at extrang kumot sa drawer ko. Nakita kong nag-iba na ang posisyon nito, nakadapa na itong nakatulog sa kama ko na wala ng pang-itaas at pang-ibaba na damit.
His shirt and pants was lying on the floor na parang hinubad lang nito ng mabilisan at hinagis lang kung saan.
Naiinitan siguro ito dahil hindi naman aircon itong silid ko, compared to his house.Napalunok tuloy ako nang makitang tanging boxer na lang nito ang suot, his butt are perfectly in shape as same with his firm back and shoulders. Na kung pagmasdan mo ay napakalas ng pwersa doon.
He's only twenty one, yet his body has already matured.
Pinulot ko muna ang mga damit nito at inayos na nilagay sa ibabaw ng side table ko bago ako lumabas. I felt that I'm out of breath and I'm feeling hot. Umiinit na nga din itong mukha ko.
"Matulog ka na nga, Filamrie. May klase ka pa bukas ng umaga." Pag-iling na bulong ko bago inayos sa sofa ang unan at kumot ko. Nahiga na din ako at pinikit ang mga mata.
Isang liwanag ang sumilaw sa mga mata ko dahilan para magmulat ako, saglit pa akong pumikit nang masilawan ako galing sa bintana ko. Pero agad din akong napamulat nang makalanghap ng amoy yosi.
"Please stop smoking!" Bumangon ako at sinamaan ng tingin ang lalaking nakatayo sa gilid ng bintana ko habang prenteng nagyoyosi.
"Good morning too, baby." A wide grin appeared on his lips before he throws his cigarette outside of my window.
Wait! Diba sa labas ako nakatulog kanina? Bakit nandito na ako sa kwarto ko?! Sino ang nagdala sa akin dito sa kama ko—
"A-anong ginawa mo sa akin, ha?" Pinanlisikan ko ito ng mga mata bago ko hinagod ang kabuuan ko. I'm still wearing my dress and I felt nothing on my private parts. I'm still a virgin.
Napahinga ako ng maluwag bago dumako ang tingin ko dito, but I'd to averted my gaze on his perfect view body, because his golden eyes is already fixed on mine.
"Gusto nga kitang angkinin habang tulog ka, but I wouldn't raping asleep woman." Sinamaan ko ang pagngisi na naman nito ng nanunukso bago nito sinuyod ng may pakagat-labi pa ang kabuuan ko.
"Ang bastos mo talaga! Kung bakit ba kase tinulungan pa kita kagabi—sana itinapon na lang kita sa pinto, eh!" Inis kong bigkas bago kinuha ang kumot para ikumot sa katawan ko at saka hinagisan ko ito ng unan.
Humalakhak na sinalo lang nito ang unan pero natigilan ako at napatitig dito. His laugh superseding inside my room, and the view of him make me smile. I really miss his presence and laugh, and the way he pissed me of.
"Makakaya mo ba akong itapon sa pinto? Sa pogi kong 'to itatapon mo lang? Sige ka baka makuha ako ng iba at hindi na ibalik." Pagmamayabang pa nito at lumapad na naman ang pagkakangisi nang taas kilay na umirap na lamang ako.
"Pwede ba umalis ka na sa pamamahay ko? May klase ako at pumasok ka na din—bakit absent ka kahapon at naglasing ka pa talaga?" Inis na pag-irap ko bago tumayo para ayusin ang higaan, at saka ang aga-aga pinapakulo na agad ng lalaking ito ang dugo ko. "Kinakape mo ba sa umaga iyang yosi mo, ha? Hindi mo alam ang dulot niyan sa katawan?" Sermon kong nilingon ito.
He was leaning at the side of my window with a cross arms on his chest while his eyes fixed on me.
Napakurap ako at mabilis na umiwas ng tingin, kase naman nakakaakit ang tindig nito at pati katawan. Jusko! He's only wearing his boxer on his muscular body. Uminit pa tuloy itong mukha ko sa pagkailang.
But when he eats you, you didn't shy?
Sermon ng isang bahagi ng utak ko. He had already saw my body and I even let him touched me as well as lavished me, kaya may karapatan pa ba akong mahiya sa harap nito? Oo!
"Tsk. Pampakalma ko ito habang nasa tabi kita at nakahiga pang nakakaakit sa kama. Kung hindi ko iyon ginawa ay baka kanina pa kita sinunggaban. But you're still hot as fire in your morning state, baby."
Nakangising panunukso na naman nito at nandidilat na sinamaan ko naman ng tingin. But deep inside I was also secretly admiring him, to his golden eyes that are shining, his disheveled hair that looks him more attractive, up to his perfectly fit body that make him more stronger and powerful. Bawat galaw ng mga ugat nito kapag gagalaw siya ay nakakaakit tingnan. He's like a semi-god as same to the profile character on the tv shows.
"U-umalis ka na nga ng bahay ko at kung hindi ako makatiis ay kakasuhan kita ng trespassing dito!" Inis kong sambit pero ang totoo ay umiiwas ako sa pamumula ng mga pisngi ko, baka kase mahalata nito at pagtawanan pa ako ay nakakahiya.
"Ang sungit mo. Hindi pa naman ang menstruation mo—"
"Yvan Wayne Suarez! Lalabas ka ba o itatapon na talaga kita sa pinto?!" Napalakas na ang tono ko habang sobrang diin ng pagkakahawak ko sa kumot ko nang balingan ito. Kung may poison lang sana ang mga tingin ko ay kanina pa ito bumulagta. Pero ang walanghiya ngumingisi lang sa harap ko at nasisiyahan pa sa mukha kong inis na inis na.
"Ihahatid kita." Sabi nito habang naglalakad papuntang pinto.
"Huwag na! May sarili akong mga paa at huwag kang umabsent sa klase mo dahil malapit na ang exam!" Pahabol ko nang nasa pinto na ito, sumunod pa talaga ako para tiyakin na nakalock ang pinto ko. Baka kase sapian na naman ito ng kalokohan nito. I don't want that to happen now.
"Okay. See you later, baby."
-MAYAMBAY-
BINABASA MO ANG
Possessive Men #:3- Yvan's Possession
General FictionOn her first day of school, Filamrie got bullied by her male student named, Yvan Wayne Suarez. But what if he do that just to get her attention, whether she like it or not? And there's also a mysterious guy wearing a black cap who was assaulted her...