Filamrie's povs:
"Aba't! Tarantadong bata ito, ah!" Duro ng lalaking mataba, ngumisi lamang si Yvan na lalong kinainis ng tatlo pero hindi nagpatinag. Hindi ko talaga makikitaan ng anumang takot sa kaniyang mga mata si Yvan. Kahit nangingibabaw ang tangkad niya at pangangatawan ay hindi pa din nito kakayanin ang tatlong lalaki, parang mga drug addict pa ang mga ito.
"Isang estudyanteng bata lang pala ang boyfriend mo, Miss? Tss! Hindi ka niyan mapapaligaya kaysa amin!" Hirit naman ng payatot na lalaki, ngumisi ito sa akin bago tumingin kay Yvan. Seryoso lang talaga ito pero napakurap ako nang tumitig ito sa akin at saka ngumisi ng nakakaloko.
"Itong bata na 'to na kayang gumawa ng bata, right baby?" Umawang ang labi ko sa gulat at hindi iyon inasahan mula sa kaniya, but he said those words as if he had something on his mind—na kasama ako! Agad ko naman siyang pinandilatan at umiwas ng tingin, kase namumula ako.
Jusko! Nagawa pa talagang magbiro ng lalaking ito sa ganitong sitwasyon?
"Ang daming satsat! Bugbugin niyo na nga ang tarantadong iyan!" Galit na utos ng lalaki sa gitna.
"Yes, boss!" Magkapanabay na bigkas ng dalawang lalaki sa gilid nito.
Unang sumugod ng suntok ang payatot na lalaki pero balewalang nailagan lang iyon ni Yvan, kaya sumugod naman ang matabang lalaki pero nailagan lang muli nito ang suntok. Napamura ang dalawa at sabay na sumugod kay Yvan pero mabilis na silang naunahan ng suntok ni Yvan, sapol ang mga ito sa mukha dahilan para tumilapon ang mga ito sa labas ng waiting shed, putok ang mga labi nilang dalawa na nabasa na sa ulan.
"Buwisit ka talagang bata ka!" Sumugod naman ang lalaki sa gitna at napasinghap ako nang may hawak na itong kutsilyo sa kamay. Akma nitong sasaksakin si Yvan pero nahawakan nito ang kamay ng lalaki at saka walang hirap na binalibag lang nito ang kamay ng lalaki dahilan para humiyaw ito sa sakit. Pagkatapos nun ay sinuntok ito ni Yvan sa mukha at basta na lang nito tinulak sa may sahig, dumaing sa sakit ang lalaki.
And Yvan suddenly approached me, with his hands holding my cheeks. His golden eyes concerned with me.
"Are you okay? Hindi ka ba nila sinaktan?" Sinuri pa niya ang kabuuan ko na agad kong kinailing. I want to say that I'm safe now with his presence beside me. Pero nahihiya ako at baka hindi ko kayanin at masabi ko ang nararamdaman ko sa kaniya. Dapat na iwasan ko iyon. Tandaan mong pinuwersa ka niya.
"A-ayos lang ako... Salamat sa pagligtas mo sa akin. Kung hindi ka dumating ay baka napahamak na ako." Alam kong medyo nanginginig pa din ang boses ko, idagdag pa na sobrang lakas ng ulan at malamig.
"Hinanap kita sa loob ng campus at ang sabi sa 'kin ng night shift guard na kakalabas mo lang kaya hinanap kita dito. Fuck! Akala ko hindi na kita maaabutan ng buhay dito. Makakapatay ako kung may ginawa silang masama sa 'yo, baby..."
Kinabig niya ako sa matigas at basa niyang dibdib na akin naman kinagulat, ramdam ko din ang panginginig sa boses nito dahil siguro sa nilalamig na siya. Ramdam ko din ang mabilis na tibok ng puso nito.
"B-bakit hindi ka pa nakauwi? Diba kaninang alas singko pa ang out niyo? B-baka hinahanap ka na ng asa—" Hindi ko matuloy ang nais kong banggitin dahil parang sumisikip ito kapag naalala na pagmamay-ari na siya ng iba. Hindi ko kaya na ikakasal siya sa ibang babae.
"Ihahatid na kita." Tanging nasabi nito at saka humiwalay sa akin at tinitigan ako ng matiim.
"M-malakas ang ulan... Umuwi ka na at baka nag-aalala na ang pamilya mo sa iyo. Maghihintay na lang ako ng masasakyan—"
"Tsk. Sa kakahintay mo ng sasakyan ay muntik ka ng mapahamak. Gusto mo talagang nasa panganib ka at pinag-aalala ako ng husto? Hm?" Seryoso nitong sabi pero may bahid ng galit ang mukha.
Akma akong iiling nang makita ko ang tatlong lalaki na bumabangon kaya nahawakan ko sa kamay si Yvan at hinila ito sa labas. Napahiyaw ako sa lamig nang tuluyan ng mabasa ang damit ko. Siya na ang humila sa akin at tinahak namin ang kotse nito.
"Get in." Binuksan nito ang pinto at inalayan akong maupo sa loob bago sinarado ang pinto, tapos ay kumabila ito para buksan ang driver's seat at maupo doon. Nakita ko na may pinindot ito sa taas at ini-off pala nito ang aircon. Yakap ko ang sarili nang may kinuha ito sa likod na bahagi ng upuan. "Wear this. Basa ang buo mong damit." He's giving me his black hoody jacket while staring at me before his eyes go down at my body— tumigil ito sa bandang dibdib ko at nakita ko ang paggalaw ng adams apple nito. Kaya bumaba ang tingin ko at ganun na lang ang gimbal ko nang makitang bumabakat ang dibdib ko sa basa kong white blouse.
"H-hindi na! Ikaw na ang magsuot niyan kase kanina ka pa basa at baka magkasakit ka!" Bulalas ko at mabilis na tumalikod bago niyakap ang bag ko upang pananggala sa nakabakat kong dibdib.
"I'm fine, Filamrie. Ikaw na ang magsuot nito dahil basang-basa ka at ayoko na magkasakit ka." Pigil ko ang paghinga ko sa aking narinig. He was really concerned at me and his priority, even he's wet and shivering from cold.
"T-thank you." Pagtango ko na lang at saka kinuha ang jacket nito. His scent lingered on this jacket and filled my nostrils. Nakatalikod pa din ako sa kaniya nang akma kong isusuot ang jacket ay nagsalita ito.
"Get undressed first before you wear the jacket." Gimbal na napalingon ako sa kaniya. He's just serious on his words na kinakurap ko. "Mas lalong magkakasakit ka kung suot mo pa din ang basa mong damit." Saad pa nito.
Tama naman siya at kung ganun ay hindi din ako komportable dahil sa basa ang damit ko, walang silbi din ang jacket kung basa nga naman ang nakapaloob. Pero dito ba talaga ako maghuhubad? Kahit nakita na niya ang katawan ko ay nahihiya pa din kaya ako, naiilang sa mga mata nito na parang tutunawin na ako.
Napahinga ako ng malalim at saka hinarap ito.
"T-tumalikod ka, please?"
-MAYAMBAY-
BINABASA MO ANG
Possessive Men #:3- Yvan's Possession
General FictionOn her first day of school, Filamrie got bullied by her male student named, Yvan Wayne Suarez. But what if he do that just to get her attention, whether she like it or not? And there's also a mysterious guy wearing a black cap who was assaulted her...