Chapter 43

8.1K 189 0
                                    

Yvan's povs:

"Okay. I'll be there." Agad ko ng sinilid ang phone ko sa bulsa ng pantalon ko.
Yumuko ako para halikan ang noo niya at labi. "Sleep well, baby."

Hinaplos ko ang maganda at maamo niyang mukha habang nakahiga siyang natutulog sa kama ko. Sa biyahe pa lang ay nakatulog na siya kanina dahil sa kakaiyak nito.

And damn! Mas ako ang nasasaktan sa mga iyak niya. Ayokong may ibang tao ang nananakit ng damdamin niya at isa na doon ang ina ko. I know her, she's against my relationship with Filamrie. She doesn't want Filamrie to be my wife.

"But no one can stop me to owned you, baby. You are mine." Bulong ko bago halikan ng matagal ang labi niya. "Dito ka lang at aalis muna ako."

Dumiretso ako sa walk-in closet para palitan ang school uniform ko. Kumuha ako ng itim na tshirt, itim na pantalon, itim na sneakers, at itim na leather jacket, bago ako kumuha ng isang baril sa drawer. Sinukbit ko lang ito sa likod ng damit ko.

"I'll be back." Muli kong hinalikan ang labi niya at inayos ang kumot sa katawan niya bago ako lumabas.

Naabutan ko ang limang tauhan ko na itinalaga kong magbantay dito sa bahay at kay Filamrie.

"Boss, aalis ka?" Salubong sa 'kin ni Jose. My best bodyguard.

"Oo. Ikaw na ang bahala dito, Jose. Siguraduhin mo ang kaligtaasan ni Filamrie." Banta ko na kinangisi at saludo lang nito.

"No problem, boss!" Tumango ako.

"Good." Lumakad na ako sa kotse ko nang magsalita muli ito.

"Boss, paano pala kung hanapin ka ni Madam? Anong sasabihin ko?" Pagkamot nito sa batok.

"Sabihin mo umalis ako at babalik din naman." Binuksan ko ang pinto at pumasok na sa loob.

"Okay, boss! Ingat!" Tumango ako bago pinausad ang kotse palabas ng gate. Dumiretso ako sa kinaroroonan ng mafia underground.

Ilang oras ang biyahe ko bago ako nakarating dito sa lugar. The mafia underground that exclusive to the members only.

"Good evening, Mr. Suarez." Bati ng dalawang guard sa tapat ng pinto. Tumango lang ako bago ko tinapat ang black card sa scanning, kasabay nun ang pagbukas ng pinto.

Tumuloy na ako sa underground. Nasa hagdan palang ako ay nadidinig ko na ang hiyawan ng mga taong members din ng mafia underground na ito. Araw-araw ay may labanan ng mga fighters. Araw-araw ay may namamatay din. Patibayan ng lakas, talino at abilidad para mabuhay sa illegal na mafia underground na ito.

Agad kong namataan ang apat na mga Hunstman. Si Condor na barumbado, si Colton Duke na oa ang pagkabaliw sa kaniyang asawa, si Colt Desiel na kakagraudate lang ng kursong Law, at si Cane na minsan ay may sa tupak.

"Yvan, pre!" Kaway na pagsigaw ni Condor nang mamataan ako nito.

Pawang sila nakikicheer sa dalawang fighters na naglalaban sa loob ng isang malaking cage. Isa sa mga fighter ay si Cade Hunstman. Malakas pa ang pwersa nito kumpara sa kalabanan nito na hinang-hina na ang lakas at napuruhan pa ng husto.

"Hey, loverboy!" Sinuntok naman ako sa balikat ni Cane nang makalapit ako sa pwesto nila. "Pinagod mo ba ng husto ang asawa mo kaya nandito ka na agad, pre?" Ngising hirit pa nito.

"Tsk. She's stress because of what happened earlier." Sagot ko at hindi na pinansin ang pagkakangisi nito.

"Tumawag nga kanina si Tita para kausapin si Dad ukol doon." Seryosong sabi naman ni Colt. "But Dad has an urgent business deals date. So he's outside the country right now." Patuloy na paliwanag nito.

Marahas akong napabuga ng hangin bago ko dinukot sa bulsa ng pantalon ko ang kaha ng yosi ko. Kumuha ako ng isa at sinindihan iyon ng lighter ko. Iniiwasan ko ng magsmoke para kay Filamrie, pero sa ganitong sitwasyon ay nanakawin ko na ang pagkakataon.

"Tsk. Bakit pa ba kase may rules and regulations ang university ni Dad. Edi sana happy ang lahat at nagagawa ang gusto." Pagsabat naman ni Colton, pero agad din itong binatukan ni Colt.

"Gago ka! Edi magtayo ka ng sarili mong university at tingnan lang natin kung mapapatino mo ang mga barumbado—gaya ng isa diyan!"

"Letse kayo! Bakit ako nasama diyan sa bangayan niyong magkapatid?" Biglang sulpot ni Condor at sinakal sa leeg si Colt. Balewala lang naman iyon kay Colt, nakangisi pa nga ang loko.

"Kailan ang balik ni Tito Colorad?" Tanong ko bago umupo at seryosong tumingin sa loob ng steel cage. Ilang sandali na lang ay may mananalo na.

"Two weeks doon si Dad sa Thailand." Sagot sa 'kin ni Colt. Naupo na din ito sa tabi ko at binigyan ako ng isang can ng beer. Inabot ko iyon at tinungga.

"What do you think?" Tanong ko dito habang nakatingin pa din sa unahan.

"The best way is to leave the university. Madami pang university na mapapasukan diyan na mas higit pa sa university ni Dad." Balewalang sagot ni Colt sa 'kin.

"Madaling sabihin pero mahirap gawin. Pangarap na ni Filamrie na makapagturo doon at ayoko naman na alisin iyon mula sa kaniya."

"Pero hindi na gaya ng dati. May lamat na ang kaniyang pangalan dahil sa inyong relasyon. Ayaw mo naman siguro sa mga chismis."

Marahas kong binitawan ang usok sa hangin habang nayupi na ang lata sa pagdiin ng pagkakahawak ko dito.

"Still the best fighter of this night—is none other than—Cade Hunstman! The evil phantom!" Kasabay ng announcement sa nanalong fighter ay ang masigabong na hiyawan ng mga tao dito sa loob. Lumabas din si Cade.

"What's the big problem on that face?" Salubong ni Cade nang makalapit ito sa pwesto namin. Kaya lahat ng mga kamera ay nakatutok sa pwesto namin.

"Lovelife, bro!" Biglang tugon ni Condor na nginisihan ako.

"Oh! Si Miss Teacher ba 'yan, pre?"

"At wala ng iba, bro! Mahal na mahal kaya iyon ng gwapong kaibigan natin, e!" Si Condor na naman ang sumagot.
Hinagisan ko lang ito ng empty can beer ko.

"Fuck you." Pagmura ko na kinatawa na nito. Ngumisi lang ang apat.

"Have a strong bone, pre! Mapapasabak ka talaga sa giyera!" Hirit pa ni Condor.

Hindi ko na ito pinansin nang magvibrate ang phone ko sa bulsa.
Kinuha ko 'yon at bigla na lang akong kinutuban nang makita na si Jose ang caller. Mabilis ko 'yon na sinagot.

"B-boss! Si Madam kinidnap!"

"What the fuck!"

-MAYAMBAY-

Possessive Men #:3- Yvan's Possession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon