Filamrie's povs:
"T-tumalikod ka, please?" Agad naman niyang sinunod ang sinabi ko. "A-and closed your eyes..." Nahihiya ko pang tugon sa kaniya.
"Faster. Nanlalamig na ako." Sabi nito na agad ko naman kinatango kahit nakapikit na ang mga mata nitong nakahilig sa sandalan nang silipin ko.
Mabilis kong hinubad ang blouse ko at pagkatapos ay ang bra ko. Nilagay ko iyon sa gilid ng sahig at pagkatapos ay sinunod ko naman buksan ang skirt na lampas tuhod ko, itinira ko ang panty ko na hindi naman masyadong basa, bago ko sinuot ang jacket nito na umabot hanggang ibabaw ng tuhod ko. Napapikit pa ako sa mabangong amoy nito sa jacket. Hindi na ako gaanong nilalamig dahil cotton itong jacket niya.
"I-im done." Sabi ko nang makaayos na ako ng upo. Umayos naman ito ng upo at nahuli ko pa na para bang napapalunok ito at marahas ang paghinga na hindi ko alam.
"Let's go." Malalim nitong sabi at saka binuhay ang makina bago iyon pinausad sa daan. Malakas pa din ang ulan at may kasamang malakas na hangin. Hindi ko alam kung may low pressure o bagyo ba dahil sa pagmamadali kong umalis papuntang school kanina ay hindi na ako nakapanood ng balita.
Inabot din kami ng mahigit kalahating oras nang makarating sa apartment ko. Pasado alas diyes din nang kami ay dumating dito.
"Give me your key. Ako na ang magbubukas ng pinto." Sabi nito na agad ko naman kinatango at saka kinuha ang susi sa bag ko. "Wait me here!" Utos nito na kinatigil ko sa akmang paglabas ko.
Hindi na ako nakapagsalita nang mabilis na itong lumabas ng kotse at tinakbo ang pinto para buksan iyon. Pumasok ito sa loob at paglabas nito ay may dala na siyang payong ko. Binuksan nito ang gilid ko at lumabas naman ako dala ang basa kong damit.
Pinayungan niya ako hanggang sa pinto kahit basang- basa na ang damit nito. Inilagay nito ang payong sa gilid ng pinto habang nasa labas pa din ito.
"I'm going home. Ikandado mo ang pinto at lahat ng bintana mo." Sabi nito na kinatigil ko sa harapan nito. Nangunot ang noo ko sa aking nadinig.
"Uuwi ka ng basa at ganitong gabi na malakas ang ulan?" Pag-alala kong tanong na kinatango naman nito.
"Yeah. Hindi naman malakas ang ulan." Biro nito at nakangising napatingala pa ito sa bumubuhos na ulan. Kitang kita ko ang pag-alon ng adams apple nito at mahulma nitong panga na parang kay lakas nun. Humulma pa sa basa nitong uniform kung gaano katatag ang pangangatawan nito at ang medyo maugat nitong mga braso at leeg.
Nakakaakit siyang pagmasdan at hindi ko namalayan ay napalunok na pala ako sa kakatitig dito.
"P-pumasok ka muna sa loob at magpalit ng damit—may malaki naman akong t-shirt... B-baka kase ako pa ang dahilan kung magkasakit ka." Pag-iwas ko ng tingin nang bumaling sa akin ang nakangiti nitong mukha.
"Okay." Parang sumigla ang boses nito na hindi ko na lang pinansin. Ito na din ang sumirado ng pinto at nilock.
"Sandali lang at ikukuha kita ng damit." Paalam ko na kinatango lang nito. Nakatayo lang kase ito sa harap ko habang nakangiti sa akin.
Mabilis na akong pumasok sa kwarto ko at nilagay muna sa basket ang basa kong damit bago naghukay sa mga damitan ko. Hinanap ko ang kulay white kong lose shirt at nang makita ito ay lumabas ako at binigay dito.
Pero natigilan ako sa paghakbang ko nang makitang wala na itong suot na pang-itaas, kaya natitigan ko tuloy ang hubad nitong dibdib. Perfect ang pagkahulma ng magkabilang dibdib nito, manipis na mamula ang mga nipple na siyang kinakurap ko, idagdag pa ang eight packs nito na parang kay tigas pag sinundot iyon.
Itinaas ko na ang paningin ko sa mukha nito dahil pulang-pula na itong pisngi ko kung bababa pa iyon ng tuluyan sa makasalanang katawan nito, na noon ay nakita ko na.
He was comfortably leaning on the wall with cross arms on his chest and his eyes are closed. Nakasabit ang basa nitong damit sa plastic kong bangko. Alam ko na nilalamig ito pero binabalewala lang nito.
Lumapit na ako at saka tumikhim para kunin ang atensyon nito, dahilan din para bumukas ang mga mata nito.
"Heto. Suotin mo muna—ayon ang banyo sa kusina sa may gilid." Turo ko habang inaabot ang tshirt at short ko at pati na ang towel ko. Nakangiting tinitigan nito ang dala ko bago iyon kinuha sa akin.
"Thanks." Sabi nito at saka tinungo ang banyo. Doon ay napabuga ako ng hangin at pigil din pala ang paghinga ko. Ang bilis pa ng tibok ng puso ko.
Bumalik muna ako sa silid ko para magpalit ng damit dahil suot ko pa pala ang jacket nito na hanggang ibabaw ng tuhod ko, at ngayon lang ako napasinghap nang mapansin na nakahulma pala ang mga nipples ko dahil wala akong bra.
Jusko! Kaya pala nahuli ko ang pasimple nitong pagtitig sa dibdib ko ay dahil bakat ang mga nipples ko! Argh... Nakakainis. Pero pakiramdam ko din ay yakap ko si Yvan dahil sa kaniya ang jacket na ito. Lalo tuloy uminit ng husto itong pisngi ko.
Hinanger ko muna ang jacket nito para labhan ko bago isauli sa kaniya. Suot ko ngayon ang pambahay kong tshirt at short na hanggang legs ko, kase naman kung bakit lahat ng pambahay kong shorts ay maikli lang, comfortable kase ako sa cotton short na maiikli. Iyong nag-iisa kong pajama na pantulog ay nagamit ko kagabi kaya ayon pa sa basket.
Sinuklay ko muna ang mahaba kong buhok at hinayaan lang nakalugay dahil sa basa at ayoko naman matulog na basa ito—baka bukas ay bulag na ako. Lumabas ako pagkatapos at muli na naman akong napasinghap sa gulat nang maabutan si Yvan, na tanging short ko ang suot habang nagpupunas ito ng buhok gamit ang towel ko.
Sa gesture nito na parang inaakit ka ay matutulala ka talaga sa sobrang hot at ganda ng pangangatawan nito. Bawat galaw nito ay sumasabay din ang paggalaw ng mga ugat nito. Sakto lang ang kulay ng balat nito. His body is perfectly fit on him and has already matured. Ang short ko na suot nito ay naging boxer lang dito.
Inaakit talaga ako ako ng lalaking ito, noh? Kung bakit kase kaakit-akit ito sa paningin ko at naging mahal na nga.
"Matutunaw ako niyan sa mga titig mo, Filamrie.". Oh, gosh!
-MAYAMBAY-
BINABASA MO ANG
Possessive Men #:3- Yvan's Possession
General FictionOn her first day of school, Filamrie got bullied by her male student named, Yvan Wayne Suarez. But what if he do that just to get her attention, whether she like it or not? And there's also a mysterious guy wearing a black cap who was assaulted her...