Filamrie's povs:
"What?!" Malakas na sigaw mula kay Thea at akma na naman itong susugod nang matigilan ito.
"Don't you dare." Yvan's warning tone superseding the whole room. Humigpit ang hawak nito sa beywang ko na para bang pinapakalma ang sarili nito. Nagpipigil ito ng galit.
Narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga ni Ma'am Suarez dahilan para mapatingin ako sa kaniya. And her eyes meet mine with full of hatred and disappoinment. Agad akong napayuko sa hiya.
"Alright. Please calm down everyone and sit down, so we'll settled this BIG problem." She said and emphasizing her last words.
Padabog na naupo si Thea sa kabilang bangko habang pinaupo naman ako ni Yvan sa katapat nitong bangko, si Yvan naman ay pumiling tumayo sa likod at nasa balikat ko ang mga palad nito. Seryoso ang mukha nito.
Nakakamatay pa din ang panlilisik ng mga mata ni Thea nang balingan ako ni Ma'am Suarez.
"Miss Nietes, alam mong nasa rules na bawal ang pakikipagrelasyon sa isang student, diba?"
"Y-yes, Ma'am. And I'm sorry to fall in love with my student." Napayuko ako ng tingin. Muling pinisil ni Yvan ang balikat ko. Pinapahiwatig nito na nasa tabi ko lamang siya at hindi iiwan.
"Malandi ang tawag diyan kase alam mong magpapakasal na kami ni Yvan pero inagaw mo pa din siya sa akin!" Biglang pagsabat ni Thea at hindi nito alintana ang masamang tingin na pinupukol ni Yvan.
"Who told you that I want to marry you, Thea?" Tanong ni Yvan dito.
"Our parents, Yvan! They already settled our wedding plan!" Tumaas pa ang galit nitong boses.
"Tsk. Kahit kailan wala akong may pinangakuan na kasal. Hindi hawak ng magulang ko ang kaligayahan ko para ipakasal sa hindi ko mahal. Dahil sa isang babae lang ako magpapakasal at si Filamrie lang 'yon. So stop imagining your nonsense wedding."
Kalma ngunit maawtoridad na sabi nito. Pinipigilan lang ni Yvan ang magtaas ng boses. Pigil na pigil ang galit nito na huwag makagawa ng eskandalo sa harap ng Mama nito.
"I hate you! Both of you!" Pagdadabog na sigaw nito at nanlilisik ang mga mata sa amin. Umiiyak na bumaling ito kay Ma'am Suarez ,na naaawa naman para kay Thea. "I don't deserved this mess, Tita!" Sigaw nito.
"Calm down, Hija. We will settle down this problem." Pagkuha nito sa kamay ni Thea at may simpatya na pinisil ang mga palad nito, bago bumaling ang seryosong tingin nito sa akin.
"You know that I can't calm down, Tita. Yvan was cheating on me!" Bigla na naman nagwala sa galit si Thea. Napatawa naman si Yvan sa likod ko.
"Bullshit that term you used on me, bitch. Watch your mouth, or else, you don't want me to punch that ugly mouth of yours."
Napalingon ako kay Yvan at agad na sinamaan ang nakapaslit na insultong ngisi sa mukha nito.
"Damn you!" Galit naman na sigaw ni Thea. Namumula na ang mukha nito sa galit at dinagdagan pa ni Yvan. Parang balewala lang na nandito kami sa harap ng Mama niya.
"That's enough, Yvan. Nang dahil sa babaeng iyan ay nag-iba na ang ugali mo. Have some respect on me." Biglang suway ni Ma'am Suarez, medyo tumaas na ang boses nito habang masama ang tingin kay Yvan.
"Then, have some respect on me too. Nang dahil sa lintik na kasunduan niyo na 'yan na hindi ko naman sinang-ayunan ay may isang tao ang nag-iilusyon sa wala. At kailan niyo pa pinuna ang ugali ko? Sa pagkakatanda ko kase ganito pa din ako pero nag-iba nga ang ugali ko nang dumating sa buhay ko si Filamrie. She gave me light on my darken life before. She's everything to me and I love her so much. And she loves me too."
Naramdaman ko ang pagpisil niya sa balikat ko kaya napatingala muli ako sa pwesto niya, nakatitig na pala siya sa akin kaya nagkatitigan ang aming mga mata. His golden eyes staring at me with full of emotions, and my heartbeat wasn't in control again.
"Yvan..."
"Argh! I hate you! Pagbabayaran niyo ng mahal ang ginawa niyong pang-iinsulto sa akin! I hate you, Yvan!" Sigaw ni Thea at padabog itong tumakbo palabas ng silid na umiiyak.
"Thea! Hija!" Napatayo na din sa kinauupuan niya si Ma'am Suarez, sobrang pag-alala ang nasa sa mukha nito. "Hindi kita pinalaki na maging bastos, Yvan! Masaya na kayo sa pananakit niyo sa damdamin ni Thea?"
Binalingan nito si Yvan at tumuon sa akin ang nanlilisik niyang mga mata. Napayuko ako nang makita ang galit at pagkasuklam doon. Alam ko na sobrang nasaktan namin si Thea, at alam ko din kung gaano kasakit sa dibdib— na hindi ka mahal ng taong mahal mo.
Nahihiya din ako sa harap ni Ma'am Suarez ngayon. Pero nasasaktan ako na pinapamukha niya sa akin na hindi niya ako tanggap para kay Yvan. Na mas gusto nito si Thea kaysa sa akin. Kase sino ba naman ako.
"Ma, aminin mo na ikaw ang nanakit sa damdamin ng babaeng iyon. Kayo ang nagpaasa sa wala naman patutunguhan. Right in front of you is the woman that I love. She's the only one I love and will be having my name. Please, accept Filamrie for me."
Kalmadong sabi ni Yvan pero nandoon ang diin."I don't like her. So don't push me to like her." Puno ng hinanakit na sagot ni Ma'am Suarez, habang nakatingin ito sa akin ng masama. Napayuko ako.
"Okay. Then don't push me to marry that bitch also." Agad ko siyang nilingon at binigyan ng masamang tingin na agad naman nitong kinahinga ng marahas.
Napabalik ang tingin ko kay Ma'am Suarez nang padabog nitong natampal ang lamesa. Masama ang tingin na pinupukol nito kay Yvan bago tumingin sa pwesto ko.
"I'll consult this first to the board director and members before giving you your punishment. Sa ngayon ay huwag ka na munang pumasok dito sa school at hintayin mo ang desisyon ng board, Miss Nietes. Para iwas na din sa kahihiyan ko bilang nanay ni Yvan, at isang dean dito sa university. Nakakahiya ang ginawa mo at hindi magandang ihemplo sa lahat ng mga students dito."
Puno ng diin at may bahid ng galit ang bawat salita ni Ma'am Suarez. Agad naman akong tumango at mabilis na umiwas sa mapanghusga nitong mga mata. Napakurap-kurap ako para pigilan ang mga luha ko.
"You have no right to—"Akma pang magsasalita si Yvan nang mabilis akong umiling dito. Umigting ang panga nito at marahas na bumuga ng hangin bago ako nito hinila patayo. "Let's go, Filamrie."
-MAYAMBAY-
BINABASA MO ANG
Possessive Men #:3- Yvan's Possession
General FictionOn her first day of school, Filamrie got bullied by her male student named, Yvan Wayne Suarez. But what if he do that just to get her attention, whether she like it or not? And there's also a mysterious guy wearing a black cap who was assaulted her...