Chapter 14

9.5K 212 0
                                    

Filamrie's povs:

"H-huwag mo na akong ihatid. May dadaanan pa kase ako." Pag-iling ko nang sabihin niyang ihahatid ako.

Kakasunod lang niya dito sa labas ng campus dahil sa nauna akong lumabas dito. Sabay sana kaming lalabas matapos ang nakakahiyang mainit na tagpong iyon sa amin— na kahit ang tumingin sa kaniyang mga mata ay naiilang ako, kase naaalala ko ang kagagahan ko. Nawala ako sa sarili kong katinuan sa ikalawang pagkakataon.

Kaya heto at pinauna niya akong pinalabas ng campus at nagsabi pa na hintayin ko siya dito sa labas para ihatid pauwi.

"Ihahatid pa din kita kung saan man 'yan. Gabi na at delikado sa ganitong oras. Saan ka ba pupunta?" Seryoso nitong sagot at hinila pa ako papunta sa kotse nito. Binuksan nito ang pinto at saka inalalayan akong pumasok bago ito sumunod dito sa loob.

"Death anniversary ngayon ni mama at kung hindi dahil sa iyo—" Natigilan ako sabay iwas ng tingin ko dito nang makita ang ngisi nito. Hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil eto na naman ang mukha ko na ubod ng pula sa hiya at pagkailang. Ramdam ko pa sa buong katawan ko ang paghagod ng labi at mga palad nito, na pakiramdam ko ay nandito pa.

"Ituro mo sa 'kin ang daan at ihahatid kita doon." Hindi ako sumagot nang inistart na nito ang manibela. Akma pa sana siyang kabitan ako ng seatbelt nang maunahan ko siya. "Tsk." Sambit nito at umiling lang sa akin.

Itinuro ko na lang sa kaniya ang daan papuntang cemetery kung saan nakalagak ang puntod ng magulang ko. Kalahating oras din ang takbo ng kotse nito bago kami nakarating dito sa patio. Pinark nito ang kotse bago lumabas at akma ko pang tatanggalin ang seatbelt ko nang maunahan ako nito, kaya dumikit ang aming braso.

Malaki ang impact na ginagawa ng presensya niya sa aking katawan, or maski konting dikit lang ng katawan nito ay kinikilabutan na ang buong sistema ko, kumikislot ang hindi dapat—kaya nakakahiya kapag nalaman nito.

"Let's go." Napakurap ako nang bumulong siya sa tenga ko bago ito umayos ng tayo. Tumango ako at sapilitan na kinuha ang nakalahad nitong palad para alalayan ako.

He was following me while we headed to my parent's grave. Pasado alas siete na nang dumating kami dito. Ang ilang poste ng ilaw dito ang nagsisilbi naming ilaw, nasa dulo pa ang libingan ng magulang ko kaya medyo madilim doon. I get my phone and switch on the flashlight when we finally arrived on my parent's grave.

Lumuhod ako para bunutin ang ilang ligaw na damo at hawiin ang mga nagkalat na dahon sa dalawang puntod. Matagal na din akong hindi nakadalaw sa kanila— ang huling dalaw ko dito ay noong nakaraang taon na death anniversary din ni Papa. Magkasunod lang ang kanilang kamatayan at nanuna lang si Mama ng kaunting buwan kay Papa.

Lumuhod din si Yvan para tulungan ako sa paglinis na siyang kinatingin ko dito, nagtataka pa ang mukha ko.

"Good evening Ma, Pa! Ako po si Yvan Wayne Suarez— future husband ng inyong anak. Kinagagalak ko po kayong makilala at sana boto kayo sa 'kin dahil pinapangako ko na aalagan, mamahalin at poprotektahan ko si Filamrie hangga't ako ay nabubuhay. Kaya po huwag kayong mag-aalala diyan sa langit dahil ligtas ang anak niyo sa 'kin."

His words are really shocked at my whole system. Hindi makapaniwalang nakatitig ako dito na awang ang labi at nanlalaki pa ang mga mata. He was smiling while staring at my parent's grave, like he was facing and talking to them in person. Napakurap lang ako nang tumingin siya sa akin.

"What?" Tumaas ang kilay nito. Agad na umiling ako at mabilis na bumaling sa magulang ko, baka kase mahuli nito ang pamumula ng mga pisngi ko. Pero umeecho pa sa utak ko ang sinabi nito. He seems serious on his words that my heartbeat is racing again. Nakakagulat ang mga sinabi nito na para bang humihingi pa ng permiso mula sa magulang ko.

Nilagay ko ang dalang bulaklak sa puntod ni Mama at Papa bago sindihan ang dala ko ding kandila. Nang masindihan ko iyon ay pumikit ako at saka taimtim na nagdasal. Hiningi ko na din ng tawad pati ang ginagawa kong kalandian na kasama si Yvan. Kung nabubuhay lang sila ay tiyak akong galit na sila sa ginawa ko, especially si Mama, sinabihan akong ibibigay ko lang daw ang katawan ko sa taong pakakasalan ko at mahal ko.

Sinuway ko na agad ang bilin ni Mama noong bata ako.

"Y-yvan? Bakit?" Tanong ko nang hawakan niya ang likod ko habang nililibot nito ang tingin sa paligid, na para bang nakikiramdam sa paligid.

"Sshh. We have intruders." Sagot nito bago alalayan sa pagtayo. Tinago pa niya ako sa likod niya nang bigla na lang lumitaw sa kung saan ang tatlong lalaki, pawang nakangisi ang mga ito at kita ko na parang namumula pa ang mga mata nila. It seems that they're a drug users, dahil may hawak pa ng isang sachet ang kasama nilang lalaki. Parang mga lulong ito sa drugs.

"Y-yvan... T-tumakbo na tayo..." Bulong ko at saka mariin na kumapit sa damit nito. Kinakabahan ako sa maaaring mangyari sa amin dito. Dalawa lang kami ni Yvan laban sa tatlong mga addict na ito, na tiyak hindi gagawa ng maganda.

Nagsisimula ng manginig ang katawan ko sa takot. Paano na lang kung dito na din ako mahimlay sa libingan ng magulang ko? Okay lang sana kung ako pero pati si Yvan ay madadamay pa sa tadhana ko. Kung sana nagpumilit ako na hindi siya isasama dito ay wala sana akong dadalhin na konsensya kapag namatay ako dito, pero—

"No one can hurt you, Filamrie. Basta nandito ako sa tabi mo. Diba pangako ko sa magulang mo na poprotektahan kita?" Pagkuha pansin niya sa tumatakbo kong isip, na ngayon ay haplos ang pisngi ko at dinaanan ng daliri niya ang gilid ng mga mata ko.

He was looking at me with a sweet smile engraven on his face. The sweetest smile I've ever seen on his face that seems to give me comfort on my shaking body.

"W-wala tayong laban sa mga addict na iyan kaya tumakbo na lang tayo dahil hindi ko kakayanin kung pati ikaw ay mapahamak—halika na!"

-MAYAMBAY-

Possessive Men #:3- Yvan's Possession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon