Filamrie's povs:
"Hi, Miss! Buti naman po at nakarating kayo!" Salubong sa amin ni Sonia at saka bumeso sa akin, napatingin ito sa likod ko. "Naging gentleman naman po ba si Yvan sa inyo?" Akma kong ibubuka ang labi para sagutin ang tanong nito nang maunahan ako ng isang boses.
"Tsk. Gutom na kami kaya anong makakain diyan?" Sabi nito at naunang maglakad papunta sa mga barkada nito, nakipag-apiran ito.
"Tara, Miss! Sakto at nakapagluto na kami ng mga barbecue!" Hinila niya ako sa kamay kaya napatianod na lang ako. Binati din ako ng iba, habang abala ang mga ito sa ginagawa, more on sa inuman.
"Teka, dahan-dahan lang kayo sa pag-inom at huwag magpakalasing, ha?" Paalala ko nang maupo kami ni Sonia sa umpukan nila. Nandito kami sa isang malawak na cottage at sa unahan noon ay ang swimming pool, may ilan sa mga students ang naliligo na doon, habang ang iba ay kaniya -kaniyang grupo din.
Narinig ko ang pagtawa ng ilang mga boys at girls na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. Napatingin ako kay Yvan, nakangisi ito habang umiiling na sumisimsim sa parang alak, and he holds a stick of cigarette. Nasa kabilang lamesa sila nakaupo.
"Okay lang maglasing, Miss! May silid naman na tutuluyan dito! Wooh! Cheers!" Sabi ng isang barkada ni Yvan, itinaas ang baso at nakipagcheers sa mga kasama nito, pawang nakangisi ng maloko.
"Don't worry, Miss. May mga utak na Ang mga iyan at kaya nila ang mga sarili." Sabi ni Sonia habang inaabutan ako ng paper plate na may lamang pagkain, agad ko din na inabot at ngumiti sa kaniya.
"Thank you." Pagkakita ko sa mga pagkain ay nakaramdam na ako ng gutom, hindi na kase ako nakakain kanina dahil sa Yvan na iyon. I silently prayed before eating my foods. Habang busy ako sa pagkain ko at hindi na alintana ang ginagawa ng mga students ko ay nakarinig na lang ako ng pagflash, I know it came from a phone taking pictures.
Nag-angat ako ng tingin at hinanap iyon nang mapadako ang tingin ko kay Yvan na hawak ang phone nito, sa direksyon ko nakatutok ang camera na agad nitong tinago sa bulsa. Sinamaan ko siya ng tingin at saka sumenyas na idelete nito, pero ngumisi lang ito at tinungga ang alak nito. Nagsi-apiran na naman ang mga barkada nito na pawang nakangisi din sa pwesto ko.
Tanging ako lamang ang nakapansin dahil busy sa kanilang phone ang mga kasama ko dito sa lamesa, pero biglang may sumiko sa gilid ko. Si Sonia na may nanunuksong ngiti.
"Type po ba kayo ni Yvan, Miss?" Sabi nito na agad kong kinailing.
"Ang sabihin mo, type akong ibully ng lalaking iyon! Tiyak bukas ay kakalat sa buong campus ang picture kong lumalamon ng pagkain." Inis kong sagot kay Sonia, pangiti-ngiti naman ito at tumango na lang.
"May dala ka bang panligo, Miss?" Tanong nito na kinailing ko.
"Wala, eh. Hindi naman kase ako liligo." Sagot ko bago sumisimsim sa juice ko. Dumako ang tingin ko kay Yvan na may kausap na isang girl, sobrang dikit dito ni girl at pangisi-ngisi naman ang mokong, at saka pahaplos-haplos pa sa hita nito.
Tumirik ang nga mata ko sa paglalandian nilang dalawa.
"Tara, Miss, pahihiramin kita ng swimsuit ko!" Bigla akong hinila patayo ni Sonia na kinagulat ko.
"T-teka—"
"Sa dagat na lang kaya tayo maligo, mga beshy? I need kase vitamin sea!" Suggest na pabiro ni Lucy, ang best friend ni Sonia. Mabait silang dalawa sa akin at nakipagclose kaya hinayaan ko na, they're friendly to me.
"Yeah, mas gusto ko din sa dagat. Let's get change first! Let's go, Miss!" Sumunod na lang sa ako kanila papunta sa loob ng malaking villa. Kung maganda sa labas ay mas maganda din dito sa loob ng villa nila Sonia. Pumasok kami sa isang silid papunta sa walk-in closet. Binuksan ni Sonia ang isang kabinet at tumamabad sa amin ang nakahanger na mga swimsuits, ang iba ay nakatupi sa drawer.
"Beshy! Ayon sa akin—pink!" Naunang hinablot ni Lucy kulay pink na swimsuit,humarap ito sa salamin at saka sinukat nito sa katawan nito.
"Bagay sa iyo, Besh!—ikaw, Miss, pumili ka na din. Here naman sa akin!" Baling nito sa akin bago nito kinuha ang kulay green na swimsuit. Nagpunta din siya sa salamin at sinukat nito iyon.
I sigh as I don't have a choice but to joined their swimming. Namamanghang nakatitig ako sa swimsuit na halos kita na ang kaluluwa mo nito kapag nakasuot na sa iyo. It's too revealing for me, at gusto kong tumakbo palabas dito at magsight-seeing na lang sa buong lugar. Ayoko talaga magswimsuit.
"Miss, nakapili ka na ba?" Si Lucy na kakalabas lang ng banyo, si Sonia naman ang pumasok doon.
She's wearing her swimsuit. Matangkad si Lucy at maputi, may magandang hubog ng katawan kaya bumagay dito ang kulay pink na swimsuit nito. Ganoon din ang pangangatawan ni Sonia, kaya tiyak—out of place ako dito.
"Ah, hindi pa, eh..."
"Ako na lang nga ang pipili sa iyo, Miss, nahiya ka pa, eh!" Tumabi siya sa akin at pumili ng maisusuot ko.
"H-huwag na kase, hindi kase ako sanay na magsuot ng mga revealing na damit—"
"Oh, there!" Bulalas nito bago may hinugot sa pinakagilid. "Here, Miss, hindi masyadong revealing." Lahad niya sa isang kulay puti na swimsuit.
One piece suit at parang semi-skirt ang ilalim. "You like white, right?""Oo." Pagtango ko.
"So, babagay ito sa iyo, Miss. Tiyak nga na maglalaway ang mga boys sa labas! Lalo si Yvan na palagi kang binubully—show him on what you deserved, girl!" Pampalubag lakas nito na kinailing ko at ngiti. "Tingnan natin kung hindi maglalaway ang gago na 'yon!" Sambit pa nito.
"A-ang tanda ko na para sa ganito—"
"No! You're just only twenty four—sexy and beautiful, Miss! Ilang taon lang ang tanda mo sa amin kaya don't be hesitate to show them your beautiful body—like mine!" Nakitawa na din ako sa huling sinabi nito na may kasama pang aksyon.
Wala akong nagawa kundi ang mapatango sa harapan nito.
"S-sige na nga!"
-MAYAMBAY-
BINABASA MO ANG
Possessive Men #:3- Yvan's Possession
General FictionOn her first day of school, Filamrie got bullied by her male student named, Yvan Wayne Suarez. But what if he do that just to get her attention, whether she like it or not? And there's also a mysterious guy wearing a black cap who was assaulted her...