Chapter 18

9.1K 192 1
                                    

Filamrie's povs:

"The camping event will held after the first semester exam. So this will be on next week. I'll assign one teacher in each sections to assist and ensure the safety of every students."

Pahayag ng acting dean na si ma'am Urduja, habang nandito kami sa loob ng office niya. Nasa ibang bansa kase si ma'am Suarez, the dean and mother of Yvan.

"I'll give other details tomorrow morning for those teachers who will assigned to every section. Please go back to your destined classes. Thank you." Tumango kaming lahat bago isa-isang lumabas ng office.

Nang makalabas ako ay tinungo ko naman ang unang klase ko, which is the section of that Yvan. Ewan ko kung papasok iyon dahil kanina ay wala na ito sa apartment ko nang matapos akong maligo. Siguro ay umuwi na iyon kanina sa kanilang bahay. Tiyak may hang-over iyon.

"Pre! Umabsent ka lang ay ang ganda na agad ng ngiti natin ah!"

"Oo nga! Kumbaga sa babae ay blooming, sa mga lalaki naman ay nakashooting! Pre, naishoot mo na ba ang mahiwagang bola?"

"Gago, hindi pa pero malapit na."

Dinig na dinig ko ang pinag-uusapan nila nang makapasok ako sa loob ng silid. Nagsi-upuan naman ang iba at tumahimik nang makita ako. My eyes caught a pair of golden eyes that intently staring at me. Umiwas ako ng tingin at sinimulan ang discussion ko.
Hanggang sa matapos iyon at nagpaalam na ako for my next class.

Nasa labas na ako ng pinto nang biglang may humigit sa pulsuhan ko, hinila ako nito papunta sa isang hallway na hindi dinadaanan ng mga students. Napatingin ako sa paligid bago ito samaan ng tingin.

"What's your problem, Mr. Suarez? And please release your hand at my hand?" Mahina kong asik na kinangisi at bitaw nito sa kamay ko.

"Hintayin kita mamaya—sabay tayong kumain sa labas." Tumaas ang kilay ko sa sinabi nito.

"Iyan lang ba ang sasabihin mo at hinila mo pa talaga ako dito?" Hindi ito nagsalita at prente lang nakatitig sa akin. Napakurap tuloy ako pero hindi ko pinahalata iyon, baka kung ano ang isipin nito.

"Mayroon pa." Kinabahan ako nang humakbang ito palapit sa akin. Bumilis naman ang tibok ng puso ko habang napapaatras ako. I look at him with a warning sign inside my eyes, but he's just smirking at me.

"Y-yvan! Don't make any scene here! I'm warning you—hmp!" His mouth abruptly landed on my lips. Hawak nito ang beywang ko habang hinahalikan ako ng malalim. I moaned when his mouth bite my lower lip, kaya bigla ko itong naitulak.

Sa sobrang lalim ng halik nito ay pareho namin habol ang aming paghinga. Nakangisi na naman ito habang kinakagat ang ibabang labi nito nang panlisikan ko. His hand hold my chin and he gently pressed it before his face bended down just to kissed my forehead. Nagulat ako at hindi nakapag-react sa ginawa nito.

"Punta ka na sa next class mo o baka gusto mo ihatid pa kita—"

"I can walk by myself! Get lost!" Inis kong sambit bago ito talikuran.  I heard him chuckled that cause my eyes to rolled. Napatingin pa ako sa paligid ko at napabuga ng hangin ng wala naman may nakakita sa ginawa nito, bago ako tumuloy sa paglakad.

Nakakainis talaga ang lalaking iyon. Hindi ba natakot iyon na maaari kaming makita sa ginawa nito? Pati ba naman dito sa school premises ay bigla na lang manghahalik? Argh! Nakakainis talaga ang lalaking iyon—sarap ihagis sa labas ng pinto!

"Good bye, class! See you tomorrow!" Paalam ko bago kinuha ang bag ko at ilang mga gamit bago lumabas ng silid. But I was pause in shock when I saw that Yvan was leaning on the side wall of this classroom. "Y-yvan! What are you doing here?" Mahina kong tanong na kinabukas ng mata nito at nagsalubong ang aming mga mata.

"Hinihintay ka. Diba sabi ko sabay tayong kakain sa labas." Sagot nito at humakbang sa kinatatayuan ko. "I'll bring this things—"

Akma niyang kukunin ang mga gamit ko nang tumalikod ako at halos mapalundag pa ako sa gulat nang mabungaran ko ang ilang students kong babae na nakatayo na sa pinto, they're all looking at Yvan's direction with high admiration on him.

Natitilihan pa ang iba sa kilig at pakiramdam ko ay naiinis ako. Why?

"Hi, Yvan! Why are you here?" Litaw ng isang girl student ko na dumaan sa gilid ko papunta sa likod ko. Humarap ako at kita ko kung paano lumingkis sa braso ni Yvan ang student ko.

"May kailangan kase ako kay miss Nietes kaya napapunta ako dito." He answered while his golden eyes staring at me, kumalas din ito sa student ko bago lumapit sa akin. "Miss? Ako na magdadala ng mga gamit mo. I need you to talk about my grades." He then secretly wink at me.

Hindi pa ako nakakapagsalita ay kinuha na agad nito ang mga gamit kong libro bago ito tumalikod. I sigh as I walk to follow him, while my girl student just elevated her eyebrows. Hindi ko na ito pinansin at lumakad pasunod kung saan dumaan si Yvan.

"Yvan! Give me my things—sa canteen ako kakain!" Tawag ko dito pero hindi ako nito pinansin. Hirap pa akong habulin ito kase naman ang tangkad nitong lalaki at malalaki ang hakbang, compared sa akin na hanggang dibdib lang nito, so maliit lang ang hakbang ko.

"Get in." Utos nito nang dito kami nakarating sa parking lot ng kotse nito. Habol ko din ang paghinga ko bago ito samaan ng tingin.

"Ikaw na lang ang umalis dahil may sunod na klase pa ako. Sa canteen na lang ako kakain." Saad ko. Tumingin ito sa wristwatch nito bago sa akin.

"Hindi ka malalate sa klase mo dahil kakain lang naman tayo." Giit pa nito. Muli akong napabuntong -hininga bago pumasok sa nakabukas na pinto. Wala naman akong choice dahil ang tigas din ng ulo ng lalaking ito at alam ko na matatalo ako dito.

Pagkapasok nito sa loob ng driver's seat ay saglit niya akong tinitigan. Taas kilay na humalukipkip ako sa gilid upuan ko. He's just seriously stared at me that my heartbeat isn't normal again.

"Y-yvan! Binabalaan kita na umayos ka kundi sisipain na talaga kita diyan palabas ng kotse mo!" Bigla kong sabi kase unti -unting lumalapit ang mukha nito sa akin habang kuyom ng mariin ang mga palad ko.

I heard him chuckled again. I saw how his golden eyes shining in amazement, looking at him in this way is giving me at ease. I felt that I'm safe whenever his near me, I felt that I'm completely happy when he beside me and stared at me as if he owns me, and no one can take out me from him.

But my heart and mind contradicted with each other. I know it's wrong but I really can't help myself to fall in love with Yvan, my heart is crazy of him.

"Seatbelt again, my baby." He whispered it on my ear.

-MAYAMBAY-

Possessive Men #:3- Yvan's Possession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon