Chapter 3

11K 259 0
                                    

Filamrie's povs:

"Salamat pala sa panyo mo—huwag kang mag-alala kase nilabhan ko na ito at nilagyan pa ng antibacterial conditioner, baka kase mahawa ka sa bacteria ko." Pagngiti ko na may kasamang biro, tumawa din ito ng mahina bago umiling sa harap ko.

"Tsk. Sa 'yo na 'yan at hindi mo naman kailangan na ibalik pa dahil marami akong panyo sa drawer ko." Binaba ko na lang ang panyo sa narinig ko bago inumin ang natira kong juice.

He's name is Gino Traverna and a math teacher. He is a gentleman and nice person kaya naging magkaibigan kami, after that incident with Yvan.
Mas lalo niya akong binabastos sa klase ko at ginawa nga nito ang sinabi na lalong naging masama ang ugali.

Tinitiis ko naman ang mga pangbubully nito, pero pagdating sa apartment ko ay doon ko binubuhos ang lahat ng mga sama ng loob ko, kaya kinaumagahan ay maga ang mga mata ko.

"Sige, itatago ko na lang ito kase wala naman akong panyo sa drawer ko. Kase facial tissue naman ang ginagamit ko para tapon na lang at wala akong labahin, at saka tipid sa powder at bar." Mahina akong tumawa pero umayos din at namula ang pisngi sa pagkakatitig niya sa akin. Medyo naiilang pa ako doon.

Napayuko ako at umiwas ng tingin, pero dumako naman ang mga mata ko sa labas nang makatitigan ko ang golden at galit niyang mga mata.

"Maganda ka kapag laging nakangiti." Napapitlag ako sa palad ni Gino na bigla na lang dumantay sa palad kong nakahawaka sa baso ng juice.

"Ah, t-thank you..." Tanging nasabi ko sa hiya at pagkailang bago ko marahan na kinuha ang palad ko, kasabay din noon ang isang malakas na pagbasag na sinabayan ng malakas na ingay, galing sa nabasag na salamin ng kotse na nakapark sa labas.

"Oh my ghad! My car!" Bulalas ng babaeng customer bago ito lumabas habang nagpapanic din ang ilang mga customers dito sa loob. Hinanap ko naman si Yvan pero wala na ito sa pwesto niya. Tiyak na siya ang bumasag sa kotse dahil malapit iyon sa pwesto nito kanina.

Napakasalbahe talaga ng lalaking iyon, pati gamit ng iba hindi sinasanto.

"Let's go?" Tanong sa akin ni Gino, tumango naman ako bago kami tumayo at lumabas ng restaurant. Naalala ko naman ang nangyari dito sa pedestrian lane habang tumatawid ako, dahil sa kalokohan ng lalaking iyon ay muntik na akong dalhin sa hospital, pinag-alala pa nito si Tita.

"Salamat nga pala sa libre mo, ha? Pero sa susunod ako naman ang manglilibre." Sabi ko nang malapit na kami sa classroom ko, he insists na ihatid ako dito kahit nasa kabilang hallway ang room nito.

"Sure. Pero gusto ko sa mamahaling resto and then ordered more." Namilog ang mga mata ko sa pahayag nito. Pero tumawa ito nang makita ang reaksyon ko. "I'm just kidding! Grabe ang reaksyon mo at hindi ka na mabiro." Natatawa pa din ito.

Napangiti naman ako at saka huminga ng maluwag. Akala ko kase ay hindi ito nagbibiro, I know I can't afford that expensive restaurant. Mayaman pa naman ang lalaking ito at baka kung dalhin ko siya sa mga street foods ay aayawan lang nito. Inaya ko nga siya kanina sa fastfood kaso tumanggi ito, kaya ayon nilibre ako nito sa pinagdalhan na resto.

"Siyempre hindi ko afford iyon, eh. Ayoko naman na maghugas ng tumpok-tumpok na mga plato, no. Pero okay lang naman kung kasama ka!" Ganting biro ko na lalo lang nito kinatawa, nakahawak pa nga sa tiyan.
Nagtataka tuloy ang mga nakakita sa amin. "Sige na umalis ka na at baka malate ka niyan sa klase mo. I have class also."

Tumigil naman ito sa kakatawa at saka tumikhim bago tumango. Pero pangiti -ngiti naman ito na para bang nawiwili sa mga sinabi ko.

"Alright. See you later." Paalam nito at kumaway pa ako nang lumingon ito. Nakangiti na tumalikod na din ako pero natigilan ako nang bumungad sa harap ko ang mga babaeng estudyante, that I was encountered at the restroom.

"Dito pa talaga sa loob ng campus na harap-harapan ang paglalandi mo, miss Nietes?" Taas-kilay na tumaray ito sa harapan ko. Hinarangan pa talaga nila ang dadaanan ko.

"Excuse me, miss? Do you know the term you used on me? Did you see me flirting with someone?" Hamon ko sa pagatataray nito. Mas lalong tumaas ang kilay nito at pagak pa na tumawa.

"Of course! Yy eyes saw you flirting with sir Gino! I caught you flirting!" Pagdiin nito at saka tumaas pa ang boses, pati mga kasama nito ay masama din ang pagkakatingin.

"Then, the term you used on me was wrong, because I'm just talking to him and not doing flirting. Talking and flirting are not the same meaning. So  sometimes used your brain to say words exactly on what you've seen." Nakita ko ang paniningkit ng mga mata nito sa inis. Umirap ito at nagdabog pa sa harapan ko bago umalis, kasama ang mga friends nito.

"Hayaan mo, besh! Sa susunod may araw din ang babaeng iyan!" Sabi ng isa sa mga kaibigan nito. Napailing ako at saka huminga ng malalim bago dumiretso sa loob ng classroom ko.

Ginugol ko ang oras ko sa klase, hanggang sa dumating ang uwian. Bigla naman bumuhos ang malakas na ulan kaya nanatili muna ako sa silid ko, wala naman kase akong kotse na service ko pauwi.

"Shocks! Bakit brown out!" Mahina kong bulalas nang mamatay ang buong ilaw, dito sa loob at labas kaya sobrang dilim ng paligid. Medyo matatakutin pa naman ako sa dilim. "Pati ba naman ang cellphone ko nakisama sa malas? Hay..."

Dismaya kong sambit nang makita na namatay din pati ang cellphone ko. May charger nga akong dala pero brown out naman kaya paano ako makakacharge nito? Hindi ko matawagan si Tita Hilda para makisuyo sa kaniya na ihatid ako pauwi. Tiyak kanina pa siya nakauwi, may kotse siya at pamilyang naghihintay sa kaniya.

Napakislot ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang pag-ingay ng pinto, sinara ko iyon kanina pero hindi nilock. Nataranta ako at biglang bumuhay ang kilabot sa katawan ko.

J-jusko.. m-may multo bang pumasok dito sa loob ng silid ko? Please, huwag naman sana kase takot ako sa momo..

"Oh, heaven... Please help me..."

-MAYAMBAY-

Possessive Men #:3- Yvan's Possession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon