Chapter 22

8.5K 198 5
                                    

Filamrie's povs:

"Teachers and students, our very first activity today is about testing your creativity, on how to make things out of this bamboo trees! There's only two hours for you to finished this, and this might test your teamwork as well. So the timer starts now and exactly to be done by nine on this morning. Good luck, everyone!" As our team leader ended his instructions, we panicky get the materials we're needed.

Each teams has only five bamboo trees and only one bolo.

"Loida, Sonia! Maghanap kayo ng malaking bato at dalhin dito. Filamrie, maghanap ka ng tuyong dahon ng saging—samahan mo na siya, pre! Ako naman ang bahala dito sa mga kawayan." Seryosong utos ni Yvan na agad naman namin kinatango bago ginawa ang utos nito.

"Miss, Punta tayo doon sa gubat at tiyak madami doong mga tuyong saging." Turo ni Willy at doon nga kami pumasok sa gubat. Maraming matataas na puno ang nakatayo dito at ang iba ay mga punong prutas gaya ng mango, guava, santol at star apple.

"Wow! Ang ganda naman dito! Kahit dito na ako habang buhay ay hindi ako mamamatay dito!" Bulalas na mangha ni Willy, na agad ko naman sinang-ayunan.

"Oo nga. Sariwa ang hangin at fresh ang mga pagkain dito. Kung pagpipiliin ako ay dito ko gustong manirahan." Saad ko din habang nililibot ang tingin at naghahanap din ng punong saging.

Biglang napahinto si Willy na naunang lumalakad sa akin at saka ako tiningnan na may panunuksong ngisi sa mukha.

"Kasama ba diyan si pre Yvan namin, Miss Filamrie?" Agad ko siyang sinamaan ng tingin at umirap na lang bago ako nagpatuloy sa paglakad.

"Hindi kami bagay sa isa't-isa." Biglang namutawi sa bibig ko na kinatingin ni Willy sa akin.

"Bakit mo naman nasabi iyan, Miss? Dahil ba mas matanda ka kay Yvan?" Hindi ako nagsalita sa tanong nito at tuloy -tuloy lang din sa paglakad. "Age doesn't matter naman pagdating sa pag-ibig. Ang mahalaga ay mahal niyo ang isa't-isa, diba Miss?" Patuloy nito na sinasabayan na ako sa paglakad.

Kahit anong iwas ko na walang may makakaalam ay hindi nangyari. Pilit kong nilalayo ang sarili ko kay Yvan pero ito naman ang lumalapit sa akin. Ang hirap pigilan ng damdamin ko.

"Dahil ayoko din masira ang image naming dalawa at lalong ayokong mapaalis sa CEDA Hunstman University. Noong bata pa ako ay pangarap ko na makapagturo doon, kaya eto ako and I'm thankful of that." Pagkwento ko na kay Willy, he's just listen and smiling at me.

"Kababata din naming 'yan si pre Yvan. Hindi talaga kaming tatlo mapaghihiwalay at kung saan ang isa ay doon din dapat ang dalawa. Si Rocky ay gusto nun maging pilot, ako gusto maging engineer, at dahil business course ang kinuha ni pre Yvan ay ayon, eto kami! Naging sunod-sunudan sa kaniya kahit kaibigan din nito ang mga anak ng Hunstman. Pero okay lang dahil ganun namin ka love si pre Yvan, e!"

Mahaba nitong salaysay at tumatawa pa ng mahina. Kaya nahahalata din nila ang namamagitan sa amin ni Yvan, dahil magkakabata pala silang tatlo. Mabuti naman at may mabuting kaibigan si Yvan.

"Hindi ba kayo nanghihinayang na ibang course ang kinuha niyo at hindi iyong mga pangarap niyo? Baka sa huli ay pagsisihan niyo iyon." Komento ko at patuloy lang din kami sa paghahanap ng tuyong saging, kung bakit kase maski isa ay wala ditong nakatayo sa dinadaanan namin. Medyo napalayo na nga kami.

"Hindi naman, kase pagkagraduate ko ay may naghihintay na sa aming trabaho—which is ang mga company namin. Natuwa nga ang mga magulang namin ni Rocky dahil may magmamanage na daw sa mga negosyo namin." Bawat sabihin nito ay tinatanguan ko naman.

"Mabuti naman at may purpose din pala ang pagkuha niyo ng course na ito. Huwag lang magbulakbol at tiyak gagraduate kayo ng maayos."

"Oo nga at saka hindi ko din makikilala si Sonia kung wala ako dito." I smiled at him, and I saw how his face became reddened. Umiwas din ito nang mahuli ang nanunukso kong ngiti. Ang cute ng lalaking ito.

"In love ka kay Sonia, no?" Nakita ko agad ang nahihiyang pagtango nito.

"Oo, kaso bad trip talaga ako sa babaeng iyon. Ewan ko ba kung bakit mainit ang dugo sa 'kin." 

"Huwag mo kaseng iniinis. Kaming mga babae kase madaling mainis, kahit biro lang iyon." Komento ko. Natigilan ako nang huminto ito sa paglalakad at may nanunuksong ngiti nang humarap ito sa akin.

"Kaya ba inis na inis ka din kay Yvan kapag tinotopak sa 'yo?" Tumaas-baba pa ang mga kilay nito. I just rolled my eyes before continue to walk, sumunod naman ito sa akin.

"Magkaibigan talaga kayo. Bilisan mo na nga ang paghahanap ng saging at baka inip na inip na sila sa kakahintay sa atin." Pag-iiba ko ng topic, baka kase saan pa ito mapunta.

"Oo kaya! Alam ko din ang ugali ni pre Yvan. Kaya alam ko din na seryoso siya sa iyo, Miss. Ngayon ko lang nakita na nagseryoso iyon sa babae. Ni minsan kase ay hindi iyon nagpapakita ng emosyon—pero nang dumating ka ay halos mabaliw iyon kung hindi ka makita. Ganoon ka kagusto ni Yvan—kaya lang itinakda na ng mga magulang nito ang kasal sa ibang babae—may ibang babae ng nakatakdang magpakasal sa kaniya at sa susunod—fuck! Nadulas ako!"

I was paused for how many minutes when a sudden hand tapped my shoulder, for me to blink and look at his direction.

"Miss, are you okay?" He asked with concerned on his face. Narinig ko pa ang bulong na pagmumura nito at ang pagsabunot nito sa kaniyang buhok.

"A-ayos lang ako. N-napagod 'yata ako sa paglalakad natin ng ilang minuto din. Ayon pala may saging akong nakita! Tara!" Nauna na akong lumakad papunta sa pinakadulo nitong daan na tinatahak namin nang mapansin ko dun ang tumpok na puno ng mga saging. Pero ang totoo ay ayokong makita ni Willy ang mukha ko na parang nagbabadya ang mga luha. Pakiramdam ko ay sumikip din ang dibdib ko, it's really hurt. "A-aray!.." Daing ko nang masagi sa nakausling sanga ang braso ko dahilan para mahiwa at dumugo iyon.

"Fuck! Miss! Ayos ka lang—"

"Filamrie!"

-MAYAMBAY-

Possessive Men #:3- Yvan's Possession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon