Chapter 44

8.3K 185 0
                                    

Filamrie's povs:

"A-ahh..." Daing ko at mabilis na sinapo ang noo ko na dumudugo pa din. Medyo malalim ang sugat na natamo ko kanina. "N-nasaan ako?"

Binalot ng takot ang dibdib ko, at muntik akong mapasigaw nang makita ko kung gaano kataas itong kinatitirikan ko. I've been bound.

Nakagapos paitaas ang dalawang kamay ko at ganun din ang mga binti ko dito sa hindi pa natatapos na bintana. Kaya kitang-kita ko kung gaano kataas itong kinalalagyan ko.

Nakauslit sa ibaba ang mga kabilya na hindi pa natapos at parang pinabayaan na, isang inabandonang building na ilang taon ng lumipas.

Natatanaw ko din mula dito ang malawak na patag at karagatan, tila'y itong building lamang ang nakatayo dito. Kung sisigaw ako para humingi ng tulong ay walang makakarinig.

"Y-yvan!.." I called his name, but I know that he couldn't heard me.

Nagising na lang ako kanina nang makarinig ng mga putukan sa labas. Akma naman akong lalabas para sana tingnan ang nangyari nang may pumukpok sa noo ko, dahilan para mawalan ako ng malay.

"Oh! Gising na pala ang panauhin natin!" Mula sa likod ko ay nakarinig ako ng pamilyar na boses.

"Bakit kase hindi pa natin 'yan tuluyan—isang tulak lang at tiyak wala ng sagabal na malandi sa inyo ni Yvan! Iyong-iyo na siya!"

"That's not the right time to kill her, Jell. Ipatitikim ko muna sa bitch na 'yan ang sakit na nararamdaman ko nung inagaw niya si Yvan!"

Nilingon ko ito at hindi nga ako nagkamali sa hinala ko. Kasunod pa nito ang babae na kausap ko noon sa comfort room ng university.

"T-thea! Pakawalan mo ako dito!" Pagpupumiglas ko pero napahinto din ng marealize ko kung nasaan ako.

Tumawa ang dalawang babae na para bang nasisiyahan ang mga ito. I felt danger on their laugh. And then Thea approached me with a sharp slap on my face. Dumaing ako sa kirot ng pisngi ko. Hindi pa ito nakontento at sinabunutan pa ang buhok ko na kinahiyaw ko sa sakit.

"Mang-aagaw! Kulang na kulang pa itong ginagawa ko sa pagkasira mo sa buhay ko. You know that Yvan is my life, and I can't live without him. At dahil inahas mo siya mula sa akin ay wala na ding silbi ang buhay ko! Papatayin kita!" Galit nitong sigaw.

Dumiin ang pagsabunot nito sa buhok ko na lalo kong kinahiyaw sa sakit.
Tumutusok ang matutulis nitong mga kuko na lalong dumagdag sa kirot ng ulo ko. Ramdam ko na dumudugo na ang mga sugat doon.

"Aahh! T-tama na please!.." Sigaw ko nang dumako ang matulis nitong kuko sa sugat sa noo ko.

Kasabay nun ang pagdaloy ng dugo patungo sa mukha ko. Nakangisi lang ito sa nakikita nito sa paghihirap ko.

"You're nothing but a whore! Kung hindi ko na makuha si Yvan ay ikaw na lang ang papatayin ko! Malandi ka! Papatayin kita!" Sabunot, kalmot at sampal ang ginagawa nito sa katawan ko kaya mas domoble ang kirot na pinapadanas nito sa akin.

Hiyaw at iyak na lang ang nagagawa ko. Nagpapasalamat pa ako na nakatali ako dito, kung hindi ay tiyak kanina pa ako bumagsak sa mga kabilyang nakauslit doon sa ibaba.

Y-yvan...

"Thea! Mapapatay kita oras na ituloy mo pa ang pananakit sa kaniya!" Bumulabog sa buong lugar ang isang mapanganib na sigaw.

The deep voice of a male that very familiar to me. Unti-unting dumilat ang mga mata ko at sa nanlalabong tingin ko ay hinanap ko ang nagmamay-ari noon. He was there.

"Y-yvan..." Sambit ko nang magtagpo ang aming mga mata. Nakita ko ang pag-igting ng panga nito at nais magwala nang may pumigil dito na isang lalaki na kaibigan din nito.

"I'll fucking kill you, bitch!" Galit na pagwawala nito habang may hawak na baril at nakatutok iyon sa pwesto ni Thea. Tumawa lang ito kay Yvan.

"Don't you dare, Yvan! — if you want this bitch alive!" Nagulat ako nang maglabas ito ng baril at mabilis na tinutok sa ulo ko.

"Fuck you!"

"Yes! Fuck me, Yvan!" Parang baliw na tumawa pa ito. "You know how much I love you. Kaya kung hindi lang naman kita makukuha ay mabuti pa na patayin ko na muna ang malanding ito!" Bumaha ang takot sa mukha ko nang marinig ko ang pagkasa nito sa baril.

"Y-yvan!.." Sambit ko at sa huling pagkakataon ay tumitig ako sa galit na galit niyang mukha pero puno ng takot at pangamba. "I love you..."

Kasabay ng pagpikit ko ay ang tunog na umalingawngaw sa buong lugar dahilan para mapahiyaw din ako. Narinig ko din ang malakas na sigaw ni Thea na kasabay nun ay mayroon na bumagsak sa gilid ko.

"Filamrie! Damn! I don't ever forgave myself if something happened to you!" Boses ni Yvan sa harap ko at naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin ng mahigpit.

Mabilis na bumukas ang mga mata ko at kita ko agad ang katawan ni Thea sa sahig na namimilipit habang hawak ang dumudugo nitong kaliwang balikat.

"Y-yvan... B-buhay ako!.." Nahihirapan kong sambit. Kumalas siya para tanggalin ang mga tali sa kamay at paa ko. Pagkatapos ay maingat niyang sinapo ang mukha ko.

"Y-yes. You're still alive, baby..." May nginig sa boses nito habang marahan na pinupunasan ng palad nito ang dugo sa mukha ko. Pero nahuhuli ko ang matalim nitong mga tingin. "Fuck!I want to kill that bitch!"

"H-huwag mong gawin iyan, Yvan! M-may batas na paparusa sa mga kasalanan at hindi sagot ang pagpatay doon. N-naiintindihan ko si Thea kung bakit niya ito ginawa sa akin..."

Hindi ito nagsalita at niyakap lang ako nito ng mahigpit. Damang-dama ko ang panginginig ng katawan nito, ganun din ang paggalaw ng mga ugat nito sa katawan.

He was restraining himself.

"Ah! Shit! Bitawan mo 'ko kundi ikaw ang papatayin ko!" Napakalas ako nang biglang humiyaw si Thea.

Nakita ko na kinakaladkad ito sa isa sa mga kaibigan ni Yvan, si Cane Hunstman 'yata ang pangalan nito.

"Pre, dadalhin na ba natin sa mental ang baliw na 'to?" Pagngisi nito sa nagwawalang si Thea.

"Wala akong pakialam sa babaeng 'yan—patayin mo kung gusto mo!"

"Y-yvan!" Mabilis ko agad siyang sinuway. Pero agad ko din nasapo ang ulo ko nang makaramdam ako ng hilo.

"Filamrie, are you okay—fuck!"

Huling narinig ko bago dumilim ang lahat sa akin.

-MAYAMBAY-

Possessive Men #:3- Yvan's Possession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon