Filamrie's povs:
"Yvan, halika ka na umalis na tayo dito!" Muli kong sabi nang hindi ito nagpatinag sa sinabi ko, hawak ko ang braso nito at pilit siyang hilahin pero matigas ang ulo nito. Nakangisi lang ito sa akin ng kakaiba.
"Takot ka ba na mawala ako?" Tanong nito na agad ko naman kinatango.
"Oo. Malaking konsensya iyon sa akin kung mapahamak ka dito dahil reaponsibilidad kita bilang student ko." Natigilan ito at lumukot ang mukha sa sinabi ko. Tiim- bagang na gumalaw ang panga nito.
"Student lang ba ang tingin mo sa 'kin matapos ang nangyari sa ating dalawa?" He's now in his serious mood. Nagawa pa niyang sabihin iyon habang nanganganib na nga ang buhay namin. Pero kita ko ang mga mata nito na puno ng galit, hindi ko alam kung sa akin o sa narinig nito. Pero sa akin dahil sinabi ko iyon.
"Iyon naman ang totoo. Student kita at teacher mo ako. A-ang nangyari sa ating dalawa ay isang kamalian. Hindi dapat nangyari iyon." Mahina kong sabi bago umiwas ng tingin, pero nakita ko pa ang pagkuyom ng mga palad nito at paggalaw ng bagang.
Narinig ko naman ang marahas nitong paghinga at saka tinulak ako ng mahina, dahilan para mapatingin ako sa kaniya, pero ang mga tingin nito ay nasa tatlong lalaki pa din.
"Magtago ka." Utos nito na walang kabuhay -buhay. Pakiramdam ko ay sumikip itong dibdib ko sa malamig nitong trato. Alam ko na dahil iyon sa sinabi ko, labag din sa loob ko ang sinabi ko pero hindi maaari na magkaroon kami ng relasyon.
Alam ko na may pagtingin na din ako sa kaniya pero pinangungunahan ako ng takot ko at pangamba. Baka kung mas maaga na sabihin ko ito sa kaniya na hindi kami pwede ay layuan niya ako at mawawala lang iyong nararamdaman nito para sa akin—mawawala din itong nararamdaman ko sa kaniya. Kaya tama lang na sinabi ko iyon.
"Oo. Mag-iingat ka." Pagtango ko kahit hindi naman ako nito nakikita.
Pumunta ako sa mataas na puntod para doon magtago, pero kita ko pa din ang kinaroroonan nila. Nakita ko na naglabas ng isang stick ng yosi si Yvan at balewalang sinindihan iyon. Bumuga ito ng usok sa harap ng tatlo, na pawang nakangisi pa din.
"Pagnamatay ka dito— sa amin na ang chickababe mo, pare!" Sambit nung lalaking may hawak na droga, he's still sniffing it as if it was like a sweet scented perfume. Nagsitawan ang tatlo at nagsi-apiran pa.
"Tiyak ngingisay iyon sa sarap!" The other guy said in front of Yvan. Muli na naman silang nagtawanan.
"Mga gago! Kayo ang ngingisay sa hukay na paglilibingan ko sa katawan niyo!" Galit na saad ni Yvan at mabilis na tinapon ang yosi nito bago mabilis na suntukin ang lalaki sa harapan nito, kasunod nitong sinuntok ang dalawa pa na sapol sa mga mukha.
"Gago ka! Tingnan natin ang tapang mo!" Galit na sigaw nung lalaking una niyang sinuntok bago ito may hinugot sa gilid nito, isang kutsilyo.
Napatakip ako ng bibig at hindi mapakali sa kinatatayuan ko dahil sa takot na may mangyaring masama kay Yvan. Gusto ko siyang tulungan pero wala akong kakayahan laban sa tatlong mga addict na iyon.
Sumugod ang lalaki at akmang sasaksakin si Yvan nang maiwasan nito. Naunahan ni Yvan na suntukin ito sa mukha pagkatapos ay sipain sa tiyan nito dahilan para dumaing sa sakit at matumba sa lupa. Lumuhod ito sa lalaki at kinuha ang kutsilyo nito pagkatapos ay iniuma nito sa leeg ng lalaki.
"Dito ka na 'yata ililibing, gago ka. Ikaw ngayon ang ngingisay sa kamatayan mo." Napasinghap ako nang makitang idiniin nito ang kutsilyo dahilan para dumugo iyon at mapasigaw ang lalaki. Bigla na lang din tumakbo ang dalawang kasamahan ng lalaki at iniwan ito.
"P-pre... M-maawa ka gusto ko pang mabuhay!" The man beg mercy for his life, but on how Yvan's eyes looking at the man, he has no mercy for him.
Kaya sa takot ko na makapatay siya ay mabilis akong tumakbo sa pwesto nila. Ayokong makapatay siya ng tao nang dahil sa galit ito
"Yyvan! huwag mo siyang patayin, please!" Sambit ko habang nakatingin sa kaniya ng may pagmamakaawa.
But he's just stared at me with his cold eyes, as if he doesn't want to listen to me. Walang emosyon ang mga mata nitong nakatitig sa akin.
"Pabayaan mo ako sa gusto kong gawin sa tarantadong ito. Binastos ka niya kaya papatayin ko 'to." Kahit boses nito ay napakalamig. Mas lalo pa nitong idiniin ang kutsilyo sa leeg nung lalaki na kinadaing nito.
"Pabayaan mo na lang siya—umalis na tayo dito, Yvan! Ayokong pumatay ka ng tao!" Namumuo na ang mga luha sa mata ko habang nakikiusap sa kaniya, pero nakita ko lang ang pagngisi nito ng nakakaloko bago nito hinawakan ang panga ko ng medyo may diin, na siyang kinakislot ko.
"Wala ka pa sa buhay ko ginagawa ko na ito, kaya huwag mo akong sabihan sa gagawin ko. Umalis ka sa harapan ko bago pa ikaw ang masaktan ko." His sharp words broke my heart.
Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa sinabi nito. Harapan ang malamig nitong pinapakita sa akin. Tinulak niya ako at binalingan nito ang lalaki kaya buong lakas kong kinuha ang kamay nito para itutok sa katawan ko ang kutsilyo na hawak nito. Nagulat ito sa ginawa ko kaya nabitawan nito pero dumaplis sa braso ko ang kutsilyo dahilan para humiwa iyon at dumugo. Dumako ang tingin niya doon nang magsalita ako.
"Galit ka sa akin, diba? Kung galit ka huwag kang mandamay ng iba—nandito naman ako sa harap mo kaya sa akin mo ituon ang galit mo!"
Medyo tumaas ang boses ko at kasabay noon ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko alintana ang dumudugo kong braso pero itong dibdib ko ay sumisikip sa kirot dulot nito, nasasaktan ako sa trato nito.
"F-filamrie—"Paglamlam ng mga mata nito at akma akong lalapitan, pero mabilis na akong tumakbo.
Agad na pumara ako sa napadaang taxi at mabilis na sumakay doon, sakto naman na napalingon ako sa kaniya na hinahabol ako. Tumigil ito at tiim- bagang na nakatitig sa sinasakyan ko.
Napasandal ako sa upuan habang hawak ang dibdib kong kumikislot, sumisikip ito at parang hindi ako makahinga habang lumuluha ako.
"A-ang sakit mong magsalita, Yvan..."
-MAYAMBAY-
BINABASA MO ANG
Possessive Men #:3- Yvan's Possession
General FictionOn her first day of school, Filamrie got bullied by her male student named, Yvan Wayne Suarez. But what if he do that just to get her attention, whether she like it or not? And there's also a mysterious guy wearing a black cap who was assaulted her...