Chapter 34

8.3K 163 0
                                    

Filamrie's povs:

"Miss, parang blooming ka ngayon ah! Ano, may nangyari na ba sa inyo ni Yvan?" Muntik ko ng maibuga ang juice na iniinom ko, pero napaubo pa din ako sa pagkagimbal ko galing sa sinabi na iyon ni Lucy.

"Tissue, Miss." Inabot ko ang tissue kay Sonia bago ako nagpunas ng labi ko. Nag-iwas ako ng tingin dahil nakatitig pa din sila sa akin. Hindi naman ako makatingin sa kanila ng diretso. Inaya nila kase akong maglunch dito sa labas kaya sumama naman ako, dahil pala may interogasyon na magaganap.

"A-ah—"

"Huwag mo ng sagutin kung nahihiya ka, Miss. Ganyan talaga ang mga first timer. Nung first experience ko nga katulad din sa 'yo ang nararamdaman ko pero pag tumagal na ay masasanay ka din. Hahanap-hanapin mo pa ang kaligayahan na hatid nun!" Mahinang sabi ni Lucy at saka tumitili pa, na para bang kinikilig ito.

Halos mapatalukbong na naman ako sa sobrang pagkailang sa kanilang dalawa, dahil nahahalata na nila ang nangyari sa amin ni Yvan.

Patingin-tingin pa nga sila sa bandang leeg ko na parang may hinahanap at kung hindi ako nakasuot ng turtle neck na damit ay nakita na nila ang mga pulang marka sa leeg ko.

"Walang hiya ka talaga babae, noh? Ang boyfriend mo bang si Rocky ang first experience mo na 'yan?" Tanong ni Sonia at mukhang interesado pa ito sa personal na bagay na iyon.

"Yup! Ikalimang boyfriend ko na si Rocky pero sa kaniya ko lang talaga inisuko ang perlas ko. Ilang beses na ngang may nangyayari sa amin pero gumagamit naman ako ng pills para iwas preggy dahil nag-aaral pa kami." Nakangiting tugon naman ni Lucy.

She was smiling like she's imagining something that related to this topic. Nakikita ko kung paano kuminang ang mga mata nito habang binabanggit nito si Rocky.

"Buti naman girl hindi ka nalolosyang sa araw-araw na pagkalabit sa 'yo ni Rocky? Diba masama din sa katawan kung araw-araw kayong magsesex?" Curious pa na tanong ni Sonia. Habang ako ay nakikinig na lang sa kanilang dalawa at mabagal na kinakain ang pagkain ko.

Pero ang isip ko ay okupado sa nangyari kagabi sa amin ni Yvan. Kahit nananakit pa ang buong katawan ko ay pinilit ko pa din na pumasok ngayon. Ayoko naman kase mag-absent kahit sinabihan na ako ni Yvan na huwag na lang daw pumasok, pero tumanggi ako. Pinauna ko na siyang umalis kanina kahit gusto niya na sabay pa kaming pumunta dito.

Hindi pwede na makita kaming magkasama at malaman pa nila na may affair kaming dalawa. Hindi ko gusto na pareho kaming mapatalsik dito kapag natuklasan na may relasyon kaming dalawa ni Yvan.

"Hindi naman ako tinatablan ng mga ganyan, eh. Siyempre alagang-alaga pa din ako sa kalusugan ko at bawas stress din naman ang pagsesex. Ikaw ba beshy, si Willy din ba ang first experience mo, ha?" Balik na tanong naman ni Lucy sa best friend nito. Taas at baba pa ang kilay nito.

Nakita namin ang pag-iwas ng mukha ni Sonia at namumula pa ang mga pisngi nito. Lalo tuloy lumapad ang mapanuksong ngisi ni Lucy.

"Buti naman sa mga boyfriend natin isinuko ang perlas ng silangan! Congratulations to us, girls!" Patuloy na kantiyaw ni Lucy, nagkatinginan kami ni Sonia at sabay na umiling pero napangiti na lang din.

Pero ilang sandali ay umayos ako ng upo at saka tinitigan sila ng seryoso. Tumaas ang kilay ni Lucy na kinahinga ko ng malalim.

"P-please... Don't tell the others about my relationship with Yvan. Kaibigan ko na din kayo at magaan ang loob ko sa inyo kaya sa inyo ko lang pinakita itong nararamdaman ko. Alam ko din na nahahalata niyo ang namamagitan sa aming dalawa." Mahina kong sabi na kinatango naman nila.

Pareho nilang hinawakan ang magkabilang kamay ko at pinisil iyon ng mahina. Naging seryoso na din ang mga mukha nila at walang bahid ng kaplastikan doon.

"Of course naman, beshy!" Si Lucy.

"Ligtas ang sekreto mo sa amin, beshy?" Napakurap ako sa sinabi nilang dalawa. "From now on, we're best friends forever!" Saad muli ni Sonia. Napangiti ako at saka tumango sa kanilang dalawa.

"Salamat sa inyong dalawa."

Pagkatapos ng lunchbreak ay bumalik na din kami ng campus. Humiwalay na ako sa kanilang dalawa at tinungo ang sunod kong klase. Naglalakad ako sa hallway nang biglang may humila sa akin. Akma akong papalag nang manuot sa aking pandama ang familiar na mens cologne.

Napalingon na ako at kita ko nga na hinihila ako ni Yvan patungo sa likod ng isang bakanteng silid. Tumigil kami at saka hinarap niya ako, napapitlag ako sa bigla niyang pagyakap sa akin.

"I miss you. Sana hindi na tayo pumasok kanina at manatili na lang sa bahay." Mahina nitong bulong sa malalim na boses. Kaya eto na naman sa rumaragasang pagtibok ang puso ko. Tiyak dama nito ang tibok nun dahil damang-dama ko ang tibok ng puso nito. Napapikit tuloy ako.

"Y-yvan... Baka may makakita sa atin dito. Bumalik ka na sa klase mo." Kumalas ako at hinarap ito.

Namumungay na naman ang golden eyes nito, habang nakahawak pa din ito sa beywang ko. Napalingon ako sa paligid at saka sinamaan ito ng tingin.

"What? Gusto lang naman kitang makita, masama ba na makita ang girlfriend kong masakit pa ang katawan?" Namunukso na pagngiti nito. Tinampal ko ang balikat nito at lalong pinandilatan ito ng masama.

Jusko!.. Pinaalala na naman nito kung ilang beses niya akong ginalaw kagabi at kaninang madaling araw, sa iba't-ibang posisyon... Nakakahiya...

"H-hindi ka talaga nag-iingat. Umalis ka na bago pa may makakita sa atin dito." Galit-galitan kong sabi para umalis na ito.

Pero mas hinapit pa niya ako na kinasinghap ko at mabilis pa nitong hinuli ang labi ko. Akala ko mabilis lang pero naging malalim na ang halik nito kaya tinulak ko na siya.

"Hihintayin kita mamaya—don't worry you'll be safe. Kahit hindi naman kailangan na itago itong relasyon natin. I'm proud to say that you're my girlfriend, Filamrie." Titig na titig siya sa mga mata ko.

Pinagsiklop pa nito ang palad namin habang ang isang kamay nito ay humahaplos sa pisngi ko. Mainit ang palad nito na nagbibigay kalma sa aking pakiramdam. Kung sana nga na hindi mali itong pagmamahalan namin ay masaya din ako na ipakilala siya bilang boyfriend ko.

"Yvan. A-alam mong hindi pwede itong relasyon natin bilang teacher at student dito sa loob ng university."

"I know. But there's a way to that problem, baby." Pagngisi nito.

-MAYAMBAY-

Possessive Men #:3- Yvan's Possession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon