Filamrie's povs:
"Pre, anong nangyari kay Yvan? Bakit hindi pumasok ngayon?" Napahinto ako sa ginagawa ko nang marinig iyon mula sa kaibigan nitong si Rocky.
Napadaan sila sa harap ko at katatapos lang ng aming klase, and Yvan was absent today. Nagtataka din ako kung bakit hindi ito pumasok—pero malakas ang kutob ko na dahil iyon sa nangyari kagabi.
"Hindi ko nga alam, pre. Himala nga kung bakit wala iyon dahil hindi naman nito ugali na mag-absent. Excited pa nga ang gagong iyon na pumasok araw-araw." Tugon dito ni Willy habang nasa labas na sila ng pinto, saglit pa akong nilingon ng dalawa na agad ko naman kinaiwas.
Inayos ko na ang gamit ko bago lumabas ng silid pero napahinto ako nang bumungad sa akin si Gino, na parang hinihintay ako. He's wearing his signature smile on me.
"Sir Gino. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Nakangiti nga ito pero sumimangot din na kinataka ko.
"Masyado ka naman formal ngayon, Filamrie. Diba sabi ko wala ng sir kung tayong dalawa lang?" Kunyari na tampong sabi nito.
"Ah, I'm sorry." Tanging nasabi ko. Nakita ko tuloy ang pagtataka sa mukha nito.
"Hey, are you okay? Masama ba ang pakiramdam mo?" He asked, and the same questions asked by Sonia and Lucy earlier. Napansin pala nila ang pananamlay ko dahil siguro sa hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. My mind occupied with what happened between Yvan and me.
"Oo, medyo masama lang ang pakiramdam ko." Marahan kong pagngiti na siyang kinailing nito.
"Hindi ka na sana pumasok at nagpahinga na lang sa bahay niyo. Gusto mo bang ipaalam kita sa dean ng makauwi ka at—"
"Huwag na, Gino. Kaya ko pa naman ang sarili ko, iinom na lang ako ng gamot after ng lunch—tara na?" Pagpigil ko dito. Tinitigan lang ako nito ng ilang minuto bago ito napabuntong -hininga. I saw his face worried at me.
"If that's what you want. Let's go." He nodded and for me to do the same.
PINILIT ko na lang ang sarili ko na magturo kahit medyo masama nga ang pakiramdam ko, it's maybe because lack of sleep, sumasakit na din ang ulo ko kakaisip sa nangyari sa amin ni Yvan at kung bakit wala siya ngayon sa klase niya.
Hanggang sa pag-uwi ko ay dala -dala ko ang mga isiping iyon. Pagod na dumiretso ako sa kwarto ko at saglit naupo sa kama ko upang hilutin itong nananakit kong ulo. Thinking of him make me stress to the core.
"N-naging marahas ba ako sa kaniya? Dinamdam ba niya na hindi kami pwede sa isa't-isa? Nasaktan ko ba siya ng husto?" Mahina kong bulong habang nakatitig sa kisame ko.
Naiimagine ko ang mukha niya doon, his golden eyes staring at me with no emotions, his cold eyes that hurting me. I know he was angry at me.
Nahiga ako sa kama ko at sa pagod kong utak ay nakatulog agad ako. Pagmulat ng mga mata ko ay madilim na sa labas. Pasado alas dos na ng madaling araw sa wall clock ko. Napabangon ako nang bigla akong makaramdam ng kaloskos sa labas ng kwarto ko, umahon agad ang kaba sa dibdib ko.
Nilooban ba ako ng magnanakaw o halang ang mga kaluluwa?
Oh, Lord... Please, help me.
Taimtim kong panalangin at bigla akong napatayo nang gumalaw ang lock ng seradura ko. Sobra ang takot ko dahil nakaligtaan kong ilock iyon sa sobrang pagod ko. Tumahip na din ang malakas na papintig ng dibdib ko dahil sa takot. Madilim ang silid ko dahil naka-off pa ang ilaw ko, pero may konting liwanag na nangagaling sa bintana ko mula sa buwan sa labas.
I need to protect myself!
Lakas loob na tumayo ako at mabilis kong kinuha ang ballpen ko, in case I have to defend of myself on that robber. Bago pa man ito tuluyan makapasok dito sa silid ko ay inabangan ko na ito sa gilid ng pinto.
I'm afraid and I don't know if that person have a companion, but still I have to protect myself. Sobrang diin ng pagkakahawak ko sa ballpen nang umawang ng konti ang pinto ko, kasunod noon ang isang sapatos na humakbang papasok hanggang sa masilayan ko ang bulto ng isang lalaki, and his built is very familiar to me.
"Y-yvan?" Gulat kong tanong at agad naibaba ang kamay kong may ballpen sa akma kong pagtusok dito.
"F-filamrie... baby!.." He said it with a ragged on his tone, and I smell liquor on his mouth, he was drunk. Kahit hindi ko maaninag ng husto ang mukha nito ay alam kong nakangisi naman ito sa akin.
"Bakit ka ba nagpakalasing? Nagawa mo pang pumunta dito na lasing ka at buti naman hindi ka napahamak sa pagmamaneho mo?" May pag-aalala at konting inis sa boses ko bago ko ito alalayan sa paghakbang nito, pasuray-suray kase ang lakad nito at parang matutumba pa.
Nilagay ko ang braso nito sa balikat ko habang ang isa ay sa beywang ko habang inaalalayan ko ito papuntang kama, medyo mabigat pa naman ang weight nito kompara sa akin.
"G-galit ako!.. at g-gusto ko pa nga u-uminom e!" Saad pa nito sa lasing na boses. Nang makarating sa kama ko ay pinaupo ko ito at napasinghap na lang ako nang humiga ito bigla, kaya dahil sa hawak ko ito ay napasama ako at natumba sa ibabaw nito. I saw his eyes staring at me with languidness inside of it, while he was smirking at me in his drunken state.
Sobrang lapit ng mukha namin at langhap ko ng husto ang mainit na amoy alak niyang hininga, but still the smell of his cologne superseding inside my room, nakakaakit iyon.
"Y-yvan—hmp!" I was shocked when his lips abruptly kissed me. Sa halik nito na medyo may diin at parang nagpaparusa ang halik nito. I was confessing to myself that I miss him so much, kahit isang araw ko lang siyang hindi nakita ay para bang isang taon na iyon sakin. And I confessed that I do like him so much.
"You are mine, Filamrie."
-MAYAMBAY-
BINABASA MO ANG
Possessive Men #:3- Yvan's Possession
General FictionOn her first day of school, Filamrie got bullied by her male student named, Yvan Wayne Suarez. But what if he do that just to get her attention, whether she like it or not? And there's also a mysterious guy wearing a black cap who was assaulted her...