Chapter 23

8.2K 182 3
                                    

Yvan's povs:

"Bitawan mo nga ako!" Mabilis niyang tinapal ang kamay ko na akmang titingin sa braso nitong dumudugo, bago ito tumakbo ng mabilis.

"Anong nangyari?" Masama kong binalingan si Willy na mabilis umiwas ng tingin sa 'kin. Kumunot ang noo ko sa inasta nito bago ito kinwelyuhan.
"Anong ginawa mo?" Galit kong tanong, I don't mind if his my friend. I could kill him if he hurt my woman. Damn it! I can kill him easily.

"S-sorry, pre! Nagkukwentuhan lang kase kami hanggang nasabi ko ang tungkol sa pagpapakasal mo!" Gumalaw ang bagang ko at marahas itong binitawan.

"Potangina! Gago ka talaga, Willy! Inunahan mo pa ako sa bagay na 'yon!" Galit na kumuyom ang mga kamao ko.

"Sorry talaga, pre! Ito kaseng matabilas kong bibig—dapat dito sinusuntok, e!" Mabilis ko na itong tinulak sa akma nitong pagsuntok sa bibig nito. Tsk. Gago talaga.

"Kumuha ka na ng dahon at tapusin mo ang naiwan doon. Hahanapin ko lang si Filamrie." Iniwan ko na ito at mabilis din na tumakbo kung saan ang tinakbuhan ni Filamrie. Fuck! Kita ko sa mga mata nito kanina ang pagkamuhi sa 'kin.

"Filamrie! Damn it! Nasaan ka!" Sigaw ko habang sinusuyod ng tingin ang paligid. Alam ko na dito siya tumakbo. "Filamrie! Nasaan ka! Susunugin ko 'tong gubat kung hindi ka pa lalabas!"

Natigilan ako nang bigla siyang lumabas mula sa madabong na halamanan, at sumalubong agad sa 'kin ang nanlilisik niyang mga mata, kita ko din ang pamumula noon na kakagaling lang sa pag-iyak. Para akong sinaksak ng makita iyon.

"Ganya ka ba talaga? Dinadaan sa dahas makuha lang ang gusto?" Pati boses niya ay isang patalim din para sa 'kin. Malamig at walang emosyon.

"Filamrie, let me explain—"

"Bakit ka naman mag-eexplain sa akin, ano ba kita?" Natawa ito ng walang kabuhay-buhay.

"Hindi ko gusto ang kasunduang iyon at walang kasal na magaganap, dahil isang babae lang ang pakakasalan ko." Mariin kong tinitigan ang mga mata nito pero umiwas ito ng mukha.

"Wala akong pakialam kung sino ang pakakasalan mo. Basta sa oras na ito ay huwag na huwag mo na akong lalapitan. There's nothing between us, so you shouldn't explain... Just forget what happened on us—na hindi dapat nangyari!" Doon ay tuluyan na niyang sinaksak ang pagkatao ko.

Akma ko siyang lalapitan nang tumakbo na naman siya pabalik sa camping site. Kumuyom ang mga kamao ko bago bumuga ng marahas.

"Filamrie!" Tumakbo ako para habulin ito pero hindi ko na siya nahabol pa nang mawala na ito sa paningin ko. Nais kong mapangiti sa kakayahan nitong tumakbo pero hindi ko magawa. Galit talaga siya sa akin. Damn it! Lumakad na lang ako papunta doon sa area habang may madilim na mukha.

"Oh, ayan na pala si Yvan!" Bulalas ni Loida at hindi ko naman ito pinansin habang kumunot ang noo ko.

"Nasaan si Filamrie?" Wala akong pakialam kung napasinghap man ang babaeng kaharap ko. Tumingin ako ng masama kay Willy, hindi ito makatingin at nagsenyasan lang silang dalawa ni Sonia. 'Willy!"

"Kasama ni Sir Gino! Nakita kase nito ang sugat sa braso ni Miss, kaya ayon hinila nito para gamotin!" Napatakbo ito nang akma kong hahablutin. Gumalaw ng marahas ang bagang ko.

"She's here." Sinuyod ko ang tingin ni Sonia. Bumungad sa mga mata ko ang dalawa, alalay ni Gino si Filamrie na kinadilim ng mukha ko. Akma ko silang lalapitan nang matigilan ako.

"Mr. Suarez, please continue of your activity work. I'll just assist Miss Nietes, because she's not feeling well."

"It's okay, Sir Gino. Kaya ko naman ang sarili ko at kailangan na matapos itong ginagawa namin... as a team." Gusto kong sumuntok ng mukha nang hawakan ni Filamrie ang kamay ng tarantadong lalaking 'yon. Fuck! Filamrie is mine. Ako lang dapat ang humahawak sa kaniya! Damn it!

"Sigurado ka na kaya mo? Pwede kang mag-excuse sa activity at magpahinga kung masama ang pakiramdam mo."
Ako ang dahilan kung bakit masama ang pakiramdam niya, at habang nakikita ko siyang nakangiti sa lalaking 'yon ay nais kong magwala. Para dapat sa akin ang ngiting iyon.

"Oo. Bumalik ka na din sa mga teammates mo at baka hinahanap ka na nila. Thank you." Mabuti naman at lumayas na ang gagong 'yon at baka kung lumagpas na ito ay kanina ko pa sinapak. Iwas na iwas naman ang tingin sa akin ni Filamrie. Alam kong nakakahalata na ang kasama namin sa tensyong namamagitan sa aming dalawa, wala akong pakialam kung anong isipin nila. Ang mahalaga sa akin ay mag-usap kaming dalawa ng maayos, hindi ako mapakali kung may galit siya sa 'kin.

Wala kaming kibuan hanggang sa matapos itong ginagawa naming kama na gawa sa kawayan. Pinakinis ito ng dahon ng saging kaya mas lalong kumintab ang binalatan na kawayan. Nilagyan din nila ng unan at kumot para magmukhang higaan na. Sa tabi nito ay isang side table na maliit at pinatungan ng mga libro at flower vase.

"Times up, everybody! Finished or not finish, let us witness who's the winner among you all and who's have the best teammates for your creativity product today!" Excited ang lahat sa kung sino ang mananalo, habang ako ay abala sa katititig sa kaniya na sadyang iniiwas ang tingin sa 'kin.

"I hope we win. Maganda kaya ang gawa natin. Nag-effort pa naman ng todo si Yvan para maging ganito ang finished product natin! Super galing niya diba?" Kung si Filamrie ang nagsabi niyan mas matutuwa ako.

"Sana nga, Loida. Dahil maganda din naman ang finished product ng ibang teams."

"Babe, wala ka 'yatang tiwala sa kakayahan ni pre Yvan ah! Lahat kayang gawin ng kaibigan kong 'to!"

"Sus! Kaya din magpaiyak ng babae?"

"Sshh!.. ano ka ba, tumahimik ka nga."

"Bitawan mo nga ako! Pareho lang naman kayong manloloko! Lumayo ka nga sa akin at baka ikaw ang masampulan ko, Willy!"

"Babe, naman! Good guy kaya ako at saka ikaw lang naman ang laman nitong puso ko! I love you!"

"Love mo mukha mo! Tarantado!"

"Here we go, Ladies and Gentlemen! After we checked all of the finished products you made, we chose only one that passed the standard we looking for, not just the creativity of their product but most importantly is their teamwork. So! The best teams for their creativity goes to— team of Sir. Gino!"

-MAYAMBAY-

Possessive Men #:3- Yvan's Possession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon