Chapter 27

7.6K 170 0
                                    

Filamrie's povs:

"A-ang malas naman... Bakit ba kase umulan..." Parang maiiyak na ang boses ko habang nakisiksik dito sa isang sulok upang hindi ako mabasa ng tumatalsik na tubig. Bigla na lang kase umulan ng malakas.

Napatingin ako sa wristwatch at pasado alas niebe na ng gabi nang matapos ako. Nag-overtime kase akong gumawa ng mga examination sheets sa computer room para sa pagsusulit bukas, wala naman kase akong computer sa apartment ko.

Kaya heto at naabutan na ng gabi tapos umuulan pa, eh kanina pa akong naghihintay ng masasakyan pero wala talagang may napadaan na jeep o taxi man lang sana.

Kaliwa't- kanan ang tingin ko sa paligid para mag-abang pa din ng masasakyan nang bigla kong mapansin ang tatlong lalaki na parang sa direksyon ko ang punta. Ang mga damit nila ay basa na sa ulan kaya siguro ay makikisilong din dito sa waiting shed.

Nang makarating na sila dito sa loob ay bigla akong nakaramdam ng kaba nang mapansin na parang namumula ang mga mata nila. Nang mapatingin sila sa akin ay ngumisi ang mga ito, they're smirking at me as if they want something from me.

"Hi, Miss! Nag-iisa ka?" Tanong sa akin ng kalbong lalaki. Malaki ang katawan nito kaya malaki din ang suot na t-shirt at kupasin na pantalon.

"A-ah... M-may hinihintay kase ako!" Pagsisinungaling ko na kahit papaano ay alam nilang may hinihintay ako, kahit nais ko ng mapaupo sa kaba.

"Boyfriend?" Tanong ng lalaki sa gitna na siyang pinakamatangkad sa kanilang tatlo. Nakapolo naman ito at nakashort lang habang nakatsinelas. He was holding a box of cigarette that was already opened.

"Oo." Mahinang pagtugon ko na tumango-tango pa, nagkatinginan silang tatlo at lumapad pa ang pagkakangisi. Kinilabutan ako habang dumiin ang kapit ko sa aking bag.

"Kanina ka pa ba? Bakit wala pa ang boyfriend mo? Sa ganda mong 'yan ay hahayaan niyang maghintay? Tss! Kung ako ang boyfriend mo ay hindi iyan mangyayari!" Nakakalokong ngisi naman ng ikatlong lalaki at harapan pang hinagod ang katawan ko bago ito napalabi. Payat ito at may mga butas na ang suot na damit.

Todo kabog na ang dibdib ko sa takot at pangamba. Nag-iisa lamang ako laban sa kanila kaya kung nais nila akong gawan ng masama ay hindi ako makakalaban.

And worst of that, after they raped me was to killed my body and thrown it to the abandoned place, or they will cement my body before throwing to the sea, or they just dump my body on the sink so that no one can know where my body parts are— kase magiging buto na lang ako at hindi malalaman ng kung sino ang pagkatao ko — iyon naman kase ang nakikita ko sa mga balita sa television.

Jusko!.. kung ano-ano na itong iniisip kong hindi maganda... kaya eto at kinikilabutan na ako sa takot.

"Sa amin ka na lang sumama, Miss! Tiyak mag-eenjoy ka pa!" Ngising saad ng lalaki sa gitna at nagkatinginan pa sila, na para bang may kalokohan na naiisip sa mga utak nila.

"A-aalis na ako." Akma akong dadaan sa gilid nang harangan ng lalaking payatot ang dadaanan ko. Akma din ako nitong hahawakan nang umilag ako at napaatras sa likuran. Ngumisi silang tatlo na parang nauulol habang pinapasadahan ng titig ang katawan ko. Nakakatakot ang mga itsura nila.

Nandito pa naman ako sa ikalawang waiting shed na malayo sa school, dahil sa tagal ng pag-abang ko sa unang waiting shed ay napunta ako dito para mag-abang, kaya hindi ako makakahingi ng tulong sa mga night shift guards. Sa lakas ng ulan ay wala ng may dumadaan na mga sasakyan dito, medyo madilim pa naman dito.

Kung bakit kase umalis pa ako doon sa unang waiting shed, eh! Kaya ngayon nanganganib ang  buhay ko.

"Mag-iinit muna tayo bago ka umalis, Miss! Tingnan mo naman at umuulan kaya malamig." Sabi muli ng lalaki sa gitna at unti -unting humahakbang sa akin, napaatras naman ako pero bigla akong napaupo sa naatrasan ko.

"P-please... don't do this... maawa kayo sa akin!" Garalgal na ang boses ko sa takot at kawalan ng pag-asa habang yakap ko ng mahigpit ang bag ko.

"Pakipot ka pa, Miss eh! Mag-eenjoy ka din mamaya!" Napapikit ako nang akma nitong hahawakan ang braso ko nang pareho kaming makarinig ng boses.

"Don't you dare to touch her." A deep and baritone voice superseding the area, and that voice is very familiar with me. Bigla kong naimulat ang mga mata at doon ay nakasalubong ko ang matiim niyang mga mata.

He was fully wet. Basang -basa ang mint green niyang polo at lantad ang puti niyang sando sa nakabukas na tatlong butones at nakalitaw na iyon sa basa niyang uniform. Ganoon din ang slacks niya at leather shoes. At kahit basa ang medyo magulo niyang buhok ay nakakaakit pa din siyang pagmasdan na parang bagong paligo lang. Kay gwapo pa din niya tingnan.

Nagawa mo pa talagang humanga sa mahal mo kahit nanganganib na kayo, ha Filamrie?

Suway ko sa aking sarili. Bumaling si Yvan sa tatlong lalaki at parang tamad na tiningnan ang mga ito. Parang hindi ito takot sa kanila at nakangisi pa nga na kinakurap ko.

"Ikaw ba ang boyfriend nitong si Miss, bata?" Tanong nung lalaki sa gitna at hinagod pa ang kabuuan ni Yvan.

His left brow risen as he heard those words before his golden eyes stared at me and smirk. Agad naman akong napaiwas ng tingin dahil sa hiya at uminit pa itong mga pisngi ko. Kung bakit naman kase umoo pa ako. Kung sana iba na lang ang sinabi ko.

Teka, bakit nga pala siya nandito? Hindi ba niya kasama ang future wife niya? Gabi na ah, kanina pa ang uwian nila at hindi naman nito siguro iiwan ang wifey nito?

"Yes. So don't touch her with your dirty hands." Madilim na awra ang nakabalot sa pagkatao nito. He was seriously gazing at them at not afraid of their presence—but his dark aura superseding the area, katulad ng panggabing ulan na ito.

"Aba't! Tarantado palang bata ito, ah!"

-MAYAMBAY-

Possessive Men #:3- Yvan's Possession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon