Chapter 42

8K 186 0
                                    

Filamrie's povs:

"I-im sorry po, Tita..." Garalgal ang boses ko pero pinipigilan kong mapaiyak sa harap ni Tita Hilda.

"Aaminin kong nadismaya ako sa ginawa mo, Hija." Pagkuha nito sa mga palad ko at pinisil iyon. "Pero naiintindihan ko din ang iyong nararamdaman. Hindi din naman natin maiwasan na tumibok ang puso natin, diba?" Magaan na sabi nito.

"Mahal ko po si Yvan kaya kahit mali ay ginawa ko pa din. Kahit anong pigil ko na iwasan ito ay mas lalo pa akong nahulog sa kaniya. Patawad po, Tita.."
Tuluyan na akong napaiyak at mabilis naman akong niyakap ni Tita.

Dito ako dumiretso sa kaniya matapos kong makuha ang mga gamit ko na inihatid ni Yvan sa kaniyang kotse. Hindi din naiwasan kanina ang mga bulung-bulungan sa akin ng lahat. Nasasaktan ako sa bawat panlalait nila sa akin, sa mga masasakit nilang salita na isa daw akong kahihiyan.

"Sshh... Magiging maayos ang lahat ng ito, Hija. Hindi mo kasalanan at hindi kasalanan ang magmahal. Nagkataon lang na tumibok ang puso mo sa isang estudyante mo." Pampalubag loob na sabi ni Tita habang hinahaplos ang likod ko. Napapikit ako at tumango.

"N-nasayang po ang ginawa niyo para sa akin... Binigo ko po kayo, Tita. I'm sorry!" Sumubsob ako ng husto sa kaniyang dibdib habang humihikbi.

Wala naman ang magulang ko ay nandito naman si Tita Hilda, na naging pangalawang nanay ko para damayan ako sa lahat ng mga problema ko.

"Filamrie, let's go." Napakalas ako kay Tita at mabilis na pinahid ang mga luha ko bago tumingin kay Yvan na nasa bungad ng pinto.

"Aalis na po ako." Pagbaling ko kay Tita. Tumango siya at marahan na tinapik ang balikat ko.

"Magiging maayos ang lahat. Maging matatag ka at huwag mong pabayaan ang sarili mo. Dumalaw ka sa bahay kapag may oras ka."

"Opo, Tita. Salamat." Napatango kong sabi at nagpaalam na sa kaniya.

"Yvan, Hijo..." Baling nito kay Yvan. "Huwag mong pabayaan ang pamangkin ko. Pulis ang Tito niya kaya umayos ka, binata." Birong saad nito kay Yvan, and Yvan just chuckled before looking at my direction.

"She's now my responsibility." Seryosong sagot nito kay Tita Hilda.

"Mabuti kung ganun, Hijo. Sige na mag-ingat kayong dalawa." Napatango ako kay Tita at nagpaalam bago kami lumabas ng faculty room.

Nasa hallway na kami palabas ng gate nang marinig kong may tumatawag sa akin. Napahinto ako kaya huminto din si Yvan na nasa unahan ko.

"Filamrie!"

"Sir Gino." Humahangos na huminto ito sa harapan ko. Inayos nito ang salamin sa mata bago ako hinarap.

"Ayos ka lang?" Tumingin ito sa likuran ko bago sa akin. "Nabalitaan ko ang nangyari sa iyo kaya hinanap agad kita pagkatapos ng klase ko." I saw his concerned on me.

"Ayos lang ako. Salamat, sir Gino." Pilit akong ngumiti sa harap niya.

"Kailan daw malalaman ang desisyon ng board?"

"Hindi ko alam, eh."

"Hayaan mo at kakausapin ko ang board—"

"Huwag na, sir Gino. Salamat pero tatanggapin ko kung anuman ang hatol nila sa akin. Rules and regulations of this school must be followed. Sa case ko ay hindi ko iyon nagawa kaya nararapat lang na parusahan ako." Paliwanag ko na pilit na lang nitong kinatango.

"Sayang naman pero tutulungan kita na mahanapan ng bagong school—"

"She don't needed your help." Napapitlag ako nang mabilis akong hinila sa beywang ni Yvan papunta sa kotse nito. Walang salita na ipinasok ako nito sa loob ng kotse nito.

"Nakakahiya kay sir Gino ang ginawa mo." Bungad ko habang masama ang tingin dito. Inis na nilapit naman nito ang mukha sa akin, napakurap ako.

"Nakakairita kase ang pagmumukha ng lalaking iyon. Gusto ko ngang suntukin at bangasan kung hindi lang ako nagpigil kanina." Sabi nito at mas inilapit pa ang mukha habang kinukuha nito ang seatbelt sa gilid ko.

"Bakit ba kase ang sama ng ugali mo kay sir Gino? Magkaibigan naman kami kaya concerned lang siya sa akin at tutulungan niya pa ako na mahanapan ng ibang eskwelahan."

Mahina ko siyang tinulak dahil sinasadya pa nitong nakawan ng halik ang labi ko. Tapos na nitong ikabit ang seatbelt ko sa gilid ko.

"Hindi ko kase gusto na may ibang lalaki ang umaaligid sa pagmamay-ari ko." Nangunot ang noo ko. Pero ilang sandali lang ay nakuha ko din ang pinapahiwatig nito.

"Si Sir Gino ba ang tinutukoy mo?"

"Tsk. Don't mention his name in front of me." Palatak nito at may inis sa tono ng boses nito.

Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na mapangiti. Kahit ngayon lang ay gusto ko munang kalimutan ang problema ko, pampagaan sa takot ko.

"Nagseselos ka ba kay Sir—sa kaniya, ha?" Tinaasan lang ako nito ng kilay at pinisil pa ang lower chin ko.

Napangiti ako nang umiwas ang mga mata nito at nakita ko din ang pamumula ng tenga at leeg nito.

"Of course not—"

"Totoo?" Pangungulit ko pa. Pinipigilan ko din ang pagkawala ng mga tawa ko. Ang cute lang kaseng magselos ni Yvan, namumula kase.

"I'm not jealous." Pag-ulit nito at sinalubong ang mga tingin ko, ngayon ay nakangisi na ito. "Because I know that your heart was for me only. But yeah, I'm jealous. Now you know."

Bumaba ang mukha nito para halikan ang labi ko. Pero tinulak ko din siya nang maramdaman ang isang palad nito sa bandang hita ko.

"I-ihatid mo na ako." Habol hininga kong sabi at saka sinamaan pa ito ng tingin. Baka kase dito pa sa parking lot ng school masapian ng libog ang lalaking ito—mahilig pa naman ito mangalabit na walang pinipiling oras at lugar.

"Okay." Mabilis niya akong hinalikan sa labi bago ito umayos ng upo. Napailing na lang ako at umayos na din ng upo. Dumako ang tingin ko sa buong paligid ng university, dahil pakiramdam ay heto na ang huling araw ko na aapak sa lugar na ito.
"Everything will be fine."

Napapitlag ako sa pagpisil ni Yvan sa palad ko. Pilit na lang akong napangiti sa kaniya.

"Sorry." Mahina kong sambit na kinakunot ng noo nito.

"For what?" Humigpit ang pagkakahawak nito sa palad ko.

"D-dahil sa akin ay nag-away kayo ng Mama mo at dinungisan ang pangalan niya... Dahil sa relasyon natin ay may mga nasaktan..." Gumaralgal na naman ang boses ko.

Kinalas niya ang seatbelt at saka hinapit ako palapit sa dibdib nito. Napapikit ako at tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. Kasabay noon ang paghalik niya sa noo ko.

"Don't cry. Hindi mo kasalanan ang nangyari. Everything will be fine."

-MAYAMBAY-

Possessive Men #:3- Yvan's Possession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon