Chapter 37

8K 190 1
                                    

Filamrie's povs:

"I'm sorry for interrupting your honeymoon, coz!" Gulat akong napalingon sa matangkad na lalaki.

Nakatingin na pala ito sa akin at may nakakalokong ngisi bago ito kumindat sa akin. Akma kong itatama ang sinabi nito nang pisilin ni Yvan ang beywang ko kaya napasinghap ako sa kiliti at namumula ang mukha.

"Tsk. Bad timing ka nga—sinama mo pa ang dalawang makukulit na ito." Palatak naman ni Yvan, na ang mukha ay hindi pa din maipinta. Bigla tuloy humalakhak ang lalaki.

He was wearing also a black tuxedo with a dark blue necktie, and a pair of black leather shoes, and a gold wristwatch on his right hand. He has the same height with Yvan and a fit shape of body. Over all, he was this handsome. But for me, Yvan has this aura that so much effect on me.

"I'm sorry, coz! Kakalapag pa lang ng airplane namin ay inutusan na ako ng batang iyan na dito agad pumunta. I have no choice but to follow her. Tsk!"
Paliwanag ng matangkad na lalaki.

"Dad, I miss Tito Yvan kase!" Bulalas ng batang babae. Isang mabilis pang halik ang iginawad nito sa pisngi ni Yvan bago yumapos sa leeg nito.

"Dad, it worth it because I saw this beautiful lady who will be my girlfriend."

"She's my girlfriend, Nicollo! So back off! You're very too young for this!" Inis na naman na bitaw ni Yvan sa likod ko. Halos takpan ko naman ang mukha ko dahil sa sobrang hiya at pati ba naman bata ay patulan nito.

Pilit ko ngang kinakalas ang braso nito kaso humihigpit lang ang pagkakayakap nito sa beywang ko. Nakangisi lang ng malapad ang matangkad na lalaki na Daddy pala ng dalawang bata na ito. And I think they're twins sibling.

'Tsk. I don't care." Pagsagot naman ng batang lalaki at saka inirapan pa si Yvan, pero ngumisi ito nang mapatingin sa aking pwesto.

"Okay, that's enough. By the way, I'm Nicky Suarez, Yvan's cousin. And this young lady is Nicole and that young man is Nicollo. Nice to finally meet you, Filamrie!" Pagpapakilalala nito at sumaludo pa sa akin bilang pagbati habang nakangisi pa din ang mukha.

Nakangisi na kumindat naman sa akin ang batang lalaki habang ang batang babae ay ismid na inirapan ako. Mukhang hindi niya ako gusto.

Pero ang siyang kinataka ko ay paano nalaman ng lalaki ang pangalan ko kung first naman namin magkita ngayon. Di kaya... Napatingin ako kay Yvan na agad naman umiwas ng tingin. Ngumiti na lang din ako sa kanilang tatlo.

"I already prepared foods. So let's eat on the dining table." Biglang sabi ni Yvan. Agad naman binuhat ni Nicky ang anak nito mula kay Yvan at nauna na silang lumakad doon sa may hapagkainan, na pansin kong may mga nakahanda ng pagkain doon.

"Are you okay? Pasensya ka na sa mag-aamang 'yon. May sa topak kase ang ama dahil hindi nito kasama ang asawa. Nagpaiwan pa muna kase ng isang araw si Lalaine sa States dahil may inaasikasong mga documents sa hinahawakan nitong kaso. Lalaine is a Lawyer and my cousin Nicky is a Business man."

Mainit na bulong sa akin ni Yvan habang ang dalawang braso na ang nakayapos sa beywang ko, habang ang mukha nito ay nakasubosob naman sa leeg ko na parang inaamoy nito.

"U-umayos ka nga, Yvan. Nakakahiya sa pamilya mo..." Pilit ko talagang kinakalas ang mga braso nito pero lalo lang naman nito hinihigpitan. Mas isinubsob din nito ang mukha sa leeg ko kaya nakikiliti na ako.

"Your scent driving me crazy, baby..."

"Y-yvan!"

"Couple! Let's eat!" Boses iyon ni Nicky, mula sa kusina na nagpalundag sa akin sa gulat.

Kasabay din nun ay bumitaw din sa wakas si Yvan, pero mabilis pa muna nitong ninakawan ng halik ang labi ko. Ngumisi ito nang makita ang pandidilat ko at saka hinila na ako sa kusina kung saan nandoon ng nakaupo ang mag-aama.

"Ang daming pagkain, ah! Bubusugin mo talaga, coz?" Ngising bungad ni Nicky na sinulyapan pa ako ng nakakaloko nitong mukha.

"Shut up, coz." Bumalik na naman ang irita sa mukha ni Yvan habang humihila ng bangko at pinaupo ako. Naupo din ito sa tabi ko at maagap na nilagyan ng kanin at hipon na may gulay ang plato ko.

"Tataba ka talaga dito sa pinsan ko, Filamrie. Bukod sa maalaga na ay bubusugin ka pa sa tiyan at pagmamahal! Oh, asan ka doon?"

Hirit pa ni Nicky habang nilalagyan ng pagkain ang plato ng mga anak nito. Napairap pa sa akin si Nicole.

"I said, SHUT UP, Nick." Inis ng sabi ni Yvan dahil sa idiniin pa nito ang mga words nito. "Eat." Utos naman nito sa akin at panay ang lagay ng mga gulay. Tumango ako at kumain na din.

"Okay. Let's eat, kids."

Matapos kumain ay ako na ang nagpresentang maghugas. Ang dalawang bata ay nauna ng umakyat sa itaas para magpahinga, habang may pinag-uusapan naman sa sala Sina Yvan at Nicky.

Ngayon ay parang nakahinga ako ng maluwag mula sa pang-aasar ni Nicky kanina sa hapag-kainan. Panay ba naman kase ang parinig tungkol sa anak, pagpapakasal o settled down na term.

Tahimik lang ako habang si Yvan naman asar na asar na sinasagot ang mga parinig nito. Ramdam ko kase na naiinis na sa akin si Nicole, hindi ko naman alam kung bakit siya ganoon.

"Hey, anong iniisip mo?" Muntik ko ng maihulog ang basong binabanlawan ko nang may mainit na hininga ang  tumama sa batok ko at mga brasong pumulupot sa beywang ko.

"Y-yvan! G-ginulat mo naman ako!" Inis kong nasiko ang tagiliran nito at tumawa lang ito ng mahina sa leeg ko.

"Tsk. Magugulatin ka talaga. Dapat masanay ka sa 'kin dahil lagi ko itong gagawin sa iyo." Tinutudyo nito ng halik at kagat ang leeg ko kaya napapakislot ako sa kiliti.

"Y-yvan! N-nagbabanlaw ako ng mga plato at baka mabasag ko! Please lang lumayo ka muna para matapos ko ito at makapagpahinga na din tayo!"

Hindi ito natinag sa pagyapos sa akin at muntik ko naman mabitawan ang crystal na baso nang bigla na lang nitong pagapangin ang dalawang palad nito, mula sa braso ko pababa sa magkabilang palad ko.

"Then, let's finish this. So we can rest early..."

-MAYAMBAY-

Possessive Men #:3- Yvan's Possession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon