Around 2 PM sa kwarto namin, kasama ko yung partner ko na natutulog. Kaming dalawa lang sa bahay dahil abala ang mama ko at mga kapatid ko sa pag-asikaso ng mga bisita sa di kalayuang lugar.Sa umpisa, payapa naman kami na nakatulog dahil sa katahimikan sa aming tahanan. Balak namin magpahinga lang nang saglit dahil sa sobrang kapaguran. Tumagal lang ng halos 2 oras ang pagstay namin dun dahil sa kakaibang pangyayari.
Mag-aalas kwatro ng hapon nang bigla kming nagising. Sa di malamang kadahilanan, may kung ano ang umupo sa aking ulunan sa aming hinihigaan. Parehas nmin naramdaman ang tila isang tao na umupo.
Pagdilat ko, gising na din ang partner ko at nakatingin sa bandang ulunan ko. Nagtanong ako kung anong meron.
Sabi nya, wala naman daw pero bakas sa mukha nya na may kakaiba. Tinanong ko sya kung ano ba iyon at bigla syang bumulong sa akin na may nakaupong tao sa likuran ko at umiiyak.
Natakot ako kaya ako'y napakapit s partner ko.
Tinanong ko sya kung ano itsura nung taong yun, dhil bagamat di ko sya nakikita, ramdam ko naman na may katabi ako.Ako'y nabigla ng sabihin nya sa akin na. . .
"Yung Papa mo yung nasa likod mo, umiiyak."
Sa sobrang gulat ko, di ko na alam kung natakot ako o ano, pero ang naaalala koay naiyak na lang ako dahil yun ang ikatlong araw ng burol ng papa ko. Busy sila mama at mga kapatid ko sa mga taong nakikiramay sa amin.
Halong takot at lungkot ang naramdaman ko dahil 1st time ko yun na makaramdam at si Papa pa.
This coming Father's Day, sisiguruhin ko na dadalawin ko sya sa sementeryo.
- J.L.D.S
SMB Bulacan-24
BINABASA MO ANG
Cuatro - (Ghost & Horror Stories Compilation)
RandomIka-apat kabanata para sa mga istoryang Kakatwa at mistulang di kapanipaniwala pero patuloy pa ring kumakalat - ang mga kwentong tulad ng mga ito. Kaya heto ulit ang mga Istoryang inipon at ibabahagi sa inyo. Most of the Stories reposted here in...