UPOS NG SIGARILYO

6 0 0
                                    

may malaking lupain ang great grandparents ko sa province. May lupain din sila sa burol na pina tayuan din nila mg maliit na bahay kubo pero ang tabing ng bintana at pinto eh sako lang. Tumira din kami doon para bantayan yung lupa, kasama pa rin namin yung great grandmother ko.

Yung bahay kubo eh napapalibutan ng mga iba't-ibang punong kahoy at nasa paanan pa ng burol ang mga kapitbahay. Maraming batang kapitbahay ang nakikitulog doon saamin kasi nakikipag laro sila saakin at hindi madamot sa pagkain ang lola ko.

Isang hapong nag lalaro kami kasama ang mga kapitbahay ng bigla bigla kaming tinawag ni lola ko. Dali-dali niya kaming pinapasok at huwag ng mag tanong kung bakit. Sinilip namin sya sa bintana na tanging sako lang ang tabon at nakikita namin syang nag sasalita sa Ilocano kaharap ng isang mayabong na puno ng mangga. Hindi namin siya naiintindihan kay nagkibit balikat na lang kami at nag linis na para kumain.

Nung matutulog na kami, nakaamoy kami ng sigarilyo at malalaking usok ang pumapasok kasi nga nahihipan ng hangin yung sako. Bilang kami ay sanay na may nag dadaob pampawala ng lamok ay pinag walang bahala lang namin iyon pero nag bago ang pananaw namin kinabukasan.

Nung nag umaga na, lumabas kami ng bahay at nakita naming may malalaking upos ng sigarilyo sa ibaba mismo ng kahoy kung saan may kinakausap ang lola ko. Sumunod naman si lola samin dala ang walis ting ting at dustpan and she just casually swept it all off. Sabi niya:

"Huwag na kayong paabot ng hapon kung ayaw niyong magaya kayo sa isang anak kong dinala ng elemento sa kung saan tumawid daw sila ng napakaraming sapa"

Nag tanong naman yung isa kong kalaro na kung sino daw yung kukuha saamin. Sinagot naman kami ni lola ng:

"Iyong malaking taong naninigarilyo dito tuwing gabi"

Simula nuon, parang normal na lang din saamin na may makikita kaming upos ng sigarilyo sa may puno ng mangga tuwing umaga.

⚘⚘⚘

Cuatro - (Ghost & Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon