ANG NAPUSUAN KONG SALAMIN
kasalukuyan akong nangungupahan sa tiyahin ko sa Paranaque. Isa akong sales lady sa kilalang mall, at dahil maliit lang ang sweldo ay kailangan pang mag-ipon para makabili ng kagamitan.
Nang makaipon nga ako ng sapat na pera ay agad akong pumunta sa ukay-ukay shop. Dito ko kasi nakita ang palagi kong pinagsasalaminan tuwing ako’y papasok na sa trabaho. Hindi man ito moderno kagaya ng nabibili sa mall pero nagagandahan ako sa disenyo nito, bagama’t luma na at gasgasin ay binili ko pa rin ito.
Kinailangan ko pang magrenta ng traysikel dahil mabigat ito gawa ng antik na kahoy ang kaha. Noong una ay sobra talaga akong natutuwa dahil palagi ko nang nakikita ang maganda kong mukha at palagi na rin maayos ang make-up ko dahil hindi na ako nagtityaga sa maliit na salamin. Nasa tapat lang kasi ito ng higaan ko.
Pero noong maglaon ay naiinis na ako dahil lumilikha ito ng ingay na para bang may mga gumagapang na maliliit na insekto.
Halos gabi-gabi na lang ay laging ganoon, naiistorbo na ang pagtulog ko. Hanggang sa napuno na nga po ako at pinaghahampas ko ang panggilid ng salamin.
Pero sa hindi ko inaasahan ay nakita ko ang sarili ko sa salamin na nakatikod. Bigla akong napatigil dahil na rin sa gulat, hindi rin po kasi ito gumagalaw. Pinikit ko ang mga mata ko, baka kasi namamalikmata lang ako. Pagdilat ko ay bahagya pa akong nagulat dahil napalapit pala masyado ang mukha ko sa salamin.
“Dala lang siguro ng pagod 'to.”
Nasabi ko pa sa sarili ko at bumalik na ulit sa pagtulog. Mag-aalas dos nang maalimpungatan ako dahil sa mga sitsit, agad kong sinilip ang bintana pero wala akong nakitang tao. Hinanap kong muli kung saan nagmumula ang mga sitsit, nagtaka pa ako bahagya sapagkat sa salamin nagmumula ito.
Hanggang sa hindi ko inaasahan ay may bigla na lang dumaan sa salamin, lumingon ako kaagad sa likod ko ngunit wala namang tao.
Pawisan na ako nang mga sandaling iyon, namumuo na rin ang kilabot sa aking pagkatao. Pinipilit kong iwaglit agad ang itsura no’ng dumaan sa salamin na naka-trahe de buda ngunit isang lalaki ito.
Narinig kong muli ang sitsit na nagmumula sa madilim na sulok ng kuwarto. At kitang-kita ko ang pigura niya kahit madilim ay hindi maikakaila na siya iyong dumaan sa salamin...
Dahan-dahan po talaga itong lumalapit sa akin, hindi ko man lang maigalaw ang katawan ko dahil nangangatal na ako sa takot. Gusto ko mang sumigaw ngunit parang may puwersang pumipigil sa akin. napakabilis ng pangyayari at nasa harapan ko na siya hanggang sa hindi ko na po alam ang mga sumunod na nangyari.
ANG tanging naaala ko na lang ay nagising ako, na nasa sulok ng kuwarto ko. Nakita ko rin ang tila namuong dugo sa aking braso, para itong nabugbog.
Dahil nga sa mga kababalaghan na naranasan ko sa salamin ay ibinablik ko ito sa ukay-ukay shop. Tinanong ko na rin kung saan at sino ang nagmamay-ari ng salamin. Sabi ng ale, ang lahat daw ng mga produkto nila ay nanggagaling sa bansang Thailand.
Hindi na ako muling nagtanong pa dahil wala naman akong makukuhang sagot pa.
-Jen
BINABASA MO ANG
Cuatro - (Ghost & Horror Stories Compilation)
РазноеIka-apat kabanata para sa mga istoryang Kakatwa at mistulang di kapanipaniwala pero patuloy pa ring kumakalat - ang mga kwentong tulad ng mga ito. Kaya heto ulit ang mga Istoryang inipon at ibabahagi sa inyo. Most of the Stories reposted here in...