OJT

6 1 0
                                    


July 2013. Pupunta ako nun sa Ortigas para sa aking OJT kasama ang aking close friends na sila Erlyn at Jillian. Sumakay kami ng MRT mula Taft.

Pagkaakyat namin sa station, nakaramdam na ako na parang bigla akong kinabahan at the same time, nalungkot. Ewan ko kung bakit? Di ko talaga alam.

Nung pagkaakyat namin sa mismong waiting area, kakaalis pa lang nung tren. Kaya naghintay muna kami. Maya-maya, nagulat kami kay Jillian kasi bigla syang may pinulot.

"Ano yan?" tanong ko.

"Wala lang to," sagot nya na nakangiti pa.

Di ko na lang pinansin kasi saktong may dumating na train.

Break time namin sa pinag-oojthan namin nang biglang bumanat si Jillian.

"Jollibee tayo! Sagot ko!" yaya nya.

Kami naman ni Erlyn, nagkatinginan na lang. Pero syempre go kami.

Marami kaming inorder. May pa-take home pa. Habang kumakain, nagkukuwentuhan kaming tatlo.

"Oy ikaw Jillian, may sakit ka no?" biro ni Erlyn.

"Huh? Papasok ba ako kung may sakit ako?" takang tanong ni Jillian.

"Eh bat nanlibre ka?" natatawa na sabi ni Erlyn.

Saka inamin sa amin ni Jillian na may napulot syang wallet sa MRT station. May laman daw ito na 7000 pesos at picture ng babaeng teenager na may papel na nakatupi.

"Ikaw talaga! Kawawa naman yung nakawala ng wallet na yan! Dinamay mo pa kami!" sabi ko na na-shock kasi nakain ko na yung burger na binili gamit sa napulot na pera sa wallet.
"Ano yung nakatuping papel?" tanong ni Erlyn.

"Wait, tingnan ko." sabi ni Jillian.

Kinuha nya sa wallet yung papel at binuksan nya. Nagulat kami sa nakasulat.

"ENJOY YOUR LAST DAY"

"Hala, ang creepy naman!" sabi ko na biglang kinilabutan.

Pero dinedma na lang namin. Pinagpatuloy na lang namin ang kain. Pero nagbiruan na kami.

"Hala ka Jillian! Tegi ka na bukas!" biro namin ni Erlyn kay Jillian.

Pero nagkatawanan lang kami. Mga normal na biruan ng magkakaibigan.

Uwian na kami. Habang pauwi na, chikahan pa din syempre.

"Grabe, mga bilat! Eh mukhang di ako makakapasok bukas." sabi ni Jillian.

"Anong arte mo na naman? May pera ka lang kaya tinatamad ka eh." pagbubuska ni Erlyn.

"Gaga! Para kong lalagnatin." sabi ni Jillian na pansin ko nga, parang namumutla.

"Naku, eh baka ito na talaga ang last day mo. Charot!" biro ko.

"Shut up!" sabi ni Jillian sabay kurot sa akin.

Nagkahiwa-hiwalay na kami pagdating sa Taft. Si Jillian at Erlyn ay sasakay pa ng jeep. Taga-Pasay kasi si Erlyn at Paranaque naman si Jillian. Ako, magbibiyahe pa pa-Las Pinas.

10PM na, parehong araw. Nagtext sakin si Jillian.

"Janet, pasabi sa office na hindi ako makakapasok bukas. Sobrang sama talaga ng pakiramdam ko. Parang may nakasampa sa likod ko. Kaloka!"

Ako dedma na lang kasi medyo antok na.

The next day, kami lang ni Erlyn ang magkasama na bumiyahe papuntang office.

"Hay, ano bang nangyari dun kay Jillian! Nilagnat na nga yata." wika ko.

"Charot nya lang yun! May pera eh, baka magsa-shopping." nakangisi na tugon ni Erlyn.

"Gaga. Malay mo, baka naman masama talaga ang pakiramdam." sabi ko.

Uwian na.

"Si Jillian, talagang sinulit yung pera nya! Wala talagang paramdam si ate natin." sabi ni Erlyn.

"Oo nga, walang text-text. Hahahaha." sangayon ko.

The next day, medyo late akong nagising kaya sobrang nagmamadali akong kumilos. Napatingin ako saglit sa phone ko, may dalawang text messages ako. Pag-open ko, unknown number lang. So dinedma ko muna, hindi ko binasa kasi nga nagmamadali ako. 

Nakita ko na tumatawag din si Erlyn sa akin, pero di ko ito sinagot kasi maliligo pa ako.

Nagkita na kami ni Erlyn sa MRT station. Malayo pa lang, halata ko na umiiyak ito.

"Erlyn, napano ka?" nagulat na tanong ko.

"May nagtext ba sayo na unknown number lang?" bungad agad nito sa akin.

"Ah oo, bakit sayo din?"

"Basahin mo! Bilis!" sabi nito na nanginginig at naluluha na naman.

Agad kong kinuha ang phone ko at saka ko binasa yung text.

"SI TITA MIA NYO ITO, NANAY NI JILLIAN. WALA NA SIYA. NAMATAY SIYA SA HOSPITAL KANINANG 3AM. GUSTO KO LANG MALAMAN NYO KASI ALAM KONG BESTFRIEND NYO SYA."

Nanginig talaga ko at nagyakap kami ni Erlyn dahil parehas kaming napahagulgol sa MRT station. Nagpaload ako at tinawagan namin ang number.

May sumagot na babae at yun nga mom nga si Tita Mia, na ilang beses lang namin nakasama noong bumisita kami sa bahay nila Jillian. Kinompirma nya na wala na si Jillian. Tinanong na lang namin kung saan ang burol at nangako na pupunta kami.

Sabi ng nanay ni Jillian, bigla na lang daw nahirapan huminga ang anak nya kaya sinugod nila sa hospital, pero hindi na rin nakaabot.

Naalala ko yung wallet. Ewan ko. Parang pakiramdam ko na may involvement yung wallet sa pagkamatay nya. Palagay ko may sumpa o orasyon yung wallet.

Hindi ko alam kung gawa lang ba ng imagination namin kasi parang di naman sya planado.
Sabi nga sa nakasulat sa papel, "ENJOY YOUR LAST DAY."

talagang nangingilabot ako...

-Janet

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cuatro - (Ghost & Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon