STOP OVER

2 0 0
                                    


Pauwi na kami sa Manila from Isabela, bali tatlong kotse yung gamit namin, kasama ko sa kotse yung mother at father ko,  yung dalawa kong kapatid, saka kasama din namin yung dalawa kong tita with their fams.

Nasa harap ako, katabi ko yung nanay ko and yung tatay ko, sya yung nagda-drive, and then sa likod is yung dalawa kong kapatid,  yung dalawa kong pinsan at sa pinaka-likod ay yung iba kong pinsan saka yung dalawa kong tita and mga asawa nila. Sa kabilang dalawa pang kotse ay nandoon ang iba kong mga pinsan at mga tita at tito ko.

I've been asleep for almost 5 hours kasi mga 10pm nakatulog na ko, mga 8pm kami bumyahe pabalik sa Manila. And then 3am bigla akong naalimpungatan. Kukurap-kurap pa mata ko kasi biglang gising. Maya-maya na-realize ko na hindi umaandar yung kotse kaya umayos ako ng upo at nilingon ang mga katabi ko. Lahat sila tulog at mga naghihilik pati na din si papa na driver namin, naghihilik na din.

Tumingin ako sa bintana ng kotse, ang creepy ng place kasi nasa probinsya pa kami, madilim at puro malalaking puno sa paligid. Hinanap ko yung dalawa pang kotse at nandoon sila sa likuran namin, hindi na siguro kinaya ng mga driver yung antok since 12 hours ang byahe nito pa-Manila.

Sumandal ako at kinuha ang phone ko na nasa bag ko, since hindi na ko makatulog at ayaw ko na din muna matulog dahil mukhang lahat sila ay tulog, dapat atleast may isang gising para magbantay sa paligid, sinuot ko yung earphone at nagpatugtog.

Feeling ko that time nasa isang horror movie ako, ang creepy lang kasi. Yung kotse namin nagpapatay-sindi yung ilaw sa harapan na kapag walang ilaw ay wala ka talagang maaanigan sa labas tapos nakakabingi pa yung katahimikan.

I'm about to close my eyes pero hindi ako matutulog, pipikit lang, ayoko lang makita yung nagpapatay-sindi na ilaw ng kotse namin sa harapan nang biglang may babaeng kumakatok sa bintana ng sasakyan sa may banda ko. It creeps me out kaya nabitawan ko yung phone ko at napa-mura pa. Napatitig ako sa babaeng kumakatok sa bintana, may sinasabi sya pero hindi ko masyadong marinig. Umiiyak sya at mukhang nag-aalala yung hitsura niya.

Maayos naman yung hitsura nya, siguro mga nasa 16 years old sya. Mukha namang tao at hindi mukhang multo kaya naisipan kong buksan yung salamin ng sasakyan.

"Ate patulong naman po, yung kapatid ko po kasi nahulog sa damuhan, patulong naman pong hilahin sya pataas ate please po!" Umiiyak na pagmamakaawa ng babae.

"Wala ba kayong kasama? Guardians?" nagtatakang tanong ko.

"Ate ko po yung guardian ko, sya po yung nagda-drive sa kotse."

"Nasan yung ate mo?"

"Sya po yung nahulog, tulungan mo po akong hilahin sya pataas bago sya tuluyang mahulog please po!"

Lumingon ako kay papa, balak ko sanang gisingin sya pero pinipilit na ko ng babae na tulungan sya, nag-ii-iyak na kasi ito sa sobrang pag-aalala sa ate nya.

Lumabas ako ng sasakyan at sinundan yung babae. Dala ko yung phone ko kaya gumamit ako ng flashlight. Huminto kami sa may malapit sa bangin.

"Nasan ang ate mo?" tanong ko sa kanya since wala akong makitang tao o naka-kapit na tao.

"Nandyan lang sya kanina! Nahulog na sya! Samahan mo ko hanapin sya please! Baka mamatay yung ate ko! Parang awa mo na!" Hagulgol na sa pag-iiyak yung babae.

Akmang hihilahin nya ko kaya napa-atras ako.

"Delekado dyan!"

"Pano yung ate ko?"

"I'll call for help, gisingin ko lang yung papa ko wait." Tumakbo ako palapit sa kotse namin habang nagda-dial ng emergency. Binuksan ko yung pinto ng sasakyan para gisingin si papa pero nang mapalingon akong muli sa pwesto kung saan nandoon yung babae ay wala na ito doon, inilawan ko banda doon ay wala na talagang tao doon. Naramdaman kong nagsitaasan lahat ng mga balahibo ko sa buong katawan ko kaya dali-dali akong pumasok sa loob ng sasakyan at isinara ang salamin ng bintana. Sinuot ko ang hood ng jacket ko para wala akong makita sa gilid ko saka nag-earphone at nilakasan ang volume nito pagkatapos ay pumikit.

Kinaumagahan ay umaandar na kami, kinuwento ko iyon sa mga kasama ko sa kotse at pati sila ay kinilabutan din. Lalo na ako.

-YourAngel
|Manila

Cuatro - (Ghost & Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon