Nagkaroon kami ng tour somewhere in Ilocos noong July 2017. Dahil may itinerary kaming sinusunod, hapon pa bago kami nakapag check-in sa resort na pagii-stayan namin for 2 days (4 days kasi yung tour).
Dahil na din sa pagod namin sa byahe at sa mga sightseeing, pagdating namin sa resort, as usual pahinga and kanya-kanyang beauty rest ang mga lola mo.
2nd night namin sa resort, napagpasyahan namin na mag-dinner sa labas ng resort dahil mahal masyado yung pagkain sa loob.
Sumabay ako that time sa 1st van (kasi dalawa yung van namin dahil madami kami masyado). Nagtaka ako, nung pinatay nila yung ilaw in the middle of the road, walang ibang ilaw kundi yung sa van namin and at that moment, nakababa yung bintana namin sa unahan, kinilabutan ako.
Nung nakarating kami sa lugar kung saan kami magdi-dinner natanong nila (nung mga naka sakay sa 2nd van) kung napansin ko daw ba yung pagpatay nila ng ilaw at pag-busina.
Syempre ako oo naman, ready ako sa chismis eh! Kasi kinilabutan ako pagpatay nila ng ilaw. So ayun na nga, kaya daw nila pinatay kasi sa gilid ng kalsada, which is palayan na and may konting puno ng saging, may nakita daw sila na isang babaeng nakatayo, naka puting suot, at may kulot na buhok na nakatingin sa sasakyan. Pinatayan daw nila ng ilaw para daw hindi nila makita kasi natatakot ang mga sakay.
Nung pauwi na kami sa resort after dinner, sa 2nd van na ako sumabay kasi gusto ko din makita, and as usual, pinatay nila yung ilaw the same spot kung saan sila nagpatay nung papunta kami sa venue. Bumusina si kuya driver sabay sabi sakin na “tumingin ka sa kaliwa, andyan na sya”
Paglingon ko, nandun nga sya nakamasid sa sasakyan namin.
dumating kami sa resort ng mga around 9:30 pm at napagpasyahan na mag-inom, chill lang, kwentuhan, tawanan, hanggang sa ma-open up yung kababalaghan ma nangyayari naman sa school namin.
Sa kalagitnaan ng kwentuhan, dahil mga pagod na din, unti-unting nalalagas yung tao sa inuman hanggang sa maging anim na lang kami and ma-realize na alas tres na ng madaling araw.
Hindi na namin napansin yung oras kasi happy happy lang kami at first hanggang sa magkwentuhan ng kababalaghan.
Natahimik na kaming lahat kasi mga takot na. Yung isa sa mga kasama namin, tumingin bigla sa rooftop ng resort although di talaga sya rooftop, it’s like dapat second floor sya pero di pa tinatayuan ng mga pader kaya ginawa munang pansamantalang sampayan. May mga sinampay din akong damit dun.
Ako sm napatingin din kasi feeling ko, may nakatingin samin mula sa taas. Lahat sumunod na din ng tingin tapos yung dalawa kong katabi na unang tumingin dun, naghihintay sila kung may bababa sa hagdan.
Lahat kami nag-abang din hanggang sa lumabas yung isa kong kaklaseng lalaki sa kwarto nila. Yung pinto ng kwarto nila katabi ng hagdan. Tumagal ng ilang minuto, wala pa din bumababa so nag salita na ako. Ang lakas ng loob ko na mag tanong na “Anong meron? Bakit kayo tumingin sa taas?”
Ang sagot samin nung dalawa, "May lalaki, sumilip sya dito. Hinihintay naming bumaba pero wala, bigla nalang syang nawala."
Pinagkamalan pa nila na yun daw yung kaklase namin na lumabas sa kwarto, pero dinefend namin sya nung isa ko pang kaklase. Balak pa sana naming akyatin yung sampayan pero pinagpasawalang bahala na lang namin, dahil baka malaglag pa kami dun at maitulak ng kung sino mang nakamasid samin.
The next morning, lumipat na kami ng ibang matutuluyan. This time naman, pagkalipat na pagkalipat namin, napaglaruan agad kami. Nasa iisang kwarto kaming lahat na girls noon ng biglang nawala yung shampoo ng isa kong kaibigan na dapat maliligo na.
Lahat ng sulok ng kwarto tiningnan na namin kahit yung ilalim ng kama. Nang bigla sya nagsalita na “Ilabas mo na yung shampoo ko! Ligong ligo na ako!”
Tapos nakita nya na lang na yung shampoo nya na nasa may ilalim na ng kama na pinag hanapan namin.
The next day naman, naiwan mag-isa yung kaklase ko sa room. Tapos na kaming lahat mag-dinner, nagpaiwan na sya kasi nagkaroon sya ng bali sa paa.
Pagdating namin after dinner sa kwarto, kinatok namin sya. Hindi nya siguro narinig kaya sinilip ko sya sa bintana and laking gulat ko nang may makita akong anino na katabi nya sa kama, nakahiga sa tabi ng pader.
Kaya kinalabog talaga namin yung pinto and ayun, pagkabukas nya inopen up namin yung nakita ko na katabi nya.
Sabi nya nga daw, nararamdaman nyang hindi sya nag-iisa sa kwarto, hindi sya nag iisa na naka higa sa kama...
-Thea
BINABASA MO ANG
Cuatro - (Ghost & Horror Stories Compilation)
RandomIka-apat kabanata para sa mga istoryang Kakatwa at mistulang di kapanipaniwala pero patuloy pa ring kumakalat - ang mga kwentong tulad ng mga ito. Kaya heto ulit ang mga Istoryang inipon at ibabahagi sa inyo. Most of the Stories reposted here in...