Camera

3 1 0
                                    

15years old ako ng pumanaw ang aking mga magulang dahil sa car accident,ang sakit sa feeling mawalan ng mga magulang. Dalawa na lang kami ng aking lola dito sa Capiz, she loves to take photos all the time tuwing hawak niya ang kanyang camera. At hiniram ko sa kanya iyon para kuhanan siya ng litrato

"Lola smile" ang sabi ko sa kanya,nakangiti sya ng maganda at namumusilak ang kanyang mga mukha. Habang tinitignan ko ang mga kuha ko sa kanya sa camera  parang may kakaiba, malabo ang kanyang Imahe at putol ang braso niya. Nagulat ako sa aking nakita at ang lakas ng tibok ng aking dibdib.

Uminom ako ng tubig

Inihanda na ni lola ang aming kakainin sa gabihan at sabay kaming kumakain,nang bigla siyang nag kuwento tungkol sa camera. Sabi niya na

"apo,itago mo ang camera na iyan dahil ipinamana pa sa akin yan ng aking mga magulang bago pa sila mawala sa mundong ito." At sabi ko naman sa kanya "lola sayo po iyan kaya hinding hindi ko kukunin yan."

sumagot ang aking lola

"pag ako ay pumanaw na ipapamana ko saiyo yan kaya ingatan mo yan tulad ng pag ingat ko sa camera na yan".
Tumango na lang ako at uminom ng tubig dahil mabilis nanaman ang tibok ng dibdib ko.

Bago kami matulog ni Lola nagdasal muna ako. Nagising ako ng alas dos ng madaling araw, at nakita ko ang camera na nakabukas ang flash nito. Pag tingin ko ay may mga litrato ng aking lola na habang natutulog kami at hindi ako nakuhanan ng camera sya lang at parehas na parehas ang mga gamit o istilo ng mismong mga nasa gilid namin.

At natakot ako, bigla kong niyakap ng mahigpit ang aking lola na para bang hindi ko na siya papakawalan pa. Dahil siya na lang ang nag-iisa sa buhay ko na mayroon ako. Dahil namatay ang mga magulang ko noong ako'y labing limang taong gulang pa lamang.

Nagising nanaman ako ng alas tres ng madaling araw para bang may sumasagabal sa pagtulog ko. Bumaba ako para uminom ng tubig,pag akyat ko nakita ko na mayroong kabaong sa tabi ng aking lola at  ako'y napaupo na lamang at iyak ng iyak.

At may nag uuga saakin at nagising ako,pag mulat ko ng aking mga mata ay nakita ko ang lola ko at niyakap ko sya ng mahigpit. At nag pasalamat ako na panaginip lang pala ang lahat ng iyon.

Kaya naisipan ko na kumuha ng litrato kasama ang aking pinakamamahal na lola.

dahil sila ang gagabay sa atin sa ano mang pagsubok ng buhay kapag wala na ang ating mga magulang. Sila din ang mga nagiging ina sa ibang kabataan na iniwan ng kanilang mga magulang. Kaya dapat tayo'y mag pasalamat dahil nandito ang ating mga lola para tayo'y mahalin at alagaan,kaya dapat wag natin sasayangin ang mga oras na kasama pa natin sila. Dapat natin iparamdam at ipakita ang tunay na pagmamahal sa ating mga lolo at lola.

-Anya

Cuatro - (Ghost & Horror Stories Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon