"Nagtatrabaho ako sa Japan bilang isang apprentice chef noon sa Japan. Sa isang restaurant sa Yurakucho ako nagtatrabaho.
Sumasakay ako ng subway kasi medyo malayo ang apartment ko sa pinagtatrabahuan ko. Maaga akong pumapasok para maka pag linis ng kusina tsaka mag inventory (parte ng training ko kasi)
5am gising ko tapos 6am papunta nkong subway kasi 6:30am kadalasan dumadating ang tren. Bumaba ako ng Yarakucho may napansin akong lalaki na nakaupo sa gilid.
May dumaan sa kanyang matabang babae tapos sinabi nyang ""buta"" (buta means pig) natawa na lang ako kasi sinabihan nyang baboy yung babae.
Mga 5pm tapos na yung trabaho ko pero nag papaiwan ako sa resto kasi mahilig akong mag experiment ng bagong recipes ideas at techniques pinayagan naman ako ng Chef namin basta sakin yung ingredients na gagamitin.
2nd day pumasok ulit ako ng maaga nakita ko ulit yung lalaki pagdaan ng lalaking nauna sakin sabi nya ""ushi"" (cow) medyo hindi na ako natawa kasi nanglalait na sya ng tao. Ako yung sumunod sa lalaki medyo kunti lang yung pasahero kaya nakita niya ako. Nagsalita sya nung pagkalampas ko sabi niya ""Ningen"" (human) sabay tumayo siya tsaka umalis.
May katrabaho ako pinoy sa restaurant tinanong ko siya kung sino ba yung lalaki na nasa subway. Sabi nya tuwing Yurakucho cherry tree festival may mga lumalapit sa lalaki na yun sa subway kasi maraming namamangha sa kanya, na huhulaan niya kasi yung huli mong kinain.
-Ningen
Manila
BINABASA MO ANG
Cuatro - (Ghost & Horror Stories Compilation)
RandomIka-apat kabanata para sa mga istoryang Kakatwa at mistulang di kapanipaniwala pero patuloy pa ring kumakalat - ang mga kwentong tulad ng mga ito. Kaya heto ulit ang mga Istoryang inipon at ibabahagi sa inyo. Most of the Stories reposted here in...